Highschool... "Hoy! Ang guwapo naman ng kasabay mong lalaki kanina! Sino iyon? Boyfriend mo?" tanong ni Ella na siyang bagong kaibigan ni Ashley. "Ha? Ano'ng boyfriend? Si kuya Gideon iyon! Anak ng amo ni mama. Yaya niya si mama noong bata pa siya pero hanggang ngayon pa rin naman inaasikaso pa rin siya ni mama. Silang dalawa ng kapatid niyang si Hannah," tugon ni Ashley. Tumaas ang kilay ni Ella. "Bakit ngayon ko lang siya nakita?" "Aba! Ewan ko sa iyo. Sabay naman kami palaging pumasok. Hindi puwedeng hindi kami magsasabay dahil pagagalitan ako ni mama. At saka binabantayan ako ni kuya. Bawal kasi akong lumandi," nakangusong sabi ni Ashley. Tinawanan siya ni Ella. "Bakit naman bawal? Eh hindi mo naman siya kapatid. Kuya-kuyahan mo lang siya. Actually, amo mo na nga rin siya dahil am

