PARIS "Good morning mom" nakangiting bati ko kay mommy na ngayon ay nagluluto sa kusina niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran niya habang inaamoy amoy siya. Clingy kasi ako kay mommy parang batang nakabuntot sa kanya hindi naman siya nagrereklamo dahil gustong gusto niya pag nilalambing ko siya. "Wow my favorite" masayang sabi ko habang nakatingin sa niluluto niyang hipon at meron pang embutido na siya mismo ang may gawa. "Request mo yan kaya niluto ko mismo, oh sya maglagay kana ng plato sa lamesa at malapit natong matapos" magiliw na sabi niya at ibinalik ulit ang tingin sa niluluto niya. Tumango naman ako at naglagay na nang utensils sa lamesa at umupo na habang hinihintay ang ulam simple lang ang buhay namin dito sa london nagt-trabaho si mommy sa isang company bi

