62

1110 Words

"Ano na ang nangyayari sa iyo, Gabriel? Parang wala ka na sa sarili. Para ka ng nababaliw na hindi ko maintindihan. Wala ka ng ibang inatupag kundi alak. Akala ko ba okay na kayong dalawa ni Hazelle? Na tanggap mong kabit ka niya?" tanong ni Drake nang yayain niya itong uminom. Bumuga siya ng hangin at tinuon ang tingin sa bote ng alak na hawak niya. Tanggap naman talaga niyang kabit siya ni Hazelle pero nahihirapan siya sa sitwasyon niya. "Ang hirap pa lang maging kabit. Akala ko, madali lang dahil maraming gustong maging kabit, 'di ba?" malungkot niyang sabi sa kaibigan. Pumiksi si Drake. "Eh iyong mga gustong maging kabit, mga malalanding tao iyon. Talagang gusto ng thrill. Eh kayo naman kasi medyo iba ang sa inyo. Tanga mo rin kasi. Ayaw mo pa kasing aminin sa sarili mo noon na nahu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD