"Anak, nasaan si Ashley?" tanong ni Hazelle sa kanyang anak. Bumuntong hininga si Gideon bago inilapag ang kanyang gabi sa tabi. "Wala po eh. Mamaya raw siya uuwi. Mag-bonding lang daw po sila ng kaibigan niyang si Ella. Sasama nga sana ako kaso ang sabi niya sa akin, parang wala na raw siyang privacy. At masyado na raw akong nagiging bantay sarado sa kanya. Ang sa akin lang naman, gsuto ko siyang maging safe palagi. Hindi ko napansin na parang nasasakal ko na pala siya." Hinawakan ni Hazelle sa balikat ang kanyang anak. "Nagdadalaga na kasi si Ashley. Kaya siguro gusto niyang maki-join naman sa kaibigan niya. Syempre, palagi kayong magkasama, hindi siya sumasama sa iba. Kaya siguro hayaan mo na lang siya. Uuwi rin naman siya panigurado. Ganiyan talaga kapag nagdadalaga na. May mga gusto

