Nang makita niya si Ashley, agad na naghumirintado ang puso ni Ian. Talagang mahal na mahal niya ang dalaga. Simula nang mapukaw ni Ashley ang kanyang atensyon, wala nang ibang babae na naging maganda sa kanyang paningin. At ang pang-aasar niya sa dalaga ang naging paraan niya upang magpapansin kay Ashley. "Bakit ba ang ganda mo palagi?" nakangising tanong niya sa dalaga. Pinalo siya ni Ashley sa balikat. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago 'no? Ganiyan na ganiyan ka pa rin simula noon." "At bakit naman ako magbabago? Pagmamahal ko nga sa iyo, hindi nagbabago eh," sabi niya sabay tawa. Natawa na rin si Ashley. "Sus! Mukha mo! Darating din ang araw na magbabago rin ang nararamdaman mo sa akin. At pagkatapos, hahanap ka rin ng iba. Ganiyan naman kayong mga lalaki. Mga manloloko." Malakas

