Wala na ang daddy ni Josh nang tumawag sa kanya ang kasambahay nito sa kanyang bahay. Ilang oras na pala ang nakalipas simula nang inatake ang daddy niya. At nalaman niya sa personal nitong doctor na mayroon na pa lang malaking butas sa puso ng daddy niya. "Bakit ngayon niyo lang ito sinabi sa akin? Bakit?! Wala ba akong karapatang malaman ang sakit ng daddy ko?!" galit niyang sigaw sa doctor. Bumuga ng hangin ang doctor. "Josh, ilang beses kong sinasabi iyan sa daddy mo. Ilang beses kong pinagpipilitan na sabihin sa iyo ang tungkol sa sakit niya para mabantayan mo siya. Para mas madalas kayong magkasama pero ayaw niya. Ang sabi niya sa akin, ayaw niyang maging pabigat pa sa iyo. Dagdag pa roon, ramdam niyang hindi ka talaga tunay na lalaki. Kaya nga binabantayan niya ang asawa mong si H

