Magdamag nakabantay si Haris sa gilid ng kama. Inaabangan ang pag gising ni Kristell, ang sabi ng Doctor ay malayo na sa piligro ang buhay ni Kristell sapat na pahinga nalang at magiging maayos na sya.
Halos lumioas ang mag hapon, alas kwatro na ng hapon ng gumising si Kristell.
Isang malalim na pag hinga ang hinugot nya na para bang galing sa pag kalunod.
Agad na lumapit si Haris sa kinahihigaan ni Kristell.
Bakas ang pag kakasakal sa kanyang leeg at ang labi nya na nasugatan.
Hindi agad na nakapag salita si Kristell dama nya parin ang sakit sa kanyang likuran at sa hita nya
"Kristell! Kamusta nag pakiramdam mo?
-nakikilala mo ba ako?
Magkasunod na tanong ni Haris na nakahawak sa mga kamay nito.
Tumango lang si Kristell.
Sinubukan nyang bumangon pero hindi oa kaya ng katawan nya kaya inalalayan sya ni Haris na maka upo ng maayos.
"nagugutom kaba?
-gusto mo ng maiinom?
Magkasunod muling tanong ni Haris. Pilit na ngumiti si Kristelk at bahagyang tumango.
Agad na kinuha ni Haris ang basong may tubig sa mesa na naroon at tinulungan nyang maka inom si Kristell.
Matapis uminom ay muling humiga sa kama si Kristell.
Umupo si Haris sa gikid ng kama. Hawak oarin nya ang kamay ni Kristell.
"baket mo ginawa yun?
- pinag alala moko ng sobra!
Seryoso ang tinig ni Haris.
"s-si Pia?
Mahinang sambit ni Kristell.
"maayos sya at walang ngyaring masama sa kanya, salamat sayo!
-pero hindi mo dapat yun ginawa pano kung higit pa dyan ang nangyari sayo?
"Pasensya na. Hindi ko lang talaga kayang mag bulag bulagan lalo na kung alam kong may mapapahamak.
Mahina nyang sagot kay Haris.
kahit sya hindi nya lubos akalaing magagawa nya ang ganoong bagay. Pano nya nagawang ipahamak ang sarili para sa iba.
Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nun sin Pia at Dave. napatakbo pa si Pia papunta sa kinahihigaan ni Kristell ng makitang nag ka malay na ito.
walang salita na lumabas sa bibig ng prinsesa sahalip ay sunod sunod na agos ng luha ang nakita sa mga mata nito habang hawak ang kamay ni Kristell.
Napuno ng malalakas na pag hagulgol ni Pia ang buong silid.
Maging si Kristell ay nangilid ang mga luha ng sandaling iyon.
Samantala...
Matapos ang pangyayaring iyon kagabi nag pasya ng umalis sila Zandro at bumalik sa kanilang Kaharian.
Kung kahapon ay tatlo silang mag kakasama ngayon ay babalik sila na dalawa na lamang.
Tila nag uunahan sa pag takbo ang dalawang kabayo na sinasakyan nila.
Pag dating sa Julban ay nag mamadaling pumasok sa palasyo si Zandro bitbit ang napaka dala ang napakabigat na damdamin sa kanyang dibdib.
Bitbit nya ang isang espada ng isa sa kasama nyang kawal kahapon.
Ihinagis nya ang espadang iyon sa Harap ni Haring Dyzo na noon ay naka upo sa kanyangvtrononat may hawak na kopita ng alak habang may tatlong mga babaeng nasa tabi nito.
"Nakabalik kana pala General!
nakangising sabi nito sa kanya.
Napayuko sya at nag tikom ng mga kamao.
"Magaling ang trabahong ginawa nyo.
-wag kang mag alala mag papahanda ako ng kasiyan para naman maibsan ang pagod nyo.
sabi pa nito saka lumagok ng alak sa hawak na kopita.
"Nanga ko kayo kayo saken!
-baket hindi kayo tumupad!?
Bulyaw nya.
Napa ayos ng upo sa trono ang Hari sa ginawang pag sigaw ni Zandro.
"Ginawa ko lahat ng gusto nyong ipagawa
-kaya baket nyo yun nagawa!?
Dagdag panya
Nung una palang alam ko nang hindi mapag kakatiwalaan ang Haring ito,
Ginamit nya ang mga magulang ko bilang panakot para mapasunod ako sa kanya.
Bilang kapalit ngako syang hindi nya gagalawin ang babaeng pinaka mamahal ko.
Pero hindin sya tumupad sa ipinangako nya.
"ano bang ikinagagalit mo dyan?
-baket namatay ba? namatay ba sya ha?
tila nang aasar nitong sabi.
tumayo ito at lumapit sa kanya.
Ipinatong nito ang kamay nito sa batok nya at tinapik tapik iyon.
"maswerte parin ang Prinsesa mo dahil hindi sya namatay kagabi.
Mahina at tila pabulong na sabi ng Hari.
"Ano bang gusto mo!!!?
bulyaw ni Zandro na namumula ang mga mata.
Ilang hakbang palayo ang ginawa ng hari.
"Gusto kong gawin mo ang matagal ko nang ipinapagawa sayo.
-Tapusin mo si Haris at ang iba pa,
mapupunta sakin ang kahariang yun at mapupunta naman sayo ang Prinsesa mo.
-hindi ba napaka gandang alok!
Sabi nito na may panlilisik ang mga mata. Saka bumalik sa trono.
Pano nya magagawang patayin si Haris na minsan nyang itinuring na kapatid.
Walang kahit na anong salita ang lumabas sa kanyang bibig hangang sa nag pasya siyang umalis sa harap ng Haring kanyang pinag sisilbihan. Ihinatid lang ng paningin ng hari ang Paalis na nyang heneral.
Maya maya pa ay lumapit ang isa kanang kamay ng Hari.
"Gawin nyo na.
seryoso at mariing sabi ng hari, at agad umalis ang lalaki.
Pag pasok ni Haris sa isang silid sa Palasyo nabu ngaran nya si Dave.
ang Silid na iyon ay puno ng mga lumang aklat,
halos matakpan na ng mga naka hilerang libro ang buong pader ng silid.
"Nakabuti ba ang mga nangyaring pag babago?
makahulugang tanong ni Dave na noon ay nakatayo sa isang sulok at nakasandal sa pader.
Dumeretso at naupo si Haris sa isang upuan
bago sumagot.
Naka kunot ang noo nito at salubong ang makakapal na kilay.
"Hindi ko rin alam.
-sa ngayon hayaan nalang muna natin.
sagot nya kay Dave.
Ngayon na nay nabago sa pangyayari malamang na may malaking ipekto ito sa mga susunod.
Ganon paman hindi maipagkakailang masaya silang pareho sa nangyari dahil hanggang sa mga oras na iyon ay makakasama parin nila si Pia.
"satingin mo pwede kayang baguhin ang mga nakatakda na?
- kung laging babaguhin ni Kristell ang mga pangyayari-
"Hindi yun pwede!
agad na sabad ni Haris dahilan para maputol ang sinasabi ni Dave.
"Hindi nya pwedeng baguhin ang lahat.
-hindi pa natin alam kung anong nagiging epekto nito sating lahat.
paliwanag ni Haris.
Maya maya pa ay narinig nya ang malakas na kulog at kidlat.
Natakpan ng maitim at makapal na ulap ang maliwanag na kalangitan.
Napa lingon si Pia sa binta nang naroon sa kwarto nila Kristell.
Lumakad sya palapit sa bintana at tinanaw ang Paligid ng Palasyo na noon ay nag dilim dahil sa malakas na ulan.
" Pero hindi pa dapat umuulan ngayon.
mahina nyang bulong sa sarili.
"ano yun?
-may sinasabi ka?
Tanong ni Kristell na noon ay naka upo sa kama.
"ha? a- wala!
sagot ng prinsesa.
Base sa pag kaka alala ko sa nakaraan, isang beses lang umulan ng mga panahong iyon.
Sa isip ni Pia.
Napa awang ang labi nya na tila natakot sa isiping iyon.
"Kristell, aalis na muna ako may kaylangan lang akong sabihin kay Haris.
Nag mamadali itong lumabas ng pinto.
Nag tataka man ay hindi na nakapag tanong pa si Kristell dahil mabilis na nakalabas ng pinto si Pia.
Humihingal si Pia ng maratingbang silid na kina roroonan ni Haris at Dave.
"Kuya!
Napatingin si Dave sa kanya pero si Haris nanatiling nakaranaw sa bintanang nasa kwartong iyon.
Nang mga sandaling iyon may apat na lalaki ang lihim na nakapasok sa tarangkahan ng palasyo.
Sa utos ng Hari ng mga Julbano na si Dyzo nag punta ang mga ito para simulan ang trabaho na si Zandro ang dapat na matagal ng gumawa.
Ilan sa mga tagapag bantay sa palasyo ang naka handusay na sa daan at wala ng buhay.
Ilang hakbang nalang at mararating na nila ang b****a papasok sa palasyo pero biglang lumabas roon si Dave.
Suot ang damit pandigma nya bilang isang Heneral sa palasyong iyon.
"Matagal tagal nadin.
namiss ko ang espadalang to!
Sa isip ni Dave ng mga oras na iyo habang nakapasan sa balikat ang kanyang espada.
Hindin sya kagaya ni Haris na may ilang kakayahan pero, wala pang sinong nakalagpas ng kaaway sa kanya.
Sinisiguro nya na ang mga kaaway na mag tatangaka ng masama sa kahariang iyon ay hindi na makakalabas pa ng buhay.
Pero hindi rin kung sino lang ang apat na lalaking ipinadala ng hari ng mga Julbano.
Mga naka itim ang mga ito at naliligo sa malakas na patak ng ulan.
Walang salita na lumabas sa bibig ni Dave.
patakbo nyang sinugod ang mga ito at hinanda ang kanyang espada.
Matapos ang ilang sandaling engkwentro
dalawa na sa mga Julbano ang naka handusay sa putikan.
Napatayo si Haris sa kinauupuan ng tila may marinig sya mula sa labas ng palasyo.
Ipinaubaya na nya kay Dave ang pag harap mga kaaway dahil alam nyang kaya ito ni Dave ng walang tulong nya.
Pero higit pa sa inaakala nila ang dami ng mga paparating pang kawal mula sa Julban.
Nasa malayo pa ay rinig na ni Haris ang ingay na ginagawa ng mga nag uunahang kabayo.
"isang daan? - dalawa?
-hinidi sobrang dami nila.
Nag aalala nyang bulong.
Agad syang nag laho sa hangin at nag tungo sa swilid nila ni Kristell.
Naroon din si Pia na mababakasan ng takot.
"anong problema?
tanong agad ni Kristell ng makita si Haris.
"Kristell makaka tayo kaba?
tanong nya habang inaalalayang tumayo si Kristell.
Lumapit agad si Pia.
"anong nangyayari?
- nasan na si Dave?
nag aalala nitong tanong. Bumalin ng tingin si Haris sa kanyang kapatid.
"ayos lang sya. wag kang mag alala.
agad na sagot ni Haris.
Tinungo ni Haris Haris ang Paparador na nasa silid na iyon at kinuha duon ang pulang tela at ibinalot iyon kay Kristell.
"anong nangyayari?
mahina at nag aalalang tanong muli ni Kristell.
"Pia. makinig ka, nakapasok na nag ilan sa mga Julbano dito sa palasyo.
-kaylangan kong tulungan si Dave.
Nag mamadali nyang sabi. saka binuhat si Kristell at hinawakan sa braso si Pia.
Sa isang iglap ay nag laho silang tatlo sa hangin.
Pag kurap ay nasa Likod na bahadgi sila ng palasyo, Naroon ang dalawang kaya na ginamit nila ni Kristell nung nakaraan.
Sinakay nya si Kristell sa Kulay puting kabayo at inalalayan namang makasakay ang kanyang kapatid.
"kuya. ..
naluluhang sambit ni Pia na tila labag sa loob ang gagawing pag alis sa palasyo.
Malamlam ang mga mata na tiningnan lang sya ni Haris.
Bumalin ng tingin si Haris kay Kristell na may nakatakip na Pulang tela sa ulo.
Marahil ibinalot iyon ni Haris sa kanya dahil malakas parin ang ulan.
"Magiging maayos anglahat.
tila pabulong na sabi ni Haris habang pinipisil ang kamay ng kanyang prinsesa.
Saka hinampas ng latigo ang kabayong sinasakyan nito.
"Ikaw ng bahala sa kanya.
pahabol na sabi ni Haris kay Pia bago pa makalayo ang mga kabayong sinasakyan ng dalawa.
Hindi sapat ang mga kawal na meron sila sa palasyo.
kaya wala syang ibang maisip na paraan para ma protektahan ang dalawang prinsesa.
Mabilis ang pag takbo ng mga kabayo papasok sa Madilim na kagubatan.Habang patuloy ang pag buhos ng malakas na ulan at ilang mga pag kulog.
Nauuna ang si Kristell at nasa likuran nya si Pia.
Maya maya pa ay may mga nakasunod na sa kanila.
Pareho silang takot at walang balak na pahintuin ang ang kabayong sinasakyan nila.
Biglang may dumaang palaso gikid ng paningin ni Pia.
Nilagpasan sya ng palasong iyon at dumeretso sa direksyon ni Kristell.
" Kristell!!!
sigaw nya. Pero huli na, Bumaon sa hita ng kabayong sinasakyan ni Kristell ang oalasong iyon dahilan para matumba at kabayo at nalalaglag si Kristell.
agad ding nakatayo angbkabayo at nag tatakbobito palayo.
Halos hindi makagalaw si Kristell. Hindi pa man syablubusang gumagaling sa mga natamong sugat kagabi, heto nanaman ang tinamo nya.
"Krisell!
sigaw ni Pia na paparating sa direksyon nya.
Inilahad nito ang kanyang palad para makuha si Krisell pero masyadong Mabilis ang takbo ng kabayo nito at hindi makagalaw si Krisell kaya nalagpasan lang sya ni Pia.
"hindi ..
mahina nyang sambit.
nakita nyang gusto syang tulungan ni Pia pero huli na ng maka kilos sya at maitaas ang kanyang kamay.
Nagawang oatigilin ni Pia ang kabayo at humarap sa direksyon nibKristell pero maaabutan na sila ng ng mga Julbano.
"Wag na!
-umalis ka! Alis na!!!
sigaw ni Kristell.
ayaw nyang mabaliwala ang oag liligtas nya kay Pia, kaya mas mabuting wag na syang balikan nito.
Sunod sunod na tumulo ang luha ni Pia, dahil wala syang magawa.
agad nyang pinatakbo ang kabayong sinasakyan, hangang sa hindi nasya matanaw ni Kristell dahil sa dilim ng paligid.
Nang mawala na nang tuluyan sa paningin ni Kristell si Pia ay sya namang narating ng mga Julbano na naka itim na kasuotan ang kinaroroonan nya.
Agad na bumaba sa sinasakyang kabayo ang isa sa tatlong lalaki at tinutukan ng espada sa leeg si Kristell.
Napatingala nalang sya ng maramdaman ang matalas na espada sa kanyang leeg.
"Katapusan kona talaga ngayon.
-wala rito si Haris.
Sa isip ni Kristell ng mga oras na iyon.
Tila na ubos na ang mga luha sa kanyang mga mata at wala na itong mailalabas pa kahit na sya ay di maka galaw sa sobrang takot na nararamdaman nya.
Pero kahit na ganoon ang kinahantungan nya,
Wala syang pinag sisisihan dahil alam nyang may nagawa syang makabubuti sa iba.
Ipinikit nya ang kanyang mga mata para ihanda ang sarili sa katapusan nya.
Pero ng mga oras na iyon meron parating na isang lalaki lulan ng isang kabayo.
Maririnig sa di kalayuan ang ingay na ginagawa ng bawat yabag ng kabayong iyon.
Hangang sa marinig ni Kristell na tila may nag papalitan ng hampas ng espada sa kanyang paligid, pero nanatili syang naka pikit dahil ayaw na nyang madagdagan pa ang takot na nararamdaman nya ng mga oras nayun.
Napamulat nalang sya ng marinig na nag salita nag lalaking may hawak sa espadang kanina lang ay naka tutok sa kanyang leeg.
"Pakialamero ka-
Akmang i aangat nito ang espada para labanan ang taong tumapos sa dala nitong kasama na ngayon ay naka handusay na sa pakigid.
Pero mabilis ang misteryosong lalaki agad nitong naiwasiwas ang espada nya na humiwa sa dibdib ng lalaking naka itim.
Kasabay ng pag bagsak ng Julbanong naka itim ay timambad sa harapan ni Krisell ang isang lalaki na may hawak ng espada.
Bahagyang nakayuko ang ulo nito.
Nakaawang ang bibig ni Krisell dahil sa mga nangyayari walang kahit na anong lumabas na salita sa kanya.
Nakahandusay na sa paligid ang tatlong Julbanong kanina lang ay gusto syang saktan at patayin.
Napatingala sya sa latabgkad na lalaki na humakbang ng ilang hakbang palapit sa kanya.
Iniluhod nito ang isang tuhod sa harapan nya para makita ng maayos ang kanyang mukha.
" L-leonard?
Nang sandaling lumuhod ito sa harapan nya dun nya lang nakita ang mukha nito at agad na nakilala.
Malalam-lam ang mga mata nito na naka titig sa kanya.
Nakarating kat Leonard ang balita tungkol sa mga pangyayari sa palasyo nila Haris.
Hindi nya intensyon na makialam at tulungan si Haris sa mga suliranin nito pero may kung anong nag tulak sa kanya na mag masid sa di kalayuan at dun nya nga nakita ang mga Julbanong humahabol sa dalawang prinsesa.
Matapos iligtas si Krisell sa mga Julbano agad itong nawalan ng malay, nakita ni Leonard ang mga sugat nito sa katawan.
Agad nya itong binuhat at sinakay sa kanyang kabayo at dinala sa kaniyang kaharian.
Di hamak na mas ligtas ang lugar na iyon kaysa sa lugar ni Haris, yun ang nasa isip ni Leonard.
Matakalipas ang mag damag na iyon matagumpay na natalo nila Haris at Dave ang mga Julbanong nag tangka sa kanila.
Mapayapa na sa Palasyo ng nakabalik si Pikinaumagahan.
Nag madaling Ssumalubong si Dave at Haris kay Pia.
Napatanaw pa sa paligid si Haris ng hindi nya makita si Kristell saka nag balin ng tingin kay Pia.
Agad na nag baba ng tingin si Pia para maiwasan angbmga nag tatanong na tingin ng kanyang kapatid na prinsepe.
Tinulungan sya ni Dave na maka baba sa kabayong kanyang sinasakyan.
"Pia amnasan si Krisell?
Nag aalalang tanong ni Haris. Saglit na natahimik sin Pia dahil hindi nya alam kung pano sasabihin sa kuya nya na napilitan syang iwan si Krisell dahil sa takot sa mga Julbano.
"anong nangyari?
Sabad ni Dave na nag aalala narin ang tono.
Sunod sunod na tumulo ang luha ni Pia.
" Kuya, n-nag kahiwalay kami.
-m-may mga Julbanong naka habol samin at nalag lag si Pia sa kabayo nya -
-maniwala ka sinubukan ko syang tulungan kaya lang kase-
"Kaya lang natakot ka. Kaya iniwan mo nalang sya?
-tama ba?
Agad na pinutol ni Haris ang paliwanag ng kapatid dahil tila alam nanya ang susunod na sasabihin nito.
Humagulgol si Pia at nag takip ng mukha gamit ang dalawa nyang palad.
Nasuntok ni Haris ang pader na nasa harap nya sa sobrang galit. Saka muling hinrap ang kapatid
"Niligtas kanya nung ikaw ang nanga ngaylangan,
-pero ikaw! Nagawa mo syang iwan?
Mariing sabi ni Haris na matalim ang mga mata na nakatingin sa kapatid nyang patuloy na umiiyak.
Napayuko lang at walang imik si Dave. Alam nyang wala syang ibang magagawa kundi ang manahimik lalo pa't nag ngingit-ngit sa galit si Haris.
"Dave! Ipahanda mo ang kabayo ko,
-hahanapin ko si Kristell
Sabi nito Haris saka iniwan ang dalawa at pumasok na sa palasyo.
Hindi nya alam kung san sya mag uumipisa basta pinatakbo nalang nya ang kabayo.
"nasan kana Kristell?
Mahina nyang bulong habang lulan ng kumakarioas na kabayo.
Samantala... Sa palasyo ng Karbiena nakaupo si Leonard sa isang upuan sa tabi ng kama na kinahihigaan ni Kristell na hindi oa rin nagigising.
Ang sabi ng Doctor na tumingin sa kanya, maayos na sya at malayo na sa kapahamakan.
Sa ngayon inaantay nalang ni Leonard na mag mulat ng mga mata si Kristell.
Ialang saglit pa ay bumukas ang pinto ng silid na iyon at iniluwa ang kanyang Ina na si Queen Joceline.
Mababakas ang pag aalala sa mukha ng maidad na reyna pero hindi iyon pag aalala para kay Kristell kung pag aalala para sa kanyang anak na si Leonard.
Tiyak na malaking gulo kapag nalaman ni Haris na nasa poder nila ang Prinsesa nito.
"wala kabang balak na ipaalam kay Haris na narito ang asawa nya?
Kalmadong tanong nito sa anak na hindi manlang nag abalang tapunan sya ng tingin sa halip ay nanatili ang tingin nito sa babaeng mahimbing sa higaan.
"Hayaan na muna natin syang manatili dito hanggang sa bumuti ang kalagayan nya mama.
Sabi ng prinsepe na kinuha ang isang kamay ni Krisell at pinisil iyon.
Nakita ng Reyna ang labis na pag nanais ng kanyang anak na makasama ng mas matagal ang babae, gusto nya itong pagbigyan sa ninanais nitong mangyari kaya hindi na ito nag tagal at lumabas na ng silid.
"baket ko sya isasauli sa taong hindi naman sya kayang protektahan?
Sa isip ni Leonard nung tuluyang makalabas ang kanyang inang reyna.
Maya maya pa ay nag mulat ng mga mata si Krisell. Ramdam parin nya ang pamamaga ng ilang parte ng kanyang katawan pero pinilit nyang mag mulat ng mga mata.
"K-krisell!
Agad na sabi ni Leonard na noon ay nakahawak sa kamay ni Krisell.
"si Prinsepe Leonard?
- pero baket sya ?-
Naguguluhang tanong nya sa kanyang isip ng mamulatan si Leonard at hindi ang kanyang asawa na si Haris.
Pinilit nyang makaupo at inalalayan sya ng prinsepe.
Gumaka ang paningin nya sa paligid.
"nasan ako?
Mahina nyang tanong ng makita na wala sya sa silid nila nu Haris.
" Krisell, hindi moba naaalala ang mga nangyari?
Tanong ng lalaki.
Nasapo Ni Krisell ang kanyang ilo at inalaka ang mga oangyayari.
"ang huli kong naaalala ay may humahabol samin ni Pia.
Paliwanag nya.
"si Princes Pia?
-pero wala sya dun nung makita kita kagabi.
Maang na tanong ni Leonard