Mabilis na lumipas ang ilang taon, grade 1 na si Ashley habang si Gideon naman ay nasa grade 4 na. Sabay sila palaging pumapasok dahil hatid sundo sila ng personal driver ng kanilang pamilya. Nang maihatid ni Gideon si Ashley sa classroom nito, lumapit sa kanya ang kaklase niya. "Gideon! Totoo ba ang sinabi sa akin ni mommy na iyong palagi mong kasama na babae, iyong Ashley, anak daw ng yaya ninyo?" tanong ng kanyang kaklase. Mabagal na tumango si Gideon. "Oo. Bakit?" "Sabi kasi ni mommy sobrang bait naman daw ng mommy at daddy mo dahil kayo pa ang nagpapaaral sa anak ng yaya niyo. Pero ingat ka lang at huwag kang masyadong madikit sa ganiyan kasi baka pagdating ng araw, may gawin siyang masama sa pamilya ninyo," paaalala ng kanyang kaklase. Tumaas ang isang kilay ni Gideon. "Ano ang p

