Chapter : 8 Unwanted visitor

3244 Words
Nagising si Kristell sa mainit na dampi ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Pag mulat nya at nakita nyang nakatayo si Haris sa tapat ng mesa at tila binabasa ang mga sinulat nya sa papel kagabi. Narinig nya ang pag langitngit ng kama kaya napa lingon sya kay Kristell na noon ay nakahiga. "gising kana pala. - mauuna nako sa baba. Sumunod kana mag almusal tayo.      Sabi nito saka dumeretso ng lakad sa pinto.  Matapos mag ayos at mag bishis agad ding sumunod si Kristell at nadatnan nya si Haris,Pia at Dave sa hapag. Tumabi sya kay Haris at kaharap nila si Dave at Pia. "Good morning!  - nakapag sulat kana ba kagabi?         Bahagyang tumango si Kristell. "O-Oo.   Sabi nya. Nag taka sya dahil parang inaasahan ng lahat ang pag susulat nya,  Ganon ba talaga ka importante yun? Sa isip nya ng mga oras na yun. "mabuti.        Sambit ni Pia na tila pilit ang mga ngiti. Napa tingin silang tatlo ng ibagsak ni Dave ang kubyertos na hawak. Noon lang napansin ni Kristell na tila wala sa mood ang lalaki. Nag punas na ito ng bibig bago tumayo. "Dave-          Sambit ni Pia "mauna nako. Marami pakong ihahanda.     Seryosong sabi nito saka umalis na roon. Muling nakita ni Kristell ang mga pilit na ngiti sa mukha ni Pia.  Nag patuloy sila sa pagkain. Paminsan minsan ay napapatingin si Kristell kay Pia lalo na at bumalik sa kanyang isipan ang masama nyang panaginip. Maya maya pa ay dumating si Lily sa kina roroonan nila. " Prince Haris mayroon po kayong bisita.        Pag kasabi ay agad ding umalis si Lily. Nag katinginan si Haris at Pia.  Agad nang tumayo si Haris at nag tungo sa b****a ng Palasyo para batiin ang bisita.   Bumungad sa kanya ang isang Heneral ng Kaharian ng Julban si Zandro. Ilang beses narin silang nag kaharap ng lalaking ito. Mayroon itong malaking pilat sa kanyang kanang mukha na si Haris ang may gawa matagal na panahon na ang nakalipas. Ganoon paman matagal naring humupa ang alitan sa pagitan ng Dalawang kaharian kaya nag tataka si Haris at narito ang lalaking ito sa kanyang harapan. Bumaba ito sa kabayong sinasakyan at bumati kay Haris. "Isang Masayang pagbati sayo Kamahalan.  Sabi nito. "anong sadya mo dito Zandro?     Seryosong tanong ni Haris.  Pero imbis na sumagot nag palakad lakad ito sa harap nya habang gumagala ang paningin sa paligid. "wala naman kamahalan. Napadaan lang kami. -galing oa kami sa isang labanan, uhaw at ilang araw narin kaming walang matinong kinakain. - alam mo naman masyado pang malayo rito ang Julban kaya naisip naming dumaan muna. Naka ngisi nitong sabi. Maya maya pa ay dumating si Pia at Kristell. Naka titig ang mga mata nila sa mga bagong dating.  Matalim ang tingin ni Pia sa lalaking naka ngisi, hindi iyon ang kanilang unang pag kakataong mag kita. Kalaunan ay ipinahanda ni Haris ang lugar kung saan mananatili si Zandro at ang dalawa nito kasama. Nag pahanda rin sya ng hapag para makakain ang mga bisita.        Hindi mapakali si Haris habang palakad lakad sa terace ng silid nila ni Kristell. Yun ang nabungaran nya ng sya ay bumalik ng silid. Nababakas sa kanyang mukha ang pagka balisa. "nay probkena ba?      Nag tatakang tanong ni Kristell ng sya ay makalapit. Hindi ito sumagot sa halip ay tinitigan sya nito sandali . "wala. May mga iniisip lang ako. Napabuntong hininga si Kristell dahil wala naman syang magagawa kung ayaw mag sabi ng kahit ano si Haris. Nag tataka sya sa mga kilos ng mga tao ngayonbsa palasyo. Masyadong tahimik at nararamdaman nya ang tensyon sa bawat isa. Para bang may mangyayaring hindi maganda. Samantala. Pabalik na ng silid si Pia ng madaanan nya ang kanilang bisita sa  malawak na terace sa isang oarte ng palasyo.  Nakatayo ito roon na tila lumalanghap ng sariwang hangin. "Zandro. Sa isip nya saka sya lumakad palapit sa lalaki na noon ay naka talikod. Marahil na rinig nito ang mga hakbang ng kanyang ginagawa kaya humarap ito. " Kamahalan.       Nakangiti nitong sabi. Nag patuloy sa paglapit sa kanya si Pia. "ano bang kaylangan mo? -baket biglaan yata ang pag dalaw mo? Magkasunod nyang tanong sa lalaki. Agad na nabura ang ngiti sa labi nito. "hmp. Pano kung sabihin kong Gusto lang kitang makita.  - alam mo yun- matagal din tayong hindi nag kita, gusto lang kitang kamustahin.      Sabi nito. Saka humakbang at hinawakan sya sa magkabilang braso. "Pwede ba!? -wag mo akong bolahin!     Mariing sabi ni Pia na noon ay naging seryoso ang mukha at naka kunot ang noo. Ilang beses nabang naulit ang pangyayaring ito? Pero pare ho lang rin ang nagiging reaksyon ko,   si Zandro na dati kong minahal baket habang tumatagal ay  Kunamumuhian ko? Dahil ba sa kawalan nya ng kaalaman kung anong panganib ang dala dala nya sa pag punta nya rito sa palasyo? Sa isip ni Pia na noon ay nangingilid ang mga luha. Nakita ni Zandro ang mga nag babadya nyang luha. Hindi iyon ang gusto nyang mangyari o makitang reaksyon sa mukha ng babaeng kinasasabikan nyang makita. Binitawan nya ito at umatras ng hakbang saka ibinalin ang tingin sa malawak na lupain. " mula ng umalis ka rito at umanib sa mga Julban dapat alam monang wala kanang babalikan. - kaya hindi kana dapat nag punta pa rito. Mariing sabin ni Pia saka nag simulang lumakad palayo. Walang nagawa ang lalaki kundibang ihatid sya ng tingin palayo. Dating isa sa mga general ng palasyo si Zandro. Ang Dating Hari at Reyna ang umampon sa kanya at nag palaki. Ang akala ng lahat ay sya ang magiging kabiyak ni Pia dahil sa namuo nilang relasyon hanggang sa malaman nyang buhay pa ang kanyang mga magulang at nalaman nyang sya ay  may dugo ng mga Julbano. Pinili nyang bumalik sa kung saan sya nararapat,  Samantala. Sa isang sulok ng palasyo tahimik na naka masid ang pares ng mga pulang mata. Naka masid sa naging oag uusap ni Zandro at ni Pia. Alas dos ng hapon ay lumabas si Kristell ng kwarto at nag lakad lakad sa mga pasilyo ng mga kwarto. Habang nag lalakad ay nakasalubong nya si Pia.   "Kristell.  Naka ngisi itong lumapit agad sa kanya. " Princes Pia, baket nag mamadali ka yata.     Tanong nya.   Nakita nya sang napakaraming susi na hawak nito na may pulang tali. "ah. Pupuntahan san kita, buti at na kita kita rito.  -ibibigay ko lang ito sayo. Saka inabot ang bungkos ng mga susi. "para san to?      Maang nyang tanong. Nag simula silang lumakad ng mag kasabay. "Tingin konikaw na ang dapat na humawak ng mga susi na yan. - susi yan ng bawat kwarto sa palasyo at yung iba ay para sa mga baul ng mga importanteng bagay. - wag kang mag alala, andyan naman si Lily para gabayan ka.       Sabi nito  " ha? Pero ang dami nito, Bakit hindi nalang ikaw ang mag turo sakin kung para saan ang mga susi?     Naka ngisi nyang sabi. Bahagyang nabura ang ngiti sa labi ni Pia at tumungin sa kanya. "ah tingin ko kulang ang katahating araw para i turo sayo ang mga kwarto.     Pilit ang mga ngiti nito sa kanya. "sa bagay. Hapon naman na baka nga abutin tayo ng gabi kung ngayon natin gagawin.. -bukas nalang! Sabi ni Kristell. Napahinto sa pag lakad si Kristell. "pero- wala ng bukas para sakin. Nangilid ang mga luha nya at sunod sunod na pumatak  NapahintO sa pag lakad si Kristell at napatingin si Pia na agad namang nag punas ng mga mga. "may probkema ba Pia? Mahina nyang tanong. Nag punas si Pia ng luha pero nakita parin ni Kristell ang pamumula ng mga mgata nya. "ha? Wala. Natutuwa lang ako dahil narito kana,  Bumalik sa pag lakad si Pia. "siguradong magiging masaya ang bawat araw ni Kuya sa mga darating pang araw. Makahulugang sabi nito.  " Kristell halika. Samahan moko sa aking silid. Napasunod si Kristell kay Pia na noon ay tila excited na maka balik sa kwarto. "wow. Ang ganda.    Mahinang sambit ni Kristell ng makapasok sila sa kawrto. Malaki ang kwartong iyon at napaka raming puting kurtina. Lahat ay nasa ayos, may malaking bintana rin na nakabukas kaya pumapasok ang sariwang hangin sa kwarto. Naupo si Pia sa malambot na kama at pinapanood lang si Kristell na noon ay mangha sa mga nakikita, lumakad ito palapit sa isang pader ng kwarto kung saan nakasabit ang mga painting. "sila ba ang mga magulang nyo?   Mahina nyang tanong. "oo. Bata pako nung namatay sila  -kung di dahil sa nga painting nayan baka diko narin maalala ang mga mukha nila. Napa buntong hininga si Kristell habang nakatingin sa mga painting. Oo nga at may idad na ang hari pero hindi mapag kakailang dito namana ni Haris ang kakisigan nya at ang kagwapuhan nya. At di nakapag tatakang napaka ganda ni Pia dahil mala diosa rin ang ganda ng dating reyna. Gumala ang mga mata nya sa kabuuan ng ng kawarto ni Pia. Hangang sa mahagip nya ang isang puting Bistida na naka latag sa kama. Napa iling sya. Agad na bumalik sa isip nya ang masamang panaginip nya kagabi. Kulay puting dress ang suoot ni Pia at pulang sapatos. Naroon iyon sa sahig. Marahil iyon ang isusuot nya mamayang gabi. "may problema ba?   Napabalin sya ng tingin kay Pia. "h-ha? Wala naman.     Sabi nya. "ang ganda diba? - ipinahanda ko yan sa aking taga silbi. "Meron bang okasyon?     Agad na tanong ni Kristell. " wala naman. Gusto ko lang na palaging maganda ang suot. Ko. - alam mo kase, ang babae nilikha para maging maganada!        Sabi nito na pilyang naka ngiti saka humagikgik  "ah- oo nga naman.    Sabi nalang ni Kristell  Marami rin silang napag kwentuhan ni Pia habang naroon sya sa kwarto nito. Nang pabalik nasya sa kwarto nila ni Haris.  Hindi parin nya maalis sa isip nya ang naging oanaginip nya kagabi. Nag simulang lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Takot ang nararamdaman nya sa mga sandaling iyon. Pag pasok nya sa kwarto, nakita nya roon si Haris na nakaupo sa kama. Dapat siguro sabihin ko sa kanya. Pero pano? Baka naman hindi sya maniwala sakin. Bahala na. " ahmp- meron akong sasabihin sayo.       Nag aalangan nyang sabi.  Sumandal sa head board ng kama at Napa pikit si Haris.  "ano yun?      Mahinahon ang tinig nito pero nanatiling naka pikit. "tingin ko, may hindi magandang mangyayari kay Princes Pia ngayong gabi. Agad na napamulat si Haris. "anong sinasbai mo?    Tanong ni Haris. " naalala mo yung oanaginip ko kagabi? -napanaginipanbkong may sumasakal sa kanya.  Parang totoo. Mag kasunod na sabi ni Kristell. "tapis kanina nakita ko sa kwarto nya yung parehong damit na suot nya sa panaginip ko. - hindi akonpwedeng mag kamali. Pano kung mangyayari yun ngayong gabi? Pano kung- "tumigil ka!      Dina naituloy ni Kristell ang mga sasabihin nya ng biglang mag salita si Haris na galit ang tono. Nakita nya ang pag buntong hininga nito bago Umayos ng upo sa kama. "hindi panaginip yun. -yun ay parte ng mga dati mong ala ala. Seryoso nitong sabi.  "a-ano? Dati kong ala ala? - p-pero kung ala ala ko yun baket ako kinakabahan ng ganito? - pakiramdam ko mangyayari palang yun. Naguguluhang tanong ni Kristell. " Dahil na uulit ang mga nagyari sa nakaraan!      Natahimik si Kristell na bulyaw ni Haris. "nauulit yun at wala tayong magagawa para pigilan yun.      Namumula ang mga mata ni Haris na tila may nag babadyang mga luha pero pinipigilan yun. Lumapit si Kristel sa kanya at naupo sa tabi nya sa kama.  "ano bang sinasabi mo? - baket? Mauulit? Panong mauulit ang mga bagay na nangyari na noon?       NapayuKo si Haris na noon ay hindi na napigilang kumawala ang mga butil ng luha sa mga mata. "kung ganon si Pia.      Mahinang sambit ni Kristell. Panaginip ko lang ito kagabi, pero base sa mga sinabi ni Haris mukhang totoong mangyayari nga ito ngayon, Ngayong gabi. Alas siyete ng gabi pag dating namin sa hapag para kumain ng hapunan, nadatnan namin si Dave, Pia, si Zandro ay naroon din at ang dalawa nitong kasama. "magandang gabi.    Bati ni Pia na para bang walang kahit na anong inaalala. Saglit na napa hinto si Kristell at tumingin kay Pia. Kung nangyari na ito noon, malamang na alam ni Pia ang mangyayari sa kanya ngayong gabi. Pero baket parang hindi sya natatakot? Maliban kay Dave na kaninang umaga pa mababakasan ng pagkabalisa, ang lahat ay normal lang na kumakain kasama ang babaeng maya maya lang ay papaslangin ng kung sino. Naupo si Krisell sa tabi ni Haris. "magandang gabi Princes!    Nakangising bati ni Zandro kay Kristell na kauupo lang. Ngumiti at tumango lang si Kristell bilang tugon dahil ang isip nya ay si Pia ang inaalala. Nasa kalagitnaan ng pagkain ang lahat tahimikbat walang nag sasalita. Gumala ang mga mata ni Kristell sa mga taong kasama nya roon sa hapag. "sino?  -sino sa kanila? Puno ng pag aalala ang isip nya ng sandaling iyon kaya halos hindi nya magalaw ang pagkaing nasa harapan nya. "may problema ba Kristell? Tila nagising ang diwa nya ng mag salita si Pia. "ha?  Ah wala naman, hindi lang talaga ako gutom.      Pag dadahilan nya. "ah. May oras kaba mamaya? Pagkatapos nitong hapunan?      Agad nyang tanong  "uhm. Meron. Baket ?    Maang na sabi ng prinsesa sa kanya. "ah. Kase meron akong gustong puntahang kwarto,  -mag papasama sana ako sayo kung ayos lang sayo?  Sabi nya. Napatingin si Haris sa kanya.   "O sige.     Sagot ni Pia.     Pilit na ngumiti si Kristell sa naging sagot ni Pia. Saka sya napatingin sa suot nitong bistida. Tulad ng inaasahan sinuot nga nito ang damit na kanina ay naroon sa kama nya. Matapos ang hapunan ay agad na umalis ng mag kasama si Kristell at Pia.   " ah pwede ba tayong dumaan sa kwarto namin?  -mag paoalit lang ako ng damit. Natapunan kase ng pagkain kanina. Napa tingin si Pia sa suot nyang dress at nakita nga dito ang mantsa ng pagkain. "sige.     Maiksing sagot ni Pia. Kaya nag tungo nga sila sa kwarto nila Kristell at Haris,  "ayan malinis na ulit.    Naka ngising sabi ni Kristell suot ang bagong puting bistida. Napangiti lang si Pia. "ah- teka, nawawala yung Suot kong hikaw. Sabi ni Krisell saka hinanap iyon sa mga sulok ng kwarto. " naku. Siguro naiwala ko sa mesa kanina,  -Princes hintayin mo lang ako rito ha, hahanapin ko lang saglit babalik agad ako. "ha? Pero Kristell- teka-       Naputol na ang mga sasabihin ni Pia dahil nag mamadali ng lumabas ng pinto si Kritsell. Nang makalabas ng pinto ay agad na ni lock iyon ni Kritsell. Napa buntong hininga sya bago patakbong nilandas ang madilim at mahabang pasilyo ng palasyo.sa tahimik na gabing iyon maririnig ang bawat pag bagsak ng takong ng kanyang sapatos sa sahig habang sya ay tumatakbo. Natatakot ako pero wala ng ibang paraan. Sa isip nya habang tumatakbo. Mula sa kabilang bahagik ng pasilyo nakita ni Haris na tumatakbo si Kristell,  Napasunod sya roon ng tingin. Anong nangyayari?     Yun lang ang nasambit nya sa kanyang isip hanggang sa tuluyang mag laho sa paningin nya si Kristell. Halos mag habol ng pag hinga si Kristell habang tumatakbo. Hindi nya alam kung saan sya tutungo pero nag patuloy lang sya habang tinatahak ang madilim na bahagi ng palasyo. Hangang sa bigla nalang may kamay na humatak sa kanya sa madilim na lugar na iyon. "ahh!   Sambit nya ng iwasiwas sya nito at tumilapon sa sahig. Tumama ang likuran nya sa pader at halos mawalan sya ng malay dahil dun. "ang sakit. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Halos di nasya makagalaw sa pag kakahiga nya sa sahig habang palapit ang taong may gawa sa kanya noon. "Kamusta kana Prinsesa? - masakit ba?  Naku kawawa ka naman, baket hindi mo tawagin ang kapatid mo at humingi ka ng tulong sa kanya? Pasensya kana, napag utusan lang ako,   walang personalan ha? Tila nang aasar Ang tinig na iyon. Nakakasulasok, at walang pag aalin langan, walang bahid ng kahit kaonting awa. Marahil inakala nito na si Pia sya. Takot ang bumalot sa buong pagkatao ni Krisell, hindi nya magawang makasigaw manlang. Sinubukan nyang gumapang palayo pero hinawakan nito ang paa nya at kinaladkad sya saka muling iwinasiwas at tumilapon syang muli sa sahig. "ahh...impit ang tinig na lumalabas sa kanyang bibig.  Agad syang nahawakan ng taong iyon sa leeg at naitaas sa ere ng walang kahirap hirap. Nag pupumiglas sya ay sinusubukang manlaban. "Pia.? Anong ginagawa mo rito?    Agad na tanong ni Haris ng mabungaran sa kanilang silid si Pia. " Ha? Inaantay ko si Kristell. Sabi nya may-       Natigilan si Pia, noon ay na realize nua kung baket sya dinala ni Pia sa silid na iyon. Agad nyang tinungo ang  pinto para sana lumabas pero naka lock iyon sa labas. "Kuya.  Nag aalala syang napa tingin kay Haris. "ako ng bahala, dito kalang.    Sabi ni Haris saka nag laho sa hangin. Sa isang iglap ay nasa labas na ng kwarto ni Dave si Haris. "anong nangyayari?    Tanong ni Dave na noon ay pabalik palang ng kwarto. "si Pia puntahan mo sya naroon sya sa kwarto namin ni Kristell. Sabi nya kasa agad nag laho sa kinatatayuan nito. Mula sa di kalayuan ay naroon at naka tanaw si Zandro na nag tataka at naka kunot ang noo. Samantala halos mamutla na si Kristell  habang habak hawak parin sya sa leeg ng tapng hindi nya makita ang mukha. "ganyan nga Prinsesa,  Mag pumiglas ka, Hahhahah manlaban ka hangang sa huling hininga mo. Sabi ng lalaki at humalakhak pa ng pag kalas lakas  "ahhhh, H-ha       Gusto nyang tawagin si Haris pero hindi na nya kaya hindin nasya maka hinga. "Haris!!  Sa isip nya ay nagawa nyang tawagin ang pangalan ng kanyang Prinsepe bago sya tuluyang naubusan ng hininga. Wala nasyang buhay ng bitawan sya ng lalaki at bumagsak sa sahig. Yun ang eksenang na abutan ni Haris. Kitang kita ng dalawa nyang mga mata ang pag bagsak ni Krisell sa sahig. "K-kristell.     Halos pabulong nyang sambit. Tumikom ang mga kamao nya sa galit. " mamamatay.      Mariin nyang sabi. "papatayin kita!!!!   Halos dumagundong ang buong palasyo sa sigaw na iyon ni Haris kasabay ang malakas na kidlat sa kalangitan. Patakbo nyang sinugod ang lalaking nakatayo sa tabi ng kanyang walang buhay na prinsesa. Ang kanina nyang nakatikom na kamao ay biglang nagkaroonnng hawak na espada. At hinagis nya iyon sa ere, sinambot at binato na parang sibat sa taong nasa di kalayuan. Tumagos sa dibdib ng lalaki ang espada nya, at napaluhod ito.  Nag kalat ang dugo nito sa sahig. Nang makalapit si Haris hinawakan nya ang kanyang espada na noon ay nakatusokbsa dibdib ng lalaki saka iyon ibinaon pa ng husto  bago hatakin at kasabay ng pag sipa nito sa katawan ng lalaki. Bumagsak sa sahig ang lalaki na wala ng buhay pero naka mulat ang mga mata. Napaluhod si Haris sa harap ni Krisell. Nanlumo sya sa sinapit nito. Samantala nanatili sa silid nila Haris at Kristell si Pia at Dave. Ayaw tumigil ng mga luha ni Pia sa sobrang pag aalala. Nabalit ng takot ang pagkatao nya lalo na ng marinig ang Kidlat sa kalangitan kanina lang.  Isa iyong hudyat ng lubos na galit ng kapatid nya, kaya alam nyang may nangyaring hindi maganda. Maya maya pa ay lumitaw sa harapan nila si Haris karga ang Prinse nito na walang malay. Agad na lumapit si Pia para tulungan si Haris, at lumabas naman agad si Dave para tumawag ng Manggagamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD