"Anak, matanong ko lang... wala ka bang napapansing kakaiba sa asawa mo?" tanong ni Lance sa anak niyang si Josh. Kumunot ang noo ni Josh. "Wala po, daddy bakit?" tugon nito. Pinuntahan ni Lance ang kanyang anak sa opisina nito para bisitahin. Hindi alam ng anak niyang anumang oras, malapit na siyang mawala. Lumalaki na ang butas sa kanyang puso. At minsan na siyang nakaranas ng heart attack. Kapag inatake pa syang muli, maaari na siyang mamatay. "Para kasing may ibang lalaki ang asawa mo. Nakita ko siyang may kausap na lalaki at parang iba ang tinginan nilang dalawa. Alam mo ba iyong tiningan na parang naghahabol iyong lalaki sa asawa mo. Pero pinagtatabuyan na siya ni Hazelle." Nanlaki ang mga mata ni Josh sa sinabi ng kanyang ama. Alam niyang si Gabriel ang tinutukoy ng daddy niya.

