Hindi makapaniwala si Ashley na sa isang iglap, wala na ang kanyang first kiss. Ni-reserve pa naman niya iyon kay Ian at inaasahang kay Ian maibibigay ngunit hindi pala. Dahil kinuha iyon ni Gideon. Tulala siya buong byahe. Hindi siya makagalaw ng ayos. Kanina pa panay ang vibrate ng phone niya dahil panay ang message sa kanya ni Ian ngunit hindi niya magawang makapag-reply. Hindi niya alam ang kanyang nararamdaman. Dapat sana ay galit siya. Dapat pinagsasampal niya si Gideon dahil sa ginawa niyang kalapastanganan ngunit ito siya ngayon, tulala at hindi makagalaw ng ayos. "Nandito na tayo. Bumaba ka na diyan," kalmadong sabi ni Gideon. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan sila. Basta ang masasabi niya lang, maganda ang lugar na iyon. Para siyang nasa gard

