Chapter 5: Lost Memories

3051 Words
Ano bang ibig nyang sabihin?  Kahit ulit ulitin ko ang mga sinabi nya sakin kahapon, hindi ko parin maintindihan. Pano ko sya matutulungang isulat sa kasaysayan ang buhay nya? "alam ba nyang walang pinag aralan ang pinakasalan nya?      Bulong ko sa sarili habang palakad lakad sa loob ng kwarto. "sabihin na nating totoo nga ang mga nangyayaring ito at hindi isang panaginip. -sige! Pero bakit ako?  Bakit ako ang nadito? Pano ako napunta dito? -hayyyy!!! Sasabod na ang ulo ko kakaisip. Kung meron mang makaka sagot sa lahat ng tanong ko yun ay ang taong nag dala sakin sa lugar na ito. "si Dave. Agad kong tinungo ang pinto at lumabas ng kwarto.  Hindi ako bumaba ng hagdan  nag lakad ako sa malawak na bahagi ng palapag na iyon.hangang sa narating ko ang b****a ng isang malaking beranda ng palasyo. Hindi kopa nalilibot ang palasyong iyon kaya hindi ko alam kung anong makikita ko roon. Hindi ko pa tuluyang nararating ang maliwanag na terace ay napa hinto ako ng marinig ang boses ni Dave. Lihim kong sinilip kung sino pang naroroon kasama nya. "Naroon si  Haris. Ayoko sanang maging basto at makinig ng lihim sa pinag uusapan nila ng marinig kong banggitin ni Dave ang pangalan ko. "bakit nila ko pinag uusapan? Out of curiosity nanatili ako sa kinatatayuan ko at nakinig. "Pano mo nasigurong magagawa nya ang  dapat nyang gawin? - pano kung - "Dave!  Alam kong magagawa nya. Wala ng ibang pwedeng gumawa nito para sa atin.  -hindi ko hahayaang muli tayong mabigo sa pag kakataong ito.         Hindi na natuloy ni Dave ang dapat sabihin ng agad baliin ni Haris ang mga sasabihin nya. "Ito na ang huling pag kakataon para sa atin.       Dagdag pa nito na nakatanaw sa malawak na lupain. "kahit na. Hindi moko masisisi kung mag alala ako. - pano kung magkamali sya?            Nakakunot ang noo na sagot ni Dave.  Palaging nakangiti kung makipag usap sakin si Dave pero sa sandaling ito na lihim akong nakatanaw sa kanila. Ibang Dave ang nakikita ko. " Aki mismo ang papatay sa kanya!       Mabilis na sagot ni Haris. Walang pag aalinlangan sa boses nya. Napa awang ang aking bibig. Agad ko itong tinakpan ng aking palad para wag mag likha ng anumang ingay. Nanginig ang mga tuhod ko at ano mang sandali ay maari itong mabuwal kaya pilit akong umatras para umalis na sa lugar na iyon. "oh. Kristell!       Nanlaki ang mga mata ko ng sumulpot bigla si Princes Pia  pag harap ko. Walang kahit anong salita ang lumabas sa aking labi. Gusto ko lang na umalis sa lugar na ito. " anong problema?      Nag tatakang tanong ni Pia  na malamang ay napansin ang pagka gulat ko ng makita kosya. "w-wala naman.   Nauutal kong sagot saka nag umpisang lumakad pa balik sa direksyon ng kwarto. Nanginginig ang tuhod ko kaya mabagal ang aking bawat hakbang. Nang sa wakas ay marating kona ang kwarto agad kong sinara ang pinto at napasandal ako roon. Nasisiguro konh ako ang pinag uusapan nila. Nanginginig ang aking kalamnan,  hanggang nagyon ay di arin ako makapaniwala sa mga nangyayari  at ngayon nadagdagan pa ang mga iniisip ko. "sakabila ng malambing na pakikitungo nya sa akin  diko akalaing maririnig ko sa kanya ang mga salitang iyon kanina. "Papatayin? -bakit? Ano bang kasalanan ko sa kanya?   -bakit nya nasabi yon? Samantala, kasalukuyang nakaupo si Haris at Dave at malalim ang usapan ng dumating si Princes Pia. "anong pinag uusapan nyo?     Nakangiti nyang tanong sa mga ito. "ah- wala naman. hindi masyadong importante. may kaylangan kaba?          Sagot ni Dave.  Naupo si Pia sa bakanteng upuan. "Nakita ko si Kristell kanina. Galing ba sya dito?       Napatingin si Dave kay Haris sa sinabing iyon ni Pia. Hindi na kaylangang i spell out dahil alam na agda ni  Haris kung anong nasa isip ni Dave sa mga tinginn nito. Malamang may narinig si Kristell na hindi dapat nyang marinig. Kristell PoV   Tama, wala ako sa mundo kung san ako lumaki. Kung totoong mundo ba itong kinaroroonan ko ngayon. Sa tingin ko wala akong pwedeng pagkatiwalaan  na kahit sino. Sarili ko lang ang meron ako kahit ang sarili kong asawa ay hindi ko na pwedeng pagkatiwalaan. Iyon ang nasa isip ko habang nakaharap ako sa isang malaking salamin at inaayos ni Lily ang buhok ko. "Lily.         Mahina kong sambit. "ano po yun My lady.      Sagot agad nito. " matagal kana ba sa palasyong ito?       Tanong ko. " uhm. Opo. Dating taga sunod rin ang mga magulang ko dito sa palasyo. -kaya nung pumanaw sila akonang pumalit sa kanila.      Paliwanag nya.  Sa palagay ko ay mas bata sakin si Lily kaya komportable akong makipag usap sa kanya. "Bakit nyopo na itanong? " ah - wala naman.   Nga pala. Ilang taon kana ba ngayon Lily. -mukha kaseng ang bata mo pa.       Nakita kong nag alangan syang sumagot. " ah ang totoo nyan hindi kona alam kung ilang taon naba ako ngayon, My Lady. Napakunot ang noo ko sa naging sagot nya. " tapos kona pong ayusin ang buhok nyo, kung wala napo kayong kaylangan iiwan kona po kayo. Napansin ko ang pag mamadali nyang i ligpit ang nga ginamit nya para ayusan ang buhok ko, saka nag paalam .  Alangan lang akong ngumiti sa kanya. Habang tumatagal ang pananatili ko sa lugar na ito lalong nadadagdagan ang mga pag dududa ko. "kaylangan kong malaman kung anong mundo itong napasukan ko. Kung walang makakasagot sa mga tanong ko ako mismo ang hahanap ng mga kasagutan.  Iginala konsa malawak na kwartong iyonnang aking mga mata, walang mga paintings, o kahit na anong  Litrato. Maraming libro  sa isang etanteng naroroon, at natatandaan kongvdun kinuha ni Haris ang scroll na pinakita nya sakin. Nag madalibako at tinungo ang kinalalagyan ng mga libro. Nag hanap ako ng kahit na anong mag bibigay linaw sa mga katanungan ko.  Pero wala. Wala akong nakita maliban sa isang lumang bagay na naka rolyo. Sa tingin ko ay sinadyang itinago ito sa likod ng mga libro. Maalikabok at halos mapunit na ang mga parte nito sa sobrang kalumaan. Tinanggal ko ang pulang tali nito. Isa iyong lumang painting. Imahe ng lalaki at babae na naka upo sa trono. Nanlaki ang mga mata ko. Luma na ang painting na ito pero nakilala ko agad ang babae sa imahe. "ako to.  Mukha konang nasa painting at ang lalaki ay si Haris.   " paanong-      Natigilan ako. Hindi ko na alam lung ano pang dapat kong sabihin sa mga sandaling ito. Gulong gulo nako. Nag uumpisa nanamang lumakas ang kabog sa aking dibdib. Bago pa may makakita sakin nag mamadali ko nang niligpit ang painting. Inirolyo iyon. At ibinalik sa kung saan ko ito nakuha. "ano bang nangyayari?  Nababaliw nako sa kakaisip. Kelan ko lang nakilala si Haris wala pangang isang lingo. Kaya paanong nangyari na nasa painting ako na iyon kasama sya. Lumipas ang oras at nanatili akong nasa loob ng kwarto. Kung hindi ako naka higa sa kama  naka tanaw ako sa terace. Palubog na ang araw ng kumatok si Lily sa pinto. "My Lady,  gusto kayong makasabay mag hapunan ng   Prince Harin. Sabi ni Lily na nasa labas ng pinto. Nag dalawang isip ako kung sasabay paba akong kumain,  Magagawa ko pa kayang lumunok ng pagkain habang alam kong nasa tabi ko ang taong pwedeng pumatay sakin anumang oras. Pero wala akong nagawa kundi gawin kung anong anong dapat kong gawin. Malayo pa ay natanaw kona sila. Si Dave, Princes pia at  si Haris na naka tanaw sakin. Hindi ko manlang magawang ngumiti sa kanila. Dahil ang totoo takot ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito habang palapit sa kinaroroonan nila. Lahaba at mesa  at maraming bakanteng upuan. May mga nakasinsing mahahabang kandila kahit na mayroon namang liwanag na nanggagaling sa mga naka sabit na chandelier sa kisame. Umupo ako sa upuan na may tatlong bakanteng upuan ang pagitan kay Haris samantalang mag katabi naman si Dave at Pia. Malamang nag taka sila, dahil nakita ko ang mga reaskon nila ng maupo ako. Pero hindi ko yata kayang tumabi sa asawa ko sa mga oras na ito. Tahimikbako habang kumakain  at paminsan minsan ay napapatingin sa mga taong nasa harapan ko na noon ay tahimik din sa pag kain nila. Huling dumapo ang ang paningin ko kay Haris. "ako mismo ang papatay sa kanya. Tila may bumara sa lalamunan ko kaya hinagilap ng kamay ko ang kopitang may inumin. Lahat sila ay napa tingin sakin ng paubo ubo ako nag hagilap ng inumin. Agad kong tinungga ang wine na nakuha ko sa mesa. Kumunot ang noo ko sa lasa ng alak na iyon. "ayos kalang? -tila nag aalalang tumayo si Haris para sana lapitan akons kinaroroonan ko pero bago panya nagawa iyon agad akong tumayo . "a-ayos lang ako. - wala lang akong ganang kumain. "babalik nako sa kwarto ko. Pag dadahilan ko.   Nag mamadali akong nag lakad. Halos mag kandarapa pa ako habang paakyat sa hagdan. Kung ganoon sa tuwing makikita ko si Haris maalala ko ang sinabi nyang iyon. Pano ko pa sya pakikitunguhan ? Kung labis na pag dududa at takot ang nararamdaman ko sa tuwing lalapit sya  Sa akin.  Pag pasok ko ng kwarto ay agad kong sinara ang pinto. "ha-  impit kong sambit ng pag harap ko ay naroon si Haris at agad akong nahawakan sa mga braso ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat . "may sakit kaba? -masama ba ang pakiramdam mo? Magkasunod nynag tanong sakin at mababakas  sa itsura nya ang pag alala. Pero nag aalala  kaya talaga sya sakin? Pano ko malalamang totoo ang pianpakita nya. Pilit akong kumawala sa pag kakahawak nya at nang makawala ako ay agad akong lumayo. "a-ayos lang ako. Nauutal ko pang sabi. Tumungin sya sa akin ng may pag tataka. Saka muling nag salita. "sige. Mag pahinga kana. - dun nalang ako sa study room matutulog ngayon. Kalamadong sabi nito saka lumabas na ng silid. Agad kong ibinagsak sa kama ang buo kong bigat. Pakiramdam ko ay pagod na ang isip ko sa dami ng tumatakbong mga katanungan na hangang nagyon ay wala paring kasagutan. Haris PoV "ano ito? Baket parang may nag bago sa kanya? Sa isip ko nung oras na pilit syang kumawala sa akin agad syang lumayo at napansin ko ang pag iwas ng mga mata nya sa akin. Kaya naman nag prisinta nakong wag na munang matulog ngayong gabi sa aming silid. Nag tungo ako sa study room. Malaki ang silid na ito at puno ng mga lumang libro.  Mayroong malaking kama sa lugar na iyon at kumportable parin namang tulugan. Tila kahapon lang nung mga bata pa kami ni  Pia. Nung mga panahong iyon nabubuhay pa ang aming mga magulang. Puno ng buhay ang bawat sulok ng palasyong ito. Palaging may pagdiriwang at lasiyahan. Ibang iba na ngayon. Ilang daang taon naring namayapa ang aking Amang hari at Inang Reyna. Bente anyos lang ako ng maipasa sa akin  lahat ng obligasyon sa trono. Sariwa pa saking ala ala ang araw na iyon. Matapos pumanaw ng aking amang Hari ipapasa na sa akin ang trono at nung araw na uupo ako sa trono sinalakay kami ng  mga trahidor na may matinding pag nanasa sa trono. Maraming namatay, nung araw na iyon mga tagapag silbi sa palasyo, mga kawal,ang mga matapat na General ng aking ama.  Ganun narin ang aking Ina. Wala kaming ka alam alam na nasa loob ng pasyo ang mga trahidor na nag mula sa kalaban naming kaharian na nag nanais masakop ang aming lupain. Bata pa ako at walang alam sa pakikipag laban ng mga panahong iyon.  Hi Davian Dave na anak ng aming magiting na General ang naiwan para protektahan kami ni Pia ang nakababata kong kapatid. Sa unang pag kakataon ay nakita ko ang mga kamay ko na napuno ng dugo at may hawak na patalim. "lumaban ka para sa buhay mo kamahalan! -o masasawi ka din katulad ng iyong ina. -tandaan mong sa oras na masawi ka , kasama mong mababaon sa hukay ang iyong kaharian. Iyon ang mga salitang nakuha ko kay Davian ng mga oras na iyon. Hindi nag kakalayo ang aming idad pero mahusay sya sa pag hawak ng espada. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Pinaslang ko ang lahat ng kaanib ng mga kaaway. Lumaban ako at ginawa ang lahat ng aking makakaya. Hangang sa aking huling hininga. Sa kasamaang palad tulad ng lahat ng naroon sakahariang iyon. Napaslang ang aking naka babatang  kapatid  Ganun din si  Davian, at lahat ay nabaon sa hukay kasama ko. Natagpuan kong nag lalakad sa kawalan ang sarili ko.  Puno ng dugo ang katawan,   Hawak ang isang espadang puno ng bakas ng pakikipag digma. Tila bibigay na ang aking katawan habang pilit na humahakbang. Hangang sa bumagsak ako sa natutuyong lupa ng aking lupain. Nakapikit ako ngunit gising ang aking diwa, nakatanaw sa malayo.  Ito na ba ang katapusan ko?   Hangang dito lang ako. "ako ay nabigo sa aking tungkulin. Nararapat na akoy maparusahan ama. "Umaga na pala.      Sambit ko habang naka titig sa puting kisami ng study room. Nasapo ko ang aking mga mata. Nitong mga nakaraang araw ay tahimik sa palasyo at wala akong natatanggap na anumang senyales ng pag banta sa aming lupain. Sa ngayon payapa ang lahat   Matapos mag ayos ay bumaba ako ng silid at natanaw si Pia at ang ilan sa mga tapag silbi. " kayo nang bahala sa lahat, simplehan nalang natin ang pag diriwang.     Narinig kong sabi ni Pia sa mga tapag silbi. " Oh andyan kana pala.          Sbai nito ng makita ako. " anong meron?     Tanong ko. " Hmp. Ano kaba? Ano ba kaseng tumatakbo dyan sa isip mo at pati ang kaarawan mo ay hindi mo na maalala? - ah . Kunsabay makakalimutin na talaga ang mga tumatanda.       Pilya nitong sabi. Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi nyang iyon. Kadalasan ay nasa digmaan ako sa akong mga nakaraang kaarawan. Isapa- sa sobrang tagal na ng panahon na inilagi ko sa mundo hindi ko na alam kung ilang taon naba ako. Paki ramdam kobay huminto sa bente singko anyos ang aking edad. "Dapat mag celebrate tayo kuya. -bihira lang ang ganitong pag kakataon. -wag kang nag alala ako nang bahala sa lahat.     Sabi pa nito. Hinayaan ko nalang at nag tungo na ako palabas ng alpresko para lumanghap ng sariwang hangin. Kristell PoV " ngayon ang kaarawan nya?     Sambit ko ng mababggit ni Lily ang  tungkol sa selebrasyong hinahanda ni Pia. " siguradong magiging masaya po ngayon dito sa palasyo. -matagal na rin mula ng magkaroon ng selebrasyon dito.  Nangingiting Liliy, nakikita ko sa repleksyon nya sa salamin ang sabik nyang reaksyon habang inaayos ang aking buhok. "naku. Pasensya napo kayo sa akin, kamahalan.        Naka yukong sabi nito ng makitang naka tingin ako sa kanya. Napa ngiti nalang ako. Nag mag isa nalamang ako sa silid  ay nag tungo akonsa terace para lumanghap ng sariwang hangin. Habang tinatanaw ang berdeng paligid ng palasyo nakita ko si Haris na tahimik na nakatayo roon sa ibaba. Marahil tulad konay lumalanghap sya ng sariwang hangin kaya sya nasa labas. "Birthday nya ngayon. Saglit ko syang napag masdan mula sa malayo. Bago nya ako mapansin ng tumingala sya sa kinaroroonan ko. Nakita kong nakatingin din sya sa akin at naka ngumiti. Agad akong napa atras ng bigla nya kong kinawayan. Babalik na sana ako sa loob ng silid ng bigla syang sumulpot sa likuran ko. Kanina lang ay nasa ibaba sya at ako naman ay na sa ika apat na palapag ng palasyo. Pero ngayon ay nasa likuran ko nasya.Baket nga naman hindi e. Kaya naman nyang mag teleport. "siguro kamag anak to ni Goku. "magandang umaga.     Bati nya sa akin. "m-magandang umaga din sayo.       Mahina kong sagot. " kamusta ang pakiramdam mo?  Mas maayos naba?     Magkasunod nitong tanong. "ha? O- oo maayos nako.      Sagot ko at agad na nag iwas ako ng tingin. Nakita ko na tila nadismaya sya saekspresyon ng aking mukha. "ano bang problema mo?  - pakiramdam ko ay umiiwas ka sakin. May nagawa ba akong mali? Napatingin ako sa kanya. Nag lakad sya papasok sa silid at umupo sa gilid ng malaking kama. "a-ano- hindi naman sa gan-  Napahinto akobsa pag dadahilan ng mag salita sya. " ang tagal kitang hinintay. - sobrang nangulila ako sayo alam mo ba yon? Naka yukonsya at malungkot ang mukha. "anong - sinasabi mo?      Mahina at nag tataka kong tanong. Kamakailan lang kami nag kita ng personal kaya ano itong sinasabi nya. "sabihin mo. -hindi kaba masayang kasama ako?       Mariin nyang tanong na naka titig sakin. Wala akong naging sagot. Tumayo nasya nag tungo sa pinto ng kwarto pero bago pa nya mabuksan iyon. Agad nakong nag salita. Daoat lang na malaman nya ang nasa isip ko at ng maibigay na rin nya ang mga sagot sa mga katanungan ko. " ano bang ibig mong sabihin? Napahinto sya.  Humakbang ako ng ilang hakbang pero pinanatili ko ang malawak na pagitan sa aming dalawa. " ang totoo, natatakot ako sayo.  -kelan lang kita nakilala. Bago pa sa akin ang mga nangyayaring ito. - baket ako nandito?  Baket ako ang punakasalan mo? - sino ba ako? Ikaw? Sino kaba talaga? Sunod sunod kong letanya. Humakbang sya palapit sakin at nang halos isang hakbang nalang ang pagitan namin. Saglit nya akong tinitigan bago nya ipinulupot sa akin ang mga braso nya. "nadudurog ang puso ko.    Mahina nyang sabi. Tila pabulong iyon at malungkot ang tono. Hinaplos ng usa nyang kamay ang aking mahabang buhok habang yakap nya ako. " baket hindi moko makilala? -akon ang iyong Prinsepe.      Pag kasabing iyon ay agad na bumaba ang mga labi nya sa king labi. Napapikit ako ng sandaling iyon. "Ikaw ang aking prinsepe!  Pano kita magagawang kalimutan? Kung nasaan ka duoon ang din ang ang lugar.   May mga tila flush back  na mga ala ala ang nag si pasukan sa isipan ko. Ang pamilyar nyang mga halik ,mahigpit at mainit na yakap.  Nakita ko ang sarili ko sa mga pangyayaring tila ilang daang taon na ang lumipas. Ng sandaling iyon nabigyang linaw ang lahat ng katanungan sa aking isipan. Ang babae sa painting ay walang dudang ako nga. Mga alala ala at ang mga nararamdaman nabaon sa limot ang biglang umapaw sa aking pagkatao. Kasabay ang sunod sunod na pag patak ng anking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD