Mabilis na lumipas ang panahon, ang pitong taon nilang na si Gideon ay lumalaking tahimik at bihirang makipag-usap sa mga tao. Madalas itong nag-o-observe lang at hindi magsasalita kung hindi kakausapin. Nasundan pa si Gideon ng kapatid na babae na ngayon ay dalawang taong gulang pa lamang at ang pangalan ay Hannah. "Ganiyan ka ba noong bata ka?" tanong ni Hazelle sa kanyang asawa. Nagkibit balikat si Gabriel. "Hindi ko alam. Minsan may ugali akong ganiyan. Kaso ang alam ko noong bata ako, makulit ako eh. Malakas mang-asar," tugon ni Gabriel. Nakatingin sila sa kanilang anak. Kasalukuyan silang nasa birthday party ng kaibigan ni Gabriel. Maraming bata ang naglalaro at nakiki-join sa pa-games pero ang anak nila, nakaupo lamang sa tabi at nanunuod sa mga ito. Bumuga ng hangin si Hazelle

