Bumili nga ng masarap na ulam ang ina ni Hazelle para ulam nila ngayong gabi. Masaya niyang pinagmasdan ang kanyang mga kapatid pati na ang nanay niyang ganadong-ganado habang kumakain. "Bakit nakatingin ka lang diyan? Hindi ka ba kakain? Baka sabihin mo naman na pinagdadamutan kita. Kumain ka na diyan! Sinadya ko talagang damihan ang ulam para naman maranasan naming kumain nang marami ang ulam kaysa kanin!" mabilis na wika ni Maritez bago uminom ng softdrinks. "Hindi na po, mama. Masaya akong panuorin kayong kumakain. Ganadong-ganado kayo at ang sarap sa matang pagmasdan," nakangiting tugon ni Hazelle sa kanyang ina. Tumikhim si Maritez bago itinaas ang kanyang paa. "Sabagay, masasarap palagi ang ulam mo sa bahay ng ninong mo. Kaya nasawa ka na rin." Hindi umimik si Hazelle. Kinagat n

