Nakita ko ang sarili ko sa mga pangyayaring tila ilang daang taon na ang lumipas.
Ng sandaling iyon nabigyang linaw ang lahat ng katanungan sa aking isipan.
Ang babae sa painting ay walang dudang ako nga.
Mga alala ala at ang mga damdaming nabaon sa limot ang biglang umapaw sa aking pagkatao.
Kasabay ang sunod sunod na pag patak ng aking mga luha.
Ayaw maniwala ng aking isip sa mga ala alang iyon pero bakit patuloy sa pag buhos ang aking mga luha habang
Nasa mga bisig ako ng Prinsepe.
Base sa mga ala alang bumalik sa akin. Nuon ko nang pinakasalan si Dave.
Nag sama at nag mahalan kami. Masaya at tila walang anumang suliranin sa aming pag sasama.
Ngayon na iintindihan kona kung bakit ganun ang pag trato nya sa akin.
Kung iintindihin kong mabuti lumalabas na isinilang akong muli matapos ang nakaraang buhay ko kung saan kami nag kakilala ni Dave.
Iilan lamang ang mga ala alang bumalik pero sapat na iyon para mabawasan ang aking pag aalala at takot para sa aking buhay habang naroon ako.
Alas dose na ng tanghali at eto ako naka upo sa kama.
Oo nga at napatunayan kong gmdati ko nang nakasama ang mga tao dito sa palasyo pero pakiramdam ko ay ibang tao parin ako.
Si Pia at Dave nakilala kona sila sa nakaraan kong buhay pero hindi kobalam kung pano sila pakikitunguhan.
Isapa hindi naman talaga bumalik lahat ang ala ala ko , iilan lang iyon at halos tungkol kay Haris ang mga naalala ko.
Ang sabi ni Lily may mga darating na bisita si Haris para umattend sa Party na hinahanda ni Pia para sa kaarawan ni Ni Haris kaya naroon ito sa baba at nag aasikaso ng mga ilang bagay.
Inalo nya akong sumama sa kanya kanina pero mas gusto kong manatili sa silid na ito.
Hinatid na ni Lily ang Dress na isusuot ko para sa pagdiriwang na gaganapin mamayang gabi.
"matutulog nalang muna ako habang nag papalipas ng oras.
At ayun nga ang aking ginawa.
Nagising ako nung maramdamang kong gumalaw ang kama.
Pero nanatili akong nakapikit dahil pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko. Hindi kase ako nakatulog ng maayos nitong mga nakaraang gabi dahil sa pag iisip ng kung ano ano.
"Kristel.
Narinig kong sabi nya. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ko nakilala konagad ang boses ni Haris.
"hmp? Sambit ko na hindi manlang nag mulat ng mata.
"kaylangan monang bumangon dyan. Nag uumpisa na ang kasiyahan sa baba.
Sabi nya saka ko palang pinilit na imulat ang mga mata ko.
Naupo ako at dun ko nakita ang lalaking naka upo sa tabi ko.
"prinsepe talaga sya . Para syang prinsepe sa isang fairytail.
Ang pananamit at ayos nya ngayon, walang dudang isa syang prinsepe.
"napaka gwapo nya!
- feeling ko tuloy ay akobsi Cinderella o dikaya ay si snow white.
Napangisi ako sa isiping iyon.
"hmp. Wag mokong tawanan. Si Pia ang nag pumilit na ipasuot ito sakin.
Tila naiinis nyang sabi.
" baket? Bagay naman yan sayo.
-alam mo usong uso talaga ngayon ang suot mong yan.
Pilya kong sabi na nangingiti.
"usong uso iyan nung panahon pa ni kopong kopong.
Sa real worl na pinanggalingan ko. Polo shirt at crop top na ang mga usong damit.
At ang suot nya ngayon sa costume party mo nalang kadalasang makikita.
Kaya tuloy diko maiwasang matawa kahit pa bagay na bagay sa kanya ang kasuotan nya.
"sinasabi mo lang yan pero ang totoo ay tawang tawa kana.
- ang sama mo.
Sabi panya na tila tuluyan ng napikon.
" oo na sige na hindi na ako tatawa. Susunod nalang ako. Mag aayos pa kase ako.
Saka maliligo pako.
Sabi ko saka bumangon na sa kama.
Nung akmang lalakad nako nakita kong tumayo sya at isa isang binuksan ang botones ng kanyang pang itaas na damit.
"oh. Baket? Mag papalit kaba ng damit?
Pilyo syang ngumiti.
" medyo mainit nga ngayon. Tingin ko kaylangan kong mapreskuhan sandali.
Sahmgot nya na may pilyong mga tingin sa akin.
Feeling ko namula ang mukha ko sa sinabi nyang iyon dahil alam konang nag lalaro sa isipan nya ngayon.
"h-ha?
Yun lang ang salitang lumabas sa aking bibig.
Nag simula nanamang mabuhay ang malalakas na pintig sa aking dibdib.
Oo ngat mag asawa kami pero sa tuwing mapupunta kami sa ganitong tagpo sobrang lakas ng pintig ng puso ko,
Kinakabahan akobpero hindi ako takot
Nang sa wakas ay nahubad na nya ang kanyang pang itaas lumantad ang malaki nyang katawan.
Napa lunok ako sa tanawing iyon at bahagyang napa atras.
"bat ayaw gumalaw ng mga paa ko ?
-kainis. Na eexcite bako? Parang alam kona ang mangyayari ngayon.
May bahagi sa akin na gusto ang mga ganitong tagpo. Humakbang sya palapit sakin
" alam kung gano ako nasabik sayo?
-baket kase ang tagal mong bumalik.
Agad nyang na huli ang aking maliit na baywang
At ang isa nyang palad ay nasa aking batok.
Nahihiya ako sa mga sinasabi nya pero gusto ko ito kapag nag sasalita sya ng ganun.
Napapikit akonsa tila kiliting ginagawa nya sa aking batok.
Bumaba ang mga labi nya sa aking leeg at ramdam ko ang mainit nyang labi.
Wala akong balak na pigilan sya sa kanyang ginagawa. Nilalasing ako ng bawat galaw nya at gusto ko iyon
At nang sandaling dadapo na sa aking labi ang mga labi nya....
"Narito kaba--?
Agad ko syang naitulak nang biglang dumungaw si Dave sa pinto.
"oh- naku! T-tingin ko mamaya nalang kita tatawagin.
Sabi nito na tila nagulat sa nabungaran nya saka agad ding sinara ang pinto.
Gusto ko ng lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan.
"tsa! Hay! Parang gusto kong pumatay ngayon ah
Naka kunot ang noong sabi ni Haris na dismayado dahil na istorbo sya.
Diko maiwasang matawa habang naka babad sa tubig ang katawan ko.
Natatawa ako kapag bumabalik sa isip konang nangyari kanina sa kwarto.
Nakita ko ang pagka dismaya ng aking prinsepe dahil di nya naituloy ang binabalak nya.
Nang matapos ako sa pag ligo naroon na si Lily sa kwarto na tila nag aantay sa pag labas ko.
Tinulungan nya akong mag bihis.
Tatlong taon nakong nasa palasyong ito pero ngayon kolang masusuot ang dress nato.
Ang bigat nito dahil sa pinag patong patong na tela at dekorasyon.
Napakasikip ng bewang nito na lalong nag palitaw ng kurba ng aking beywang.
Sa pag kakataong ito nakalugay lang ang aking buhok na kinulot ni Lily.
Bukod sa masikip nanga ang aking dress na halos dinako makahinga ang taas pa ng takong ng sapatos na suoot ko.
Kaya naman kinaylangan akong alalayan ni Lily palabas ng silid
Pag labas palang ng pinto rinig kona ang musika mula sa inang palapag.
Nang marating namin ang hagdan natanaw ko agad ang maraming tao sa ibaba. Sobrang gandang pagmasdan ng mga kasuotan nila.
Nakita kong nakatanaw sakin si Haris na nasa ibaba ng hagdan.
"pwede bang mag paa nalang ako?
Di naman kita ang paa ko kase abot hanggang sahig ang laylayan ng dress nato.
- nanginginig ang tuhod ko habang pababa ng hagdan ayokong mag mukhang katawa tawa sa harap ng maraming tao kaya kahit Sobrang sakit ng paako at di ako makahinga, pinilit kong ngumiti lalo pat nakatingin na sila sakin.
Pero kahit anong pag papanggap ko hindi na kinaya ng paa ko, sa huling ikalawang baitang at tila bumigay ang tuhod ko.
" Hawak kita.a
Nakangiting sabi ni Haris .mabuti at mabilis sya kaya agad nyang nahawakan ang braso ko nung akmang matutumba nako.
Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan akong bumaba.
Saglit nya kong tinitigan at ngumiti sya sakin.
" lalo mong pinaganda ang gabing ito, mahal ko.
Bulong nya sakin habang akay ako. napakagat labi ako sa sinabi nyang iyon.
Ipinakilala nya ako sa ibang mga bisita.
Hindi nyako hinayaang mawala sa kanyang paningin kahit nga may kausap sya ay nakikita kong sumusulyap sya ng tingin sa akin.
Ang daming pagkain, at mga inumin. May mga tumutugtog din ng musika. Humanap ako mauupuan dun sa wala masyadong mga tao.
Maya maya pa ay nakita kong may mga bagong dumating na bisita Isang lalaki na sa tansya ko ay kasing idad lang rin ni Haris. Maganda ang tindig nito at gwapo din kagaya ni Haris pero mas maamo itong tingnan.
Napa awang ang bibig ko ng tapunan akonnito ng tingin at ngumiti na para bang matagal na akong kakilala.
Wala akong naging reaksyon dahil hindi ko naman inaasahan na titinginnsya at ngingiti sa akin, isapa nasa medyo malayong area ako ng lugar kung saan ang entrace ng lugar na pinag darausan ng party.
Agad din itong umalis para bumati sa ibang bisita kasama nito ang isang maidad na babae na napaka elegante kumilos.
Haris PoV
Kasalukuyan akong umiinom ng wine ng matanaw ko ang pag dating ni Leonard ang Prinsepe ng Karbiena. Kasama nito si Queen Joseline na kanyang ina.
Nakita ko ang tagbalin nya ng atensyon sa aking asawa na nasa di kalayunan.
"ano naman ang gusto nya ngayon?
Bulong ko habang hawak ang kopitang may alak.
Oo nga at naging matalik ko syang kaibigan nuon, may isang daang taon narin mahigit ang nakalipas.
Ngunit na sira iyon ng tangkainnnyang agawin ang pag mamay ari ko.
Hinayaan ko silang narating ang kinatatayuan ko.
" Maligayang kaarawan sayo Haris. Matagal din tayong hindi nag kita.
Nakangiting bati ni Queen Joseline. Ibinalik ko ang magiliw na pag bati ni Queen Joceline.
Napaka giliw nitong makitungo sa akin kahit nuon pa kaya hindi ko sya magagawang baliwalain.
"Maramimg salamat sa iyong pag bati kamahalan.
-ikinagagalak kong makita kang muli.
Matapos kong ibigay ang pag bati ko ay bumalin ako ng tingin kay Leonard.
"Maligayang kaarawan sayo, kamusta kana kaibigan?
Nakangisi nitong sabi. Matalim ang tingin namin sa isat isa.
Sa gabing iyon ang ipinangakong simpkeng pag diriwang ni Pia sakin ay napakalayo sa katotohanan.
Napakaraming bisitang dumating.
Habang sumasayaw ang pag kaka pares na lalaki at babae sa napaka gandang musika. Natanaw ko si Kristell na nuon ay tahimik at naka upo lang sa isang tabi.
Nginitian nya ako ng nakita nyang palapit ako sa kinaroroonan nya.
Bagay na kakapag pasabik sa akin. Nuon at ngayon wala syang ipinag bago napaka ganda nyang talaga sa aking paningin.
"Mis. Baket naman nadito ka sa isang sulok?
Naka nhisi kong tanong sa kanya ng marating ko ang kinaroroonan nya.
"ah- hindi naman ako sanay sa mga ganitong party.
Nauutal nyang sagot.
"kung ganun, pwede bang samahan kita rito?
"ha? Okay lang naman ako, isapa diba dapat nandun ka sa mga bisita mo?
Nang huminto ang tugtog at napalitan iyon ng panibagong musika. Nakita kong tahimik ang lahat habang may mag kakabiyak na lalaki at babae ang tahimik na sumasayaw.
Ibinalik ko ang tingin kay Kristell. Saka ko inilahad ang kamay ko.
"a- naku wag na. Hindi naman ako marunong sumayaw.
-baka mapahiya lang ako.
Pag tangi nya pero wala nasyang nagawa ng hawakan ko ang isa nyang kamay para mapilitan syang tumayo at sumama sakin na sumayaw.
Inilagay ko ang isa nyang kamay sa aking balikat.Habang hawak ko ang malambot nyang kamay at ang isa kong kamay ay nasa maliit nyang beywang.
Ang sabi nya kanina lang ay hindi sya marunong sumayaw pero heto ay sinasabayan nya ako.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya, ng mga sandaling iyon.
Ibinaba ko ang aking mukha sa kanyang pisngi.
"ikaw ang pinaka magandang babae ngayong gabi.
Bulong ko sa kanya.
Napa awang ang bibig nya sa sinabi kong iyon
Tila karisma para sakin ang mga ganuong reaksyon nya, napaka inosente at hinahanap hanap kong palagi.
Ilang minuto ding tumagal ang sayaw naming iyon.
Pagkatopos ng tutog ay may kumapit saking isang taga silbi at sinabing ipinatatawag ako ni Pia.
" babalik agad ako
Mahina kong sabi kay Kristell. Bago ko puntahan si Pia sa study area.
Halos sampung minuto rin kaming nag usap ni Pia at pagkatapos ay agad akong bumalik sa lugar kung saan ko iniwan si Kristell.
"san sya nag punta?
Bulong ko ng di ko sya nakita kung saan kosya iniwan.
Hinanap kosya at natagpuan sa may Alpresko, malawak ang lugar na iyon at kasya roon ang isang daang tao pero ng oras na iyon dalawang tao lang silang naroon.
"Nadito ka pa-
Natigilan ako ng makita ko kung sinong kasama nya roon.
"Leonard. Napa kunot ang nuo ko.
Agad akong lumapit at hinila si Kristel sa braso.
"ah- nasasaktan ako.
Sambit ni Kristell ng mahigpit ko syang hawakan sa braso. Hindi ko lang talaga kayang makita na magkasama sila ni Leonard.
"kinamusta ko lang naman sya.
-matagal din kaming hindi nagkita ni Safarah.
Naka ngiting paliwanag ni Leonard.
"Kristell ang pangalan nya at hindi Safarah!
Mariin kong sabi sa kanya. Sako sinama si Kristell palayo sa lalaking iyon.
Nakita kong nakatingin ang ibang bisita sa amin ni Kristell habang hawak ko sya sa braso, marahil nag tataka sila kung anong nayayari.
Dumaretso ako sa Hagdan habang hawak parin ang braso ni Kristell.
Pero masyadong maraming maitang ang hagdan kaya ginamit kona ang kakayahan ko. Sa isang kisap mata ay nagawa konang dalhin sya sa aming silid
Kristell PoV
Napa upo ako sa Kama ng bitawan nya ako sa braso.
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya roon kanina habang kinakaladkad ako nag iwan iyon ng marka sa aking braso.
"ano bang priblema nya ? Lumabas lang naman akonsa alpresko para magpahangin at nag kita lang kami ng lalaking iyon. Nangamusta lang sya sa akin, ano bang masama roon.
"anong sinabi nya sayo?
- bakit kayo magkasama?
Magkasunod nyang tanong na nagngi-ngit ngit sa galit.
"wala. Nanga musta lang sya sakin.
Sagot ko.
Hindi ko alam kung baket ganun nalang katindi ang galit nya samantalang wala naman kaming ginawang mali.
Nakita kong humarap sya sa minto ng aming kwarto na tila gustong manakit.
Tumayo ako at nilapitan kosya.
"ano bang problem?
-sino ba ang lalaking iyon at nag kakaganyan ka?
Mahinahon kong tanong.
Pero nanatili syang tahimik.
" hindi kita maiintidihan kung hindi mo sasabihin sa akin.
Hinawakan kosya sa kanyang balikat ng makita kong mahinahon nasya niyakap kosya mula sa kanyang likuran.
Narinig at naramdaman ko ang pag buntong hininga nya.
Hinawakan nya ang kamay ko at humarap sya sa akin.
" Isa rin syang Prinsepe kagaya ko.
- at -
"mangako ka saking hindi kana lalapit sa kanya.
Sabi nya. Alam kong hindi lang iyon ang gusto nyang sabihin sakin pero ayaoko nang magalit pasya kaya hindi nako nag tanong ulit.
Napatango lang ako sa sinabi nya. Binalinan nya ng tingin ang braso ko na nuon ay namumula.
"im sorry.
Tila pabulong nyang sabi na ngayon ay kalmado na.
Agad nyang ibinaba ang mukha nya at sinakop ng halik ang aking labi. Pero hindi iyon nag tagal.
Muli nya akong tinitigan.
" hindi kona uulitin. Hindi ko sinasadyang masaktan ka.
Dagdag panya saka ako mahigpit na niyakap.
Napakainit ng yakap nya, at gustong gusto ko ang pakiramdam na iyon.
Maya maya pa ay naramdaman kong hinila nya ang laso ng aking damit sa bandang beywang.
" alam kong kanina mopa gutong hubarin ang dress nato.
Naka ngisi nyang sabi sakin.
"baket pa nahihiya ako kapag nasa ganitong tagpo kami, dapat siguro ay masanay na ako.
nang matanggal na nya ng tuluyan ang pag kakabuhol ng laso ay muli nya akong hinalikan.
Mapusok iyon na tila sabik.
Hinila nya palapit sa kanyang katawan ang aking beywang.
At nuon ay nadama ko ang kanyang p*********i.
Bumaba ang mga labi nya sa aking leeg hangang sa aking dibdib.
Pagkatapos ay nakita ko nalang na nakaluhod nasya sa aking harapa.
Hindi kona na alam kung kaylan nag umpisang bumilis ang pintig sa aking dibdib.
Ayokong manghula kung anong balak nyang gawin ng sandaling iyon at nakaluhod sya sa aking harapan.
Inangat nya ang laylayan ng dress na suot ko. Napapikit ako ng hawakan nya ang aking hita.
Nanatili akong nakatayo na tila nag aabang sa mga susunod nyang gagawin.
Naramdaman kong bumaba ang mga palad nya sa aking paa.
" pwede mo nang hubarin ang sapatos na ito!
- alam ko namang kanina pa masakit ang mga paa mo.
Napamulat ako ng sya na mismo ang nag tanggal ng suot kong sapatos at pagkatapos ay tumayo na.
"pwede mo nang i relaxe ang katawan mo ngayon, hindi na tayo babalikb sa party.
Nakangisi nyang sabi, na tila nang aasar.
"oh- baket parang na dismaya ka mahal ko?
Dagdag pa nya na may pang aasar ang tono.
"ano? At baket naman ako madidismaya?
-kainis to.
Inis kong sabi saka umalis at nag tungo sa bathroom.
Hahhhhhh! Nakakahiya ka !
Nakakahiyabka talaga Kristell, habang tumatagal ay nagiging marumi na ang isip mo!
Halos mapunit ang mukha ko ng lamukusin ko ng aking palad.
" napaka pilyo.
Bulong ko.
Matapis kong mag linis ng katawan ay bumalik nako sa kwarto suot ang puting pantulog.
Silk na bistidang pantulog.
Wala nasya roon siguro ay bumalik sya sa party. Naupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ko ang sakong ko na nag tamo ng sugat dahil sa sapatos.
May sugat pero pinabayaan ko nalang at humiga na ako sa kama. Pipikit na akonng maramdaman kong may kumuha sa kaing paa.
"ahhhhh-
Naputol ang pag sigaw ko ng makita kosya sa ibaba ng kama at may hawak na bandaid
"malaking tulong talaga ang pag labas nila Pia at Dave sa present world. Nadadala nila dito ang mga bagay na kagaya nito.
Sabi nya habang nilalagyan ng takip ang sugat ko.
"present world?
Maang kong sambit.
"oo, dun sa pinang galingan mo.
Sagot nya. Kung ganun nakakapunta pala sila dun kung kelan nila gustuhin.
" alam kong gusto mo nang makita muki ang pamilya mo. Hayaan mo
-Sa susunod ay pupunta tayo roon.
Sabi pa nya. Napangiti ako sa sinabi nyang iyon.
Makikita kona muli ang pamilya ko. Bagay na matagal ko nang gustong gawin, ang bumiaita at kamustahin sila,
Gusto kong sabihin sa kanila na nasa maayos ang kalagayan, nasasabik tuloy ako dahil sa sinabing iyon ni Haris kahit na wala syang nabanggit kung kailan.