64

1002 Words

"Ayos ka lang ba? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" tarantang tanong ni Gabriel sa kanya. Hindi sumagot si Hazelle. Hilong hilo na talaga siya. Sumenyas siya ng tubig kay Gabriel at mabilis naman siyang inabutan nito. Hinawakan niya ang kanyang sikmura at saka huminga ng malalim. "Nabigla yata ako. Nalipasan na kasi ako ng gutom," mahinang usal niya. "Kakain ka pa ba? Pero kasi maigi kumain ka kahit kaunti lang. Dahan dahan lang sa pagsubo para hindi ka ulit mabigla," malambing ang tinig na sabi ni Gabriel. Saglit niyang tiningnan si Gabriel bago siya bumalik sa hapag-kainan. Mabagal na lang ang ginawa niyang pagsubo para hindi siya maduwal. Ngunit nagdadalawang isip siya kung ang dahilan ba ng pagduduwal niya ay pagkabigla niyang kumain. Naalala niya kasing ilang linggo na rin siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD