College... "Hanggang college ba naman, panay pa rin ang sunod mo sa akin?! Pati course ko, ginaya mo?" bulalas ni Ashley nang malamang magkaklase na naman sila ni Ian. Tumawa si Ian. "Hindi ko naman ginaya ang course mo. Parehas lang talaga tayo ng kursong gusto. At saka bakit ka ba naiinis? Hindi ka ba masaya na kaklase mo pa rin hanggang ngayon ang guwapong katulad ko?" Inirapan niya ang binata. "Baliw ka talaga. Lakas ng tama mo," natatawang sabi ni Ashley. Sa tagal nilang magkaklase, walang ibang ginawa sa kanya si Ian kun'di ang asarin siya palagi. Naging komportable na siya sa binata at sanay na sa mga kalokohan nito. "Iyong kuya Gideon mo, lakas ng tupak 'no? Palagi na lang galit sa akin kapag magkasama tayo. Kaunti na lang maiisip na hindi kapatid ang tingin niya sa iyo. Bak

