PARIS Nasaan ako? Ginala ng mata ko ang kabuuan ng kwarto medyo kumirot ang kamay ko kaya tinignan ko yon napansin kong nakakabit sa akin ang IV Fluid tinanggal ko yun may bakas pa ng dugo. Babangon sana ako ng kumirot ang dibdib ko naalala ko ang nangyari sa basement kung paano ako nabaril ni Japet at ang pagpupumilit na sinasabi ng step mom ko na siya ang tunay kong ina. Dahan dahan akong tumayo nakailang hakbang lang ako ng bigla akong natumba s**t bigla namang bumukas ang pintuan "Paris" nagaalalang sigaw ng babae. "Anak, wag mong pilitin bumangon hindi ka pa magaling" sabi nito naiilang ako sa pagtawag niya sa aking anak dahil hindi ko alam kung nagsasabi ba ito ng totoo at may binabalak na naman. "Wag -- wag mo akong hahawakan" sabi ko at tinabig ang kamay niya. "Wag

