Nakumpirma nga ni Hazelle na siya ay buntis. Labis na galak ang nadarama ni Hazelle na may halong kaba. Pero mas nangingibabaw ang saya. Nagbunga na ang mainit na sandali nilang dalawa ni Gabriel. Ngayon, kailangan muna niyang ilihim iyon sa binata dahil sa pinag-usapan nila ni Josh. "Magpahinga ka na sa kuwarto. Kapag first trimester pala, maselan. Ingatan mo ang baby natin. Charing! Hays! Sana ako na lang nagbubuntis! Sana ako na lang ang may pekpék!" nakangusong sabi ni Josh. Hinamas ni Hazelle ang kanyang asawa. "Tumigil ka nga diyan! Baka mamaya may makarinig sa atin. Kumalma muna iyang puwít mo. Sigurado akong nagbabantay na ang daddy mo sa atin. Baka mahuli ka pa sa kalandian mo." "Hoy! Ikaw nga itong nakita ni daddy diyan eh! Tsk! Basta, matatapos din itong katarantaduhán din na

