Chapter 5

1827 Words
Selene Ang bigat bigat ng pakiramdam ko! Ayoko pang bumangon kaya dali dali kong kinuha ‘yung cellphone ko na nakalapag sa bedside table ko at pinatay ko iyong alarm kong pagkaingay ingay! Pero pagbalik ko nung cellphone ay napadilat ako at nagising ang diwa ko nung mapansin ko ang oras at araw. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho! Tinatamad akong naupo sa higaan at pakamot ulo akong tumayo. Gusto ko pang matulog eh. Hays! Papalabas na sana ako ng kuwarto nung biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang nakapamewang at nakataas ang kilay na si Katty. “Late ka na, Ms. Secretary.” Sarkastikong sabi kaya napakamot na lang ako ng ulo. “Inaantok pa nga ako eh.” Reklamo ko pa sa kaniya. “Nakapagluto na ako ng breakfast natin pati na din ng lunch at nakapagplantsa na din ako. All you have to do is take a bath and get ready, okay? Go!” Pagmamadaling sabi niya sa akin tapos ay siya na ang nag ayos nung bedsheet ng higaan ko kaya naman dali dali na akong pumunta sa CR para maligo. Napapangiti na lang ako, napakasuwerte ko dahil naging kaibigan ko si Katty kahit na may pagkabungangera siya minsan, hays. “Bilisan mo lang maligo ha!” Rinig kong paalala nito sa akin mula sa labas ng CR. Sinunod ko naman ang sinabi niya pero habang naliligo ako ay nakakaramdam ako ng kaba at mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Ano kayang mangyayari ngayong araw? Habang nagsasabon ako ay nakikita ang unti unting paglaki ng tiyan ko. Nagmumuni muni pa ako dito nung marinig ko ang malakas na pagkatok ni Katty sa labas ng CR. “Teh, bilisan mo na diyan, mamaya ka na magmumuni at late ka na jusko ka!” Sigaw niya pa mula sa labas kaya nagmamadali kong tinapos ‘yung pagsha-shampoo ko ng buhok. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Katty na nakahalukipkip ang kamay at nakataas ang kilay sa akin habang nakatayo sa sala. Tss. Pinaglihi ba siya kay anger?! Laging galit eh, daig pa niya nanay ko kung makaasta. Pero on a serious note, sobrang thankful ako kay Katty for always being there for me especially when I need someone to lean on. She is the best of friend I ever had. “Oo na po, eto na! Bibilisan ko na.” Panunuksong sabi ko sa kaniya pagdaan ko sa harapan niya tapos ay inirapan niya lang ako. Habang nagbibihis ay napansin kong medyo masikip na sa akin ‘yung mini skirt ko dahil nag uumpisa na ding lumaki at lumapad ng kaunti ang bewang at balakang ko. Nasa gilid lang naman ang zipper nung mini skirt pero nahihirapan akong i-zip. “Katty!” “Katty!” Tawag ko kay Katty na taranta namang pumasok sa loob ng kuwarto ko. “Bakit? Anong nangyari?” Taranta niyang tanong pagbukas niya ng pintuan kaya ngumoso ako sa kaniya. “Hindi ko mai-zip ‘yung mini skirt.” Nakangusong reklamo ko sa kaniya. “Jusko.” She exclaimed. “Akala ko kung anong nangyari sa’yo eh.” Sambit niya pa tapos ay tinulungan niya akong i-zip ang mini skirt ko. “You should start wearing loose dress or blouse na, tapos bagong pantalon o kaya mini skirt ‘yung medium size para di halata yang tiyan mo!” Mariing sermon at paalala niya pa habang inaayos ‘yung mini skirt ko. “Oo nga eh.” Sang ayon ko naman tapos ay humarap ako sa salamin. “Gusto mo bang samahan pa kita papunta doon?” Tanong niya sa akin pero umling ako. “Sabay na lang tayo sa jeep mauna ka naman baba, kaya ko naman na mag isa papuntang kapitolyo eh.” Sambit ko naman sa kaniya tapos ay sinuklay ko ang buhok ko. “Tara na, late na tayo at mag aalasyete na ng umaga.” Aya niya sa akin. Natatawa ako kasi parang anak niya ako kung asikasuhin niya ako. Maganda ang sikat ng araw ngayon at maaliwalas ang panahon pero maalinsangan pa din. Malapit lang ang terminal ng jeep dito sa bahay nina Katty kaya naman agad din kaming nakarating do’n at sakto naman na meron route ng jeep na dadaan pakapitolyo kaya dali dali na din kaming sumakay. Sa palagay ko ay higit kinse minuto lang ang biyahe kaya naman ayos lang at hindi rin pagod sa biyahe. “Mag ingat ka, Selene, mauna na ako!” Mariing paalam ni Katty nung nauna siyang bumaba kesa sa akin. Habang papalapit ako ng papalapit sa kapitolyo ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Sa kakaisip ko sa kabang nararamdaman ko ay di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng kapitolyo. “Oh, iyong pa-kapitolyo diyan oh! Baba na!” Rinig kong sambit nung driver kaya nataranta ako at dali dali na’kong bumaba. Nung nasa tapat na ako ay bigla pa akong nakaramdam ng hiya na pumasok at dumiretso sa opisina ni Gov at hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatayo at nakatulala sa may malapit sa elevator. “Selene?” Napalingon ako nung may marinig akong biglang timawag sa pangalan ko at paglingon ko ay nakita ko na si Gov Louis pala yo’n na kakadating lang at may mga nakasunod siya mga bodyguard. “What are you doing here?” Takang tanong niya. “Ah.. paakyat na po sana..” Nag aalangan kong sabi. “Oh, okay. By the way, what’s my schedule for today? Aside from that meeting I’ve mentioned yesterday?!” Tanong niya habang pasakay kami sa elevator kaya nataranta ako kasi hindi ko pa pala na-check ‘yung schedule niya. Agad kong kinuha ‘yung tablet pero hindi ako nagpahalata na natataranta ako tapos ay mabilis kong ini-scan read ‘yung schedule niya today. Muntik ko nang mabitawan ‘yung tablet nung marinig ko si Gov na magsalitang muli at nung nag angat ako ng tingin ay nakita ko siyang nakaharap sa akin at nakataas ang kilay. Apat lang kami dito sa loob kasama ‘yung dalawa niyang bodyguard pero parang naninikip ang dibdib ko. “W-wala naman po, G-Gov.” Nauutal kong sagot sa tanong niya. “Puro meetings lang po.” Nakangiting saad ko pa sa kaniya tapos ay tumango siya at bumukas na ‘yung elevator, bumaba na siya kaya dali dali na akong sumunod tapos ay huminto siya sa isang silid at lumingon muna sandali sa akin. “Could you please take down some nnotes for me?” Pabulong niyang sabi kaya tumango ako tapos ay binuksan na niya ‘yung pintuan ag tama ako, parang conference room yo’n where they conduct meetings. Napayuko na lang ako nung makita kong marami nang tao sa loob. “Good Morning, Gov!” Salubong na bati nila nung makapasok kami sa loob. “Sorry, am I late?!” Kunot noong tanong niya. “Hindi naman, kakadating lang din namin.. you are just on time.” Sagot nung isa sa kanila. “Okay, shall we start?!” Formal niya pang sambit. Nakatayo lang ako sa tabi ni Gov habang nag uumpisa pa lang ang meeting nila. 2 inches lang naman ‘yung heels ko pero sana pala ay nag flat shoes na lang ako eh. Gusto ko nang umupo dahil mangangalay ako pero nahihiya naman ako dahil may nakaupo na sa tabi ng seat ni Gov. Napalingon si Gov sa gilid niya kaya napansin niya yatang hindi ako mapakali. “Could you please move to another seat, there’s alot of vacant seat here.” Mariin ngunit mahinahong pakiusap niya do’n sa lalaking nakaupo malapit sa kaniya at nung umalis ‘yung lalaking nakaupo do’n ay lumingon ulit siya sa akin at sumeñyas na maupo ako do’n sa kung saan makaupo ‘yung lalaki kanina. “Oh, Gov, may bago ka palang secretary.” Pangangatyaw pa nila. “You really have a taste Louis.” Pabiro at sarkastikong hirit naman nung isa kaya napayuko na lang ako. “Oh come on, Mayor! Stop talking nonsense, let’s continue.” Mariin at walang emosyong saad niya sa banat nung isa sa mga mayor. Habang nagp-present sila ng report tungkol sa progreso ng kani-kanilang pinamumunuan na lungsod ay nakaramdam ako ng matinding antok na pilit kong nilalabanan. “Sa tingin ko kailangan natin paghandaan ang festival sa Tierra, invite some guests like artists and bands. Hold a mini concert for free. Well, to get some tourist, you know how beautiful Tiwrra’s resorts and stadium are. Perfect place to hold an event-“ “Let’s have a seperate meeting for that.” Mariing putol ni Gov Louis sa isa sa kanila. “Tama siya Gov. besides malapit na din naman matapos ‘yung kalsada na ginagawa malapit do’n, hindi na traffic, maayos na din ang mga waste management nearby so it’s a great opportunity if we use that Flower fest to hold such an event.” “And of course a free tour for the tourists in farms owned by the local government or we can set up a meeting and agreement with a private owners of flower farms here to hold a free entrance for those tourists who wants to see and enjoy the beauty of it.” Mariing komento naman nung isa pa sa kanila. “Let’s see if it’s possible.” Pag sang ayon ni Gov Louis. “But I want you to focus more on the educational assistance of high school and college students studying in public schools specifically public schools in Tierra. I received reports that until now, the funds is still not distributed to the students, last month pa naglabas ng listahan ang opisina ko ng approved recipient no’n.” Mariin at seryosong paliwanag nito sa kanila. “I’ll coordinate with the school, Gov.” Pagniniguro naman ng isa sa kanila. “And please, paki asikaso na lang ‘yung mga donations para sa public hospital at maipadala na do’n. We will release those tomorrow. Iyon ‘yung mga naka-address sa office namin kasi hindi nila alam ang address ng bawat city hall.” Dugtong pa niya tapos ay napatingin siya sa wrist watch na suot niya. “Can we have some break?” Sambit pa niya, walang umalma sa kanila at agad silang nagtayuan tapos ay isa isa na silang lumabas. Nung makalabas sila ay bahagya akong nakahinga ng maluwag at napasandal ako sa swivel chair na kinauupuan ko. “Are you okay? You look very tired and sleepy.” Kunot noong tanong ni Gov kaya napaayos ako ng upo. “Ah..okay lang po-“ Biglang nag-ring ‘yung cellphone niya dahil may tumatawag. “Excuse me.” Pabulong niyang sambit tapos ay tumayo siya at lumabas para sagutin ‘yung tawag kaya kinuha ko ang oportunidad na yo’n para isandal muli ang likuran ko sa swivel chair na inuupuan ko tapos ay hindi ko namalayan na unti unti na pala akomg nakakaramdam ng matinding antok kaya napapikit ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD