"Hindi mo ba sasagutin ang tawag ni Gabriel?" tanong ni Maritez sa anak niyang si Hazelle. Tiningnan ni Hazelle ang kaniyang ina bago ngumiti ng tipid. "Nag-message naman ako sa kanya na huwag munang tumawag. Pasaway lang talaga siya." "Baka miss ka na niya. Puwede mo naman siyang papuntahin dito. Kung gusto mo siyang makasama," suhestiyon ng kanyang ina. Bumuntong hininga si Hazelle. Gusto niya ngang makasama si Gabriel pero nag-iingat siya. Ayaw niya kasing mahuli sila ng daddy ni Josh. Lalo pa't alam niyang napapaisip na ba ito. At naiisip niyang baka iniisip na ng daddy ni Josh na malandi siyang babae. "Huwag na lang po muna, mama. Mamaya susunduin naman na ako dito ni Josh," tugon niya sa ina. Nagtungo na lang siya sa kanyang kuwarto at saka nagpahinga. Wala siyang ibang ginawa k

