"Sino? Boyfriend mo?" biglang tanong ng kanyang ninong Gabriel. Ngumiwi siya. "Wala po akong boyfriend, ninong. At kaibigan ko po iyon. Matalik na kaibigan ko po si Luke." Umarko ang kilay ng kanyang ninong Gabriel. "Matalik na kaibigan? Pero hindi naman siya ganoon sa iyo. Hindi isang kaibigan ang tingin niya sa iyo." "Hindi ko po alam pero siguro humahanga lang siya sa akin. At isa pa po, mabait na tao si Luke. Siya ang madalas kong napagsasabihan ng sama ng loob ko. Siya po ang nandiyan kapag malungkot ako," paliwanag ni Hazelle sa kanyang ninong. "Siya pala ang nasasandalan mo. Hindi mo na ramdam na may gusto siya sa iyo? Gusto ka nga raw niyang asawahin kapag yumaman siya. Ibig sabihin, may gusto siya sa iyo. Dapat maging alerto ka sa mga ganiyang bagay. Hindi mo dama iyon? O aya

