Selene
Nakahinga ako ng maluwag matapos kong makalabas sa opisina ni Gov. Sulivan, nandito kasi ako ngayon sa kapitolyo ng La Belleza para mag-apply ng trabaho pero nabigla ako nung makita ko si Gov. at hindi ako puwedeng magkamali, siya ‘yung lalaking naka-one night stand ko apat na buwan na ang nakakalipas.
Wala ako sa sariling naglalakad palabas ng kapitolyo. Masaya ako na natanggap ako sa trabaho pero hindi ko naman inexpect na siya ‘yung magiging boss ko at magk-krus ulit ang landas naming dalawa. Nakilala niya kaya ako?! The way he looks at me earlier, paramg bakas sa mukha niya na napaisip siya matapos niya akong makita.
“Selene!” Muntik na akong mapatalon sa gulat nung marinig ko ang boses ni Katty at paglingon ko sa likod ko ay nakita kong patakbo sa direksyon ko.
“Kamusta? Natanggap ka ba? Nabalitaan ko tatlong aplikante lang ang tinanggap ni Gov ah?” Mausisa nitong tanong sa akin pero para akong lutang at wala sa tamang pag iisip dahil iniisip ko ‘yung nangyari sa amin nung lalaking yo’n which is si Gov. Louis pala!
Napahinga ako ng malalim at napailing. “N-natanggap ako sa trabaho..” Walang gana kong balita sa kaniya tapos ay binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti.
“Eh bakit ganiyan mukha mo?!” Nakasimangot niyang tanong pero agad ko ding nakita ang galak sa reaksyon ni Katty pero hindi ko makuhang makaramdam ng galak. “Well, Congrats! You are so lucky today ah!” Magiliw na pagbati at pangangantyaw pa niya tapos ay niyakap niya ako.
“Pero.. wait!” Sambit niya tapos ay hinila niya ako sa isang gilid at pabulong na nagtanong.
“Hindi ka na puwedeng mag-back out kasi tanggap ka na, inform mo ba siya na buntis ka? Paano yo’n?!” Tarantang tanong niya sa akin pero umiling ako.
“Syempre hindi, kapag sinabi ko sa kaniya ay malamang eh hindi niya ako tanggapin!” Mariing katwiran ko pa sa kaniya kaya napabuntong hininga si Katty at napahalukipkip na lamang siya dahil sa sagot ko.
“Eh paano yo’n?! Napakaselan mo pa naman at apat na buwan na yang nasa tiyan mo.. anytime soon, mahahahalata ka niyan, baka matanggal-“
“I should worry about that later, Katty. Ang importante ay may trabaho ako at makakapag ipon na ako para sa baby ko.” Paniniguro ko pa sa kaniya pero kita ko pa din ang pag aalala sa ekspresyon niya.
“By the way, kamusta nga pala si Gov? Pogi ba? Alam mo, balita ko masungit daw yo’n! Kaya umaayos ka sa trabaho ha! Sa halos isang taon niya palang sa termino eh nakakasiyam na sekretarya na siya.” Napaangat ako ng tingin dahil sa taimis ni Katty. Nakaramdam ako ng kaba, mali yata talaga na dito ko pa napili mag-apply eh.
“A-ayos lang naman pero akala ko talaga eh hindi niya ako tatanggapin.” Nag aalangan ko pang kuwento sa kaniya.
“Na’ko, goodluck na lang talags sa’yo!”
“Pero ha?! Sabihin mo sa akin pagsinungitan ka no’n o ano?! Na’ko, huwag ka niyang ma-stress stress ha.” Mayabang na sabi pa ni Katty kaya natawa ako.
Naglalakad na kami sa labas ng kapitolyo nung biglang may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko ay nakita ko ‘yung babaing sumalubong sa amin kanina na ang sabi nila ay pinsan raw ni Gov.
“Selene, right?”
“The newly hired secretary?!” Salubong na tanong niya pa sa akin kaya nag alangan akong tumanggo.
“O-opo.”
“Oh, thank God at naabutan pa kita!” Nagagalak at parang laking ginhawa niyang sambit.
“I’m Treesse.” Nakangiting pakilala niya sabay pakikipagkamay sa akin.
“You didn’t said anything when you left his office, akala ko eh hindi ka natanggap dahil umalis ka na lang bigla!” Mariing sabi pa ni Ms. Treesse.
“S-sorry po, may kailangan pa po bang gawin?” Nauutal kong tanong.
“Ang sabi niya lang po kasi sa’kin ay mag umpisa na raw po ako bukas.” Dugtong ko pa.
“No, nothing but I have some instructions to give and some stuff you need.” Pagkaklaro pa niya tapos ay may inabot siya sa akin na isang tablet kaya nagtataka ko siyang tinignan.
“P-para saan po ito?” Takang tanong ko sa kaniya matapos kong kunin ‘yung inabot niya.
“For you to easily arrange his schedule such as appointments, meetings, his email messages and such, then you’ll going to send it to him but don’t worry, naayos ko na ang schedule niya this week all you have to do is, monitor and check.” Detalyadong paliwanag ni Ms. Treesse sa akin kaya napatanggo na lang ako.
“Goodluck ha, I hope to see you much longer.” Nakangiti at pabirong hirit niya kaya isang pilit na ngiti ang pinakita ko pero mas lalo lang akong kinabahan dahil sa mga naririnig ko tungkol kay Gov eh.
Maya maya pa habang magkausap kami ay bigla kong natanaw si Gov na papalapit sa kinaroroonan namin. “Treesse, I’ve been looking for you, where have you been?!” Salubong nito sa pinsan niya tapos ay nabaling ang tingin niya sa akin dahil nakatayo lang kami ni Katty sa likuran ni Ms. Treesse.
“Oh, I just instructed your new secretary and you know..”
“Give her a little bit of a goodluck.” Pabiro at sarkastikong hirit ni Ms. Treesse sa pinsan niya habang si Gov Louis namin ay nakatitig lang sa akin, kulang na nga lang eh matunaw ako sa pagtitig niya.
Nakaramdam ako ng bahagyang pagsakit ng tiyan na parang akong kinakabag na ewan at hindi ako mapakali. “Anak, huwag kang magulo diyan, nahihirapan si mama eh.” Bulong ko sa isip ko lalo na nung maramdaman ko na para bang gumagalaw siya sa loob ng tiyan ko at hindi mapakali.
Para bang nakilala ng anak ko kung sino ang kaharap ko. Napaangat ako ng tingin sa kaniya nung sa wakas ay nagsalita na siya.
“See you tomorrow, Ms. Castillo. I expect you to be early on your first day. I need someone to accompany and join me in a meeting with the mayors and other officials.” Seryoso niyang bilin at paalala tapos ay sabay na silang umalis ni Ms. Treesse kaya naiwan kami ni Katty na nakatulala.
“Infairness ha, totoo ang tsimis! Gwapo talaga tong si Gov!” Rinig kong kinikilig kilig na komento pa nito.
“Na’ko, kung magugustuhan niya lang ako-“
Tinignan ko siya ng masama at umiling iling ako. “Na’ko, hindi ka magugustuhan no’n noh!” Mariing suway ko pa kaya tinaasan niya ako ng kilay at inirapan.
“Eh di ikaw na lang.” Panunuksong hirit pa niya kaya napangiwi ako at napailing muli.
“Sus, halata naman sa kilos at galaw niya na hindi siya magkakagusto sa hindi niya kalebel noh!”
“At saka mukhang babaero din eh, kaya ekis na agad. Pass sa babaero!” Mariing sabi at reklamo ko pa pero tinawanan lang ako ni Katty.
“Ay bakit parang based on experiences yang hirit mo?! Kota ka na ba?!” Natatawang panunukso pa niya kaya sinimangutan ko siya.
“Oo! Kotang kota na ako sa mga lalaki noh!” Mariin at may pagka-bitter ko pang sabi.
“Eh paano yo’n, na’ko! Maaga ka raw dapat bukas. Lagi ka pa namang may morning sickness!” Pag aalalang komento pa ni Katty tapos ay tinitignan niya lang ako.
“At isa pa, may check up ka pala bukas after lunch. Paano yo’n?!” Natatarantang paalala ni Katty sa akin kaya na-bother din ako.
“Baka maman puwedeng i-resched yo’n?!” Baling ko kay Katty pero tinasaan niya lang ako ng kilay at sinamaan ng tingin.
“Bayad na yo’n, teh’ sayang bayad!” Reklamo niya. Maya maya habang nag aabang kami ng sasakyan ay biglang tumunog ‘yung tablet na binigay ni Ms. Treesse.
Napahawak ako sa braso ni Katty nung makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo.
“Nahihilo ako, Katty-“
“Na’ko, na’ko, teka.” Natatarantang sambit niya habnag inaalalayan ako tapos ay may isang kotseng biglang huminto sa harapan namin kaya dali daling pinara yo’n ni Katty tapos ay binuksan niya ‘yung pintuan ng backseat.
Pagpasok namin ay may nakaupo na pala sa kaliwang banda nung backseat at gulat na gulat siya nung sumakay kami. Napatingin din ‘yung din ‘yung driver sa amin.
“Ah.. T-this w-wasn’t a t-taxi..” Nag aalangang sabi nung lalaki tapos ay napatingin siya sa akin habang naka patong ang ulo ko sa balikat ni Katty dahil sobrang pagkahilo na nararamdaman ko.
“Ha? Ah?! Hala! Sorry po!” Natatarantang reaksyon ni Katty at hihilahin niya na sana ako pababa nung pinigilan kami nung lalaki sa backseat.
“It’s okay.. but..”
“Is she okay?!” He asked referring to me.
“Medyo nahilo po kasi siya.” Walang pag aalinlangang sabi ni Katty.
“Oh, do we need to go to the hospital? We can bring her there.” Alok naman nung lalaki pero umiling si Katty.
“Ah, kailangan lang po namin makauwi..” Sabi naman ni Katty.
“Oh, then.. ihatid na namin kayo. Mukhang mahirap din kasing makasakay dito eh..” Rinig kong alok at paliwanag nung lalaki pero hindi ako makapag-reak pa dahil sa sobrang hilo ko..
Rinig ko na nag uusap sila ni Katty pero hindi ko naintindihan kung ano at sino ang pinag uusapan nila.
“By the way, I am Neil..” Pakilala nito kay Katty at naramdaman kong parang nagulat at nataranta si Katty nung marinig niya ang pangalan nung lalaki.
“Neil?!” Rinig kong ulit pa ni Katty.
“Neil Lõpez po ba?!” Ulit pang tanong ni Katty at nakita ko na nag aalangang tumanggo ‘yung lalaki na para bang nahihiya siya.
“Di ho ba, friends kayo with Gov Louis?!” Mausisa namang tanong nito kaya nakita ko sa ekspresyon ni Neil ang pagka ilang dahil sa mga tanong nitong si Katty.
Friends? This man is a friend of Governor Sulivan?! What a coincidence!!
“Actually, I was about to meet up with him in a nearby restaurant but.. ihahatid muna namin kayo.” Nakangiting sabi niya at buti na lang talaga eh mabait siya. Si Katty kasi pinagkamalan ba namang taxi ‘yung kotae ni Neil! Nakakahiya!! Paano kung ikuwento niya ito sa kaibigan niya o di kaya eh makita ko siya sa opisina ni Gov?!