Chapter 1

1344 Words
Camila Selene Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko, pakurap kurap akong lumingon sa kabilang banda ng kama kung saan ako nakahiga. Inaantok pa ko kaya hindi ko magawang makadilat ng maayos pero nanlaki ang mata ko nung makita ko ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko at nakayakap pa siya sa akin. Lumingon lingon ako sa buong paligid at huminga ako ng malalim. Damn! What happened?! Dahan dahan kong inangat ang mga braso nung lalaki na nakapulupot sa akin tapos ay marahan akong umupo sa kama. Tumingin ulit ako sa lalaking katabi ko, he is still peacefully sleeping, ni hindi siya nagising sa ginawa ko. Napailing na lang ako at napahinga ng malalim, gwapo naman pala siya at mukhang mabait pero hindi mo talaga mahuhusugahan ang isang tao base lang sa itsura nito. Tignan mo to, mukhang matino at mabait pero f**k boy din pala. Tss. Napasandal ako sa headboard ng kama at napabuntong hininga na lang ako habang pilit kong inalala ‘yung nangyari kagabi. What happened to us is wild and crazy, ni hindi ko nga alam paano kami nakarating dito eh. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit at kumikirot ito. Hindi ko maiwasang hindi tumulo ang mga luha ko dahil sa nangyari. Oo, ginusto ko kung anuman ang nangyari sa amin ng lalaking to pero hindi naman ako aabot sa ganito kung hindi dahil kay Julian eh. Tangina! He left me for his boss and now, I don’t know where to go and where to start. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang sama ng loob, I have to start from scratch. Pinunasan ko ang mga luha ko at dahan dahan akong tumayo tapos ay isa isa kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Kailangan ko pang mag-impake, sa condo kasi ni Julian ako tumutuloy. Sana lang ay wala pa siya o hindi rin siya umuwi dahil sa totoo lang.. hindi ko alam kung kaya ko na bang makita at harapin siya ulit. Pakiramdam ko kasi baka magmukha lamg akong kawawa at desperada sa harap niya. Hindi ito ang unang beses na niloko niya ako, he did it twice before and I am honestly tired of this. Paulit ulit niyang binibilog ang ulo ko at pinagmukukha niya akong tanga. Matapos kong magbihis at makalabas sa comfort room ay sinulyapan ko ulit ‘yung lalaki at mahimbing pa din itong natutulog. Dahan dahan kong kinuha ko ‘yung bag ko na nakakalat din sa sahig tapos ay marahan kong binuksan ang pintuan nung kuwarto ng hotel kung nasaan kami. Wala ako sa sariling naglakad palabas ng hotel. Mukha namang mayaman ‘yung lalaki, siya na lang ang magbayad nung stay namin! Nakakahiya man pero hindi ko na din naman siya makikita kahit kailan kaya ayos lang naman siguro.. hays! Nasa elevator na ko nung maisipan kong buksan ang cellphone ko, pagbukas ko no’n ay bumungad sa akin ang mga mensahe at missed calls ni Julian. Nasa apartment na kaya siya?! Uuwi na ba ko para kunin ang mga gamit ko o hintayin ko muna siyang umalis. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at anong mararamdaman ko eh. Nung bumukas ang elevator ay nagmamadali akong naglakad palabas ng building kung nasaan ako at sakto naman na may humintong taxi sa harapan, medyo mahal ang mag-taxi pero wala akong choice dahil nagmamadali ako. “Makiling High St. ‘yung katabi pong condominium unit no’n.” Sambit ko sa driver nung makasakay ako sa taxi niya at habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Ano nang gagawin ko ngayon kung sakali ngang maghiwalay kami ni Julian which is I know and I can feel na doon na din naman mapupunta yo’n. I had enough, matagal din akong nagpaka-martyr sa kaniya. Sa anim na taon naming relasyon eh, ilang beses ko siyang nahuling may babae, pinatawad ko siya kasi wala akong ibang pupuntahan eh at mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Dahil sa kakaisip ay hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nakatulala at wala sa sarili. Bumalik lang ako sa katinuan nung magsalita si Kuyang driver at huminto siya tapos paglingon ko ay nakita ko na nasa tapat na kami nung building kung saan ang unit ni Julian. “Ma’am, nandito na po tayo.” Sambit nito kaya kinuha ko ang wallet ko at nag-abot ako ng bayad sa kaniya tapos ay bumaba na ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa unit ni Julian, sana lang talaga ay wala siya ngayon. Huminga ako ng malalim habang nasa loob ako ng elevator dahil sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Pagbukas ng elevator ay dahan dahan akong naglakad sa hallway papunta sa condo unit ni Julian. Habang papalapit ako ng papalapit sa unit niya ay mas lalong bumibilis ang kalabog ng dibdib ko. Nasa tapat na ako ng pintuan ng unit nung bigla itong bumukas at siya ang bumungad sa akin. Sa suot niya ay pakiwari ko ay papunta na siyang trabaho. Halos sampung minuto din kaming nagkatitigan pero wala siyang kahit anong sinabi sa akin bagkus ay tumuloy lang siyang umalis. Ni hindi niya man lang nakuhang magtanong kung saan ako nanggaling at kung ayos lang ba ko. Siguro ay mabuti na din na hindi kami mag usap kasi baka lalo lang akong masaktan sa mga possible kong marinig na katwiran niya kung bakit niya ginagawa yo’n. Mas mabuti nang umalis ako ng tahimik, kesa magkasakitan lang kami. Marahan kong pinunasan ang luha ko at dali dali akong pumunta sa kuwarto para mag impake ng mga gamit ko. Parang naninikip ang dibdib ko habang nag-iimpake ako ng mga gamit. Humihikbi kong tinawagan si Katty ang bestfriend ko. Dahil hindi ko na kayang sarilinin pa ang lahat, pagod nanko. H..Hello..Katty..” Humihikbing sambit ko mula sa kabilang linya. “Oh, Selene! Bakit ka napatawag? Umiiyak ka ba?” Rinig kong tarantang tanong ni Katty. “B-busy ka ba? P-puwede mo ba akong sunduin?” Nauutal at halos nanginginig kong tanong at pakiusap sa kaniya. “Ano na naman bang ginawa sa’yo ng tarantado mong boyfriend. Wait, hintayin mo ako diyan, susunduin kita, ngayon na.” Mariin at tarantang sabi ni Katty tapos ay binaba niya ‘yung tawag. Kahit parang wala ako sa sarili ay pinagpatuloy ko ang pag-iimpake habang hinihintay si Katty. Makalipas ang bente minuto ay biglang may nagd-doorbell kaya dali dali akong tumayo para pagbuksan kung sinuman ‘yung kumakatok. Pagbukas ko ng pinto ay agad bumuhos ang luha ko nung makita ko si Katty kaya niyakap ko siya ng mahigpit. “He..cheated on me again..mas pinipili niya ‘yung babae niya kesa sa akin! Ni wala na siyang pakielam sa akin, Katty.” Humahagulgol kong kuwento sa kaniya habang manikipnikip ang dibdib ko dahil sa sobrang pag iyak at sa sobrang sama ng loob ko. “Sshh..tahan..iwan mo na ‘yung walang kwentang lalaking yo’n, Selene. Hindi ka niya deserve!” Malumanay ngunit mariing payo ni Katty sa akin habang nakayakap ako sa kaniya at patuloy na umiiyak. “Halika dito.” Sambit niya tapos ay hinila niya ako papunta sa mini kitchen at pinaupo niya ako sa upuan para pakalmahin. “Tahan na!” Suway niya sabay hawi at ayos niya sa buhok kong nagkanda gulo gulo na. “Hindi ko alam ang gagawin ko, Katty..” Umiiyak kong sabi sa kaniya. “Alam mo, natatakot ka lang. Alam mo ang tamang gawin pero ang tagal mong nang iniiwasan.” “For once, piliin mo naman ang sarili mo. isipin mo naman ang makakabuti sa’yo!” Mariing giit pa ni Katty. “Hindi ko alam ang gagawin..” Humihikbing saad ko sa kaniya. “Uuwi ako sa probinsya sa susunod na buwan, sumama ka sa akin at do’n ka maghanap ng trabaho. Malayo sa ex mong gago!” Mariing sambit ni Katty kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya. “Saan?” “Sa La Belleza Province..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD