Hindi nagawang makagalaw ni Hazelle sa kanyang kinauupuan. Umasa siyang babalikan siya ni Gabriel at babawiin ang sinabi nito sa kanya pero kalahating oras na siyang nakaupo doon, walang Gabriel na bumalik. 'Anong problema mo, Gabriel? Akala ko ba okay na ang lahat sa atin? Akala ko ba willing kang maghintay hanggang sa maghiwalay kami? Akala ko ba hindi ka susuko pero bakit ganito?!' Panay ang agos ng luha ni Hazelle. Ilang beses niyang tinawagan si Gabriel ngunit hindi ito sumasagot. Balisa na siya at hindi alam ang gagawin. Maraming message na rin siyang sinend kay Gabriel ngunit walang reply. Humahagulgol na siya. Wala siyang pakialam kung may makakita man siya. Hindi niya mapigilang umiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tinawagan ang kanyang asawa para magpasundo. "Jo

