Selene
Mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung makipaghiwalay ako kay Julian at nakituloy muna ako sa apartment ni Katty. Nandito ako ngayon sa kuwartong tinutulugan ko at nag-iimpake ng mga gamit ko. Mamayang madaling araw na kasi ang flight namin papunta sa probinsya nila Katty at ngayon pa lang kami nagkaroon ng oras para mag ayos.
Uuwi kasi ng probinsya si Katty dahil do’n muna siya pansamantalang maninirahan at maghahanap ng trabaho at gaya ng ipinangako niya ay isasama niya ako. May sakit kasi ang parents niya at walang magbabantay sa mga ito kundi si Katty lang. siya lang kasi ang naiwan sa pinas dahil ang ate at kuya niya ay nagtatrabaho na sa abroad. Ayaw naman nilang kumuha ng care giver para mag-alaga sa parents nila dahil baka hindi raw matutukan ng maigi.
Napaangat ako ng tingin sa pintuan nung marinig kong bumukas iyon. “Teh, tapos ka na ba mag-impake?” Mausisang tanong niya nung makapasok siya tapos ay naupo siya may dulo ng kama ko.
“Hindi pa eh.” Tipid kong sambit tapos pakurap kurap akong tumingin sa kaniya.Napailing ako nung nanlabo ang mata ko habang titignan siya at hindi ko maiwasang hindi makaramdaman ng sobrang pagsakit ng aking ulo tapos ay parang lagi pa akong pagod at antok na antok kahit na kompleto naman ako sa tulog.
“Hoy! Okay ka lang ba?” Napansin yata ni Katty ang bahagyang pag iling ko at paglamukos ko sa aking mukha.
“Ayos lang, medyo nahilo lang.” Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Tapos nung napatingin ako kay katty ay kita ko na napabuntong hininga rin siya.
“Huwag mo na kasing masyadong iniisip yo’n kaya na i-stress eh!.” Sermon pa niya sa akin dahil alam niyang hanggang ngayon ay iniisp ko pa din ‘yung nangyari sa amin ni Julian at hindi ko pa din tanggap kahit na nga niloko niya ako. Sumasagi pa din siya sa isip io dahil anim na taon rin naman kami at hindi biro yo’n. Nag angat ako ng tingin kay Katty at hindi ko na lamang pinansin ang sinasabi niya. Tatayo na sana ko para kunin ‘yung iba ko pang damit at gamit na nasa cabinet na katapat lang din ng kama at bigla akong makaramdam ng matinding hilo kaya napahawak ako sa handle nung cabinet.
“Selene, ano ka ba na-out of balance ka pa, ayos ka lang ba talaga?” Rinig kong patunong at sermon ni Kaatty tapos ay tumayo din siya at lumapit sa akin para alalayan ako.
Napayuko ako habang nakaupo sa may tabi ng kama ay pinikit ko ang mga mata ko dahil nakakaramdam ako ng panlalambot. Maya maya pa ay nakaramdam ako na para bang naduduwal ako kaya naman dali dali akong tumayo at hinawi ko ang kamay ni Katty na nakaalalay sa akin tapos ay agad agad akong tumakbo papunta sa CR at halos isubsob ko na ang mukha ko sa lababo dahil sa pagsusuka ko.
Nung matauhan ako ng kaunti ay agad akong naghugas ng aking bibig tapos nung napa-angat ako ng tingin ay nakita ko si Katty sa salamin na nakapamewang sa likod ko kung nasaan ‘yung pintuan ng CR.
“Kailan ka huling beses na nagkaroon ng dalaw?” Sarkastiko ngunit seryoso niyang tanong kaya dahan dahan ko siyang hinarap at tinaasan ko siya ng kilay.
“H-hindi ko na tanda, ang a-alam ko, nasa condo pa ako ni Julian, yo’n ang huli. B-bago kami maghiwalay?” Nag aalangan at pag alalang saad ko pa sa kaniya kaya mas lalo siyang napailing at kita ko ang pagkadismaya sa mata niya.
“H-hindi kaya buntis ka?” Haka hakang tanong nito kaya bumilis ang t***k ng puso ko at napalingon akong muli sa salamin para tignan at suriin ang itsura ko. Hindi, impossibleng buntis ako dahil wala naman nangyayari sa amin ni Julian. Pero..
Napaangat ako ng tingin at sinundan ko ng tingin si Katty na pumasok din dito sa CR at mayroon siyang kinuha sa mini storage cabinet na nakasabit sa gilid ng lababo niya.
Tinasaan ko siya ng kilay nung makita ko kung ano ‘yung inabot niya sa akin. Isang pregnancy test kit yo’n.
“What? Stop looking at me like that!” Singhal ni Katty matapos ko siyang bigyan ng isang matalas at naguguluhang na tingin.
“Your morning sickness is getting worst and then that? You vomit and felt super dizzy out of nowhere? Plus the fact that you can’t even remember when was your last period was.” Detalyadong paliwanag niya pa sa akin tapos at saka siya lumabas at iniwan akong mag-isa rito.
Para akong tangang nakatulala habang hawak hawak at pinagmamasdan ko ‘yung PT. Sinunod ‘yung instructions na nakalagay do’n at habang ginagawa ko yo’n ay mariin akong nagdadasal na sana mali ako ng hinala.
Pagkatapos kong maka-kolekta ng urine sample ay sinunod ko ‘yung instructions at naghintay ako ng higit limang segundo bago ko i-dip ‘yung absorbent tip ng PT do’n sa urine sample.
Habang hinintay ko ang resulta ay napapikit na lamang ako dahil sa kaba at takot. Hindi pa ako handa, hindi ko alam ang gagawin ko kung positibo nga ang resulta nito.
Makalipas ang sampung minuto ay kinuha ko na ‘yung PT at mahigpit ko iyong hinawakan. Natatakot akong tignan iyon. Maya maya pa ay narinig ko ang pagkatok ni Katty mula sa labas ng CR. “Selene, ano na? Kamusta ka na diyan? Tapos ka na?” Sunod sunod niyang tanong kaya dali dali kong binuksan ang pintuan at nakita ko siyang nakatayo sa pintuan ng CR habang nag aabang sa akin.
Napabuntong hininga ako nung makita ko siya at hawak hawak ko ‘yung PT sa kamay ko. Tinaasan niya ako ng kilay tapos ay hinablot niya mula sa akin ‘yung PT. Kita ko ang na nanlaki ang mga mata niya nung makita ‘yung resulta ng test. Parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako nakapagsalita agad.
“A-anong n-nakalagay-“
“Buntis ka?!” Mariin niyang sambit kaya para akong nanghina dahil sa sinabi niya at nakaramdam ako ng panlulumo. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Niyakap ako ni Katty at hinaplos niya ang likuran ko para patahanin at pakalmahin ako.
Wala akong ibang nagawa kundi ang humagugol. Paano na ito? Alam kong hindi ko kaya at hindi pa ako handa.. hinila ako ni Katty paupo sa kama. “Anong plano mo ngayon?” Mariin at mausisa niyang tanong pero umiling ako sa kaniya.
“Sasabihin mo ba kay Julian-“
Mas lalo akong napahagugol sa mga tanong niya at parang nanikip ang dibdib ko.
“H-hindi, h-hindi siya ang ama..” Umiiling at humihikbing siwalat ko sa kaniya at kita ko ang gulat sa reaksyon niya at nanlaki ang mata niya.
“A-ano?! Eh sino?!”
“Don’t tell me..” Tumango at nagpunas ng mga luha ko.
“Iyong lalaking naka-one night stand ko nung araw na nahuli ko si Julian na may babae..sigurado ako do’n..”