94

1005 Words

"Hi, Ash!" Nilingon niya kung sino ang tumawag sa kanya at nakita niya si Medina. Lumapit ito sa kanya. Kumunot ang noo niya. Maarte si Medina at alam niyang ayaw nito sa kanya at hate siya nito. Lalo pa't nalaman nito kung ano lamang ang estado niya sa buhay at kung ano ang relasyon niya kay Gideon. Minamaliit lamang siya ni Medina dahil anak siya ng yaya ni Gideon. "Bakit?" takang tanong niya. "Super close talaga kayo ni Gideon 'no? Paano nangyari iyon? Kailangan ba talagang maging anak pa ako ng isang yaya para maging close kaming dalawa?" nakaarko ang kilay na sabi ni Medina. Umiling si Ashley bago ngumiti ng tipid. "Hindi naman sa ganoon. Ang gusto lang ni kuya, mabait." Sarkastikong tumawa si Medina. "So sinasabi mo bang hindi ako mabait?" "Wala naman akong sinabing hindi ka ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD