Nababasa ko sa itsura nya na galit sya kaya napayuko nalang ako. Wala ako sa posisyon para magalit at mag tanong ng kung ano ano sa ngayon.
" Anong inalmusal mo at naisipan mong mamasyal sa loob ng gubat ng mag isa.?
Mariin nyang tanong na nakapamulsa pa ang kamay.
"s-sorry. A-ano kase hindi ko naman balak mag punta dun
Basta nag lakad lakad lang ako at diko namalayang nandun na pala ako sa gubat.
-hindi ko na uulitin.
Mahina kong paliwanag.
"paano kung wala ko?
- alam mo ba kung anong gagawin sayo ng halimaw na iyon?
Dagdag pa nito na mataas parin ang tono ng boses.
Hindi nako umimik pa. Napahikbi ako at nag babadyang pumatak ang mga luha ko.
Sobra ang takot na naramdaman ko kanina sa gubat akala ko talaga katapusan kona at malamang na yun ang magyayari sakin kung hindi dumating si Haris.
Nasapo ko ng aking mga kamay ang aking mukha para hindi nya makita ang sunod sunod na pag agos ng luha ko.
Kasabay ng mga hikbing kumakawala sa akin.
Naramdaman ko ang pag galaw ng kama ang pag dampi ng mga kamay nya sa balikat ko.
"hindi ko yun ginusto. Hindi kona uulitin!
Tila ako isang batang humihingi ng tawad sa aking nagawang pag kakamali.
Hinawakan nya ang mga kamay ko para tanggalin iyon sa pag kakatakip sa aking mukha. Kaya nalantad sa kanya ang mukha kong basang basa sa luha.
"hey! Stop it. enough .
Sabi nya habang tinutuyo ng mga daliri nya ang mga luha ko.
" hindi naman ako galit.
- nag alala lang ako. Nag alala ako ng sobra.
Nag katitigan kami ng mga sandaling iyon.
Ang taong ito na kaganina ko lang nakilala , baket sobrang bait ng pakikitungo nya sa akin?
Kung hawakan at tingnan nya ako palaging may pag lalambing.
Bagay na hindi ko inaasahang makukuha ko sa gaya nya?
Sino ba ako para itrato mo ng ganito?
Oo nga at Prinsesa ako dahil asawa mo ako pero di maipag kakailang isa lang akong anak ng mag sasaka na di manlang nakapag aral.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakapatong ang ulo sa dibdib nya.
Naka idlip pala ako . Sino ba namang hindi mapapagod sa mga pangyayari.
Naupo ako sa kama sa tabi ni Haris na nuon ay mahimbing ang tulog.
Dumapo ang tingin ko sa orasan na nakasabit.
Alastres na ng hapon. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko.
Gusto ko sanang lumabas at kumuha ng makakain pero ayaw kong mauistorbo sya sa pag tulog .
Nanatili nalang ako sa kama at bumalik sa pag higa.
Lihim ko syang pinag masdan habang tulog. Ang lalaking ito ay isang prinsipe.
Oo alam ko na iyon. Pero hindi ko parin talaga sya kilala.
Panong ang isang tao ay nag lalahong parang bula sa paningin ko at nakakapag teleport?
Napaka lakas din nya base sa nakita kong ginawa nya kanina sa halimaw.
"please be mine!
"oh my - ano to? Bakit bigla kong na isip yun?
-nagiging bastos na ang pag iisip kong ito.
Bulong ko sa sarili ko. Na tila kinukumbinsi ang sarili.
Lalo pang tumindi ang pag nanasa kong iyon ng mahagip ng mga mata ko ang mga labi nya.
Tila flash back na bumalik sa ala ala ko ang bawat pag dampi ng mga labing iyon sakin kaninang madaling araw.
Napalunok ako sa isiping iyon at napa buntong hininga.
Pilit kong ibinalin sa ibang direksyon ang mga mata ko pero bumabalik at bumabalik ito sa tanawing nasa harapan ko lang.
Sandali kong pinag bigyan ang mga mata ko na tumitig sa mga labing iyon.
At ng itaas ko ang aking paningin tila uminit ang mukha ko ng makita kong nakatingin sya sakin.
" kelan sya nagising?
-kanina paba sya gising?
Akmang aalis nako sa pwesto ko ng hawakan nya ko para di ako maka alis sa kinahihigaan ko.
"pwede mokong titigan hangat gusto mo.
Mahina nyang sabi. Bagay na lalong nag patindi sa hiya na nararamdaman ko kung pwede ngalang lamunin ako ng lupa para lang maka alis ako sa kahiya hiyang sitwasyong iyon.
Kinalma ko ang sarili ko kahit sobrang lakas ng kaba sa aking dibdib.
Muli ko syang tiningnan sa kanyang mga mata.
Ramdam ko ang bawat pag hinga nya kahit ang pintig ng puso nya naririnig kO dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa.
Kalmado iyon hindibgaya ng sa akin na tila may mga kabayong nag hahabulan.
"g-gusto kong-
Na uutal ako at nag dadalawang isip sa sasabihin ko. At nag baba agad sya ng tingin sakin na tila nag aabang sa kung anong sasabihin ko.
"gusto kitang halikan.
Mahinankong sabi. Saglit syang natigilan sa sinabi kong iyon.
Bahagya syang napa ngisi sa sinabi kong iyon. Kinuha nya ang palad ko at ipinatong sa kanyang pisngi.
"pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo.
Naka ngisi nyang sabi. Karamdam ako ng hiya sa sinabi nyang iyon.
Dahan dahan kong nilapit ang anking mukha sa kanya hanggang sa halos mag dampi na ang aming mga labi
nang biglang may kumatok.
"My lady. Maari ba akong pumasok?
Napa balikwas ako ng marinig ang boses ni Lily.
Agad akong napaupo sa gilid ng kama at nag ayos ng aking sarili. Samantalang nanatili lamang na nakahiga si Haris kama.
Tila pinag kakatuwaan nya ko dahil nakita ko ang pag ngisi nya ng tumayo ako.
Bumukas ang pinto at pumasok si Lily na may dalang tray ng pagkain.
"Dinalan kita ng pagkain alam kopong hindi kapa kumakain ng tanghalian my Lady.
Naka yukong sabi ni Lily ng mailapag sa mesa ang tray na dala.
"ah- maraming salamat sayo Lily.
Nangingiti kong sagot. Pag katapos aybagad ding lumabas si Lily.
Nakita kong umupo ng kama si Haeis at sumandal sa head board nito.
"ahm- g-sgusto mo rin bang kumain?
Tanong ko sa kanya na medyo na iilang, ang totoo ay hiyang hiya ako sa inasal ko kanina lang, naturingan akong babae pero ako pa ang nanguna sa ganoong bagay.
"don't mind me. kumain kalang dyan.
Pag kasabi nya ay naupo na ako sa bakanteng silya sa tabi ng magara at malaking mesa roon.
Habang kumakain ay naalala ko ang mga nangyari sa loob ng gubat kanina lang.
Nararapat lang na mag paliwanag sya sa kung ano ang mga nakita ko kanina.
Pero bakit wala syang nababanggit na kahit ano?
Dapat ba na ako ang unang mag tanong tungkol sa bagay na iyon?
Binitawan konang mga kubyertos na aking hawak.
" Prince Haris. Pwede ba kong-
-pwede bakong mag tanong?
Alangan kong sabi.
Hindi manlang sya nag abalang sulyapan ako atvpatuloy sya sa pag suyod ng paningin sa pahina ng hawak nyang luma at makapal na libro.
" nakikinig ako.
Maikli nyang sabi.
"yung kaganina sa gubat?
- naguguluhan lang kase ako. Pano mo nagawang iwasiwas nalang ang halimaw na iyon.
-saka anong klaseng nilalang ba ang isang iyon?
-saka panong bigla nalang tayong nakarating dito sa palasyo gayong n-nandun tayo sa gitna ng gubat?
-ano yun? May super power kaba?
"kapatid mo ba si SUPER MAN? o baka naman pinsan mo sya?
Mabilis at sunod sunod kong tanong.nilubos lubos kona dahil baka mawalan nanaman ako ng lakas ng loob na mag salita sa mga susunod na sandali.
"SUPER MAN?
tanong nya na may pag tataka sa itsura.
Napakunot ang noo ni Haris saka binitawan ang hawak na libro.tumayo sya at lumakad papunta sa isang malaking Kabinet sa silid na iyon.
"kung sino man yang super man na sinasabi mo, kalimutan mo na sya dahil di mo na uli sya makikita
At para sa kaalaman mo wala akong pinsan na SUPER MAN ang pangalan.
Sabi nya habang tila may hinahanap mga aklat na nakahilera sa kabinet na iyon.
Maya maya pa ay may hawak nasyang isang lumang scroll.
Dinala nya iyon sa harapan ko at inilatag sa mesa.
"tutal nag tanong ka narin naman.
-gusto kong makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko.
Kalmado ang tono ng boses nya ganun din ang mukha nya ng minsang tumingin sya sa akin.
" Narito ang sa scroll ang mapa ng tatlong kaharian.
- ang Julban, Karbiena at ang pinaka malaki sa lahat ang Dellatore. Ang aking nasasakupan.
Paliwanag nya saka itinuro ang bawat pag kakasunid sunod ng pwesto ng mga nabangit na kaharian.
Ang kaharian ng mga Julbano ay nasa kabilang dako lang lagpas ng kagubatan kung nasaan tayo kanina.
At ang nilalang na umataki sayo ay isa sa mga nilalang na naninirahan sa kahariang iyon.
-mga mapanlinlang, sakim at walang awa ang mga nilalang sa lugar na iyon.
-kumakain sila ngbsariwang laman ng mga to.
Kung ganoon muntik na pala talaga akong ma tanghalian ng halimaw na iyon kanina.
"dito naman sa kaharian ng Karbiena.
-katulad namin meron din silang Hari at Reyna na namumuno.
-mahusay sila sa pakikipag kalakalan ngunit mga tuso sila at mapag samantala.
Dagdag nya.
Kahit marami na syang nasabi, naguguluhan parin ako.
Pakiramdadam ko nasa isang fairytale story ang lahat ng mga sinabi nya.
Mga halimaw? Wala namang ganun sa sa mundo kung saan ako ng galing.
Naoansin kong natahimik sya habang nirorolyo ang scoll.
" ako ay- ako ay isang imortal.
Napa awang ang aking bibig sa sinabi nyang iyon.
" Ilang daang taon narin akong lumalaban sa mga nag tatangkang sakupin ang aming kaharian at nasasakupan.
- marahil ito ang parusa sa kagaya kong puno ng dugo angbmga kamay.
" isang araw nagusing nalang ako matapos akong mapataybsa isang sagupaan.
Naliligo ako sa sarilinkong dugo at puno ng dugo ang aking mga kamay at espada, hindi kona tiyak kung ilan pero tiyak kong napakarami at hindi sapat ang buhay ko para pagbayaran iyon
"kaya siguro tinanggalan ako ng karapatang mag pahinga sa buhay kong ito.
-alam kong ito ang aking kabayaran, sana lang ay sapat na ito.
Malamlam ang kanyang mga mata habang nag sasalita.
Ramdam ko ang pagod at kalungkutan sa kanyang mga mata.
Ang hirap sigurong mag hintay ng iyong kamatayan gayong alam mong hindi iyon mangyayari kahit na kaylan.
Kahit masarap mabuhay sa mundo, walang kahit na sinong gugustuhing mabuhay na sobrang tagal at walang katapusan.
" Maari bang humingi ako sayo ng isang pabor?
Sabi nya habang nakatitig sakin.
" Gusto kong maisulat sa kasaysayan ang aming kaharian.
- isulat mo ang aking buhay, Kristell.
"maari ba?
mahinahon ang pag kakasabi nya.