Napatingin si Kristell sa kanyang kamay na noon ay hawak parin ng prinsepe.
"ah. Pasensya kana
Sabi nito saka agad na binitawan ang kamay nya.
Tumayo ang lalaki at lumakad palayo sa kama.
"pano ko ipapa alam kay Haris na narito ako?
Maang na tanong ni Kristell
Napatinginnsa kanya si Leonard na tila nag isip muna bago sumagot.
"ah- wag kang mag alala alam naman nya na narito ka.
- ang sabi nya pansamantala dito kanmuna para makapag pahinga ka,
-sa ngayon kase delikado pa para sayo ang bumalik dun.
Paliwanag ni Leonard.
Napatango nalang si Kristell.
"siguroh galit sya sakin dahil ako naman kase ang dahilan ng mga nangyaring kaguluhan,
Naiintindihan kO kung hindi nya ako gustong makita.
Sa isip ni Kristell ng mga sandaling iyon.
"Nagugutom kana siguro?
-ditoh kana muna, ikukuha kita ng makakain.
Naka ngiting sabi ng prinsepe.
"s-salamat.
Napa lingon sa kanya ang lalaki bago pa makalabas ng pinto.
"kung hindi dahil sayo baka wala nako ngayon, maraming salamat.
Dagdag panya sak pilit na ngumiti.
Isang bahagyang pag ngiti lang ng labinang nakita nyang naging reaksyon ng prinsepe bago ito tuluyang lumabas ng pinto.
Napasandal si Leonard sa pinto kung saan sya lumabas.
"masisisi moba ko? Kung gustuhin kong makasama ka ?
-kahit sandali lang?
-kahit ngayon lang Kristell.
Sa isip nya. Alam nyang hindibmag tatagal ay basta nalang susulpot si Haris para kunin ang prinsesa nito,
Pero sapat na sa kanya ang maiksing sandali na iyon.
Nag patuloy sya sa pag lakad palayo sa kwarto.
Samantala habang naka upo sa kama ay napatingin sa bintana sibKristell.
"nakaligtas kaya si Pia?
- sana walang nangyaring masama sa kanya.
Bulong nya.
"ano na kanyang nangyayari sa palasyo ngayon?
-si Haris? Kamusta kaya sya?
Magkasunod na mga tanong ang lumabas sa kanyang bibig ng sandaling iyon.
Makalipas ang ilang araw, tuluyan ng gumaling ang katawan ni Kristelk mula sa mga nangyari,
Bukod sa ilang mga pasa sa katawan tuluyan ng gumaling ang iba pa nyangbmga sugat at nagagawa nanyang makatayo at lumakad.
Kasalukuyan syang nakatanaw sa bintana ng bumukas ang pinto at iniluwa si Leonard.
Napa awang ang labi nya. Napaka kisig nito sabsuot na damit at napaka aliwalas ng mukha na laging naka ngiti sa kanya. Malayong nalayo sa awra nito nung gabing iniligtas sya nito, nakasuot ito ng baluting pang digma ng gabing iyon basa sa ulan.
"Gising kana?
- gusto mong lumabas?
Nakangiyi nitong tanong sa kanya.
Napatango nalang sya.
"tara? Sabi nito saka sumenyas sa kanya. Agad syang lumakad papunta sa direksyon nito malapit sa pinto.
"san tayo pupunta?
"ipapasyal kita, ilang araw kana ring nandito lang sa loob ng kwarto.
-namumutla kana.
Pilyo nitong sabi. Akmang hahakbang si Kristell ng humakbang ang lalaki palapit sa kanya kaya napa atras sya.
Humakbang ito ng dalawang hakbang hangagang sa halos magka dikit na ang katawan nila. Napa liyad si Kristell.
Ibinaba ng lalaki ang mukha nito sa kanya saka ngumit.
Hangang sa naramdaman nalang nya ang mga kamay nito sa maliit nyang beywang.
Hinila nitobang magkabilang laso ng suot nyang dress itinali iyon ng maayos.
"ayan. Ok na!
Nakangisi nitong sabi. Napa hugot ng malalim na pag hinga si Kristell, pakiramdam nya ay huminto sya sa paghinga ng lumapit ang prinsepe sa kanya.
"Tayo na?
Ngumisi ang lalaki sa naging reaksyon ni Kristell ng sandaling iyon. Sala nauna nang lumabas ng kwarto.
"grabe, ang dibdib ko bakiet ang lakas ng t***k sa dibdib ko?
Napahawak sya sa kanyang dibdib.
"woah!!! Ano kaba?
-umayos ka nga!
Mariin nyang sabi sa sarili habang tinatampal ang sariling mukha.
Nag lakad na sya at sumunod sa prinsepe palabas ng kwarto.
"wow!!
Mangahang sabi ni Kristell ng tumambad sa kanya ang magagandang bulak lak sa hardin na pinag dalan sa kanya ni Leonard.
"ang ganda naman!
Tuwang tuwa nyang sabi habang marahang hinahawakan ang mga naka bukadkad na mga bulak lak.
Bumungad ang mga magagandang bulaklak na naroon sa hardin.
lihim na naka ngiti at nag mamasid lang kay Kristell ang prinsepeng si Leonard.
Habang si Kristell naman ay aliw na aliw sa mga bulaklak. marahan nyang hinahawakan at hinihipo ang nga bulak lak na nakakakuha ng atensyon nya.
Lumakad si Leonard papunta sa isang puting bulak lak at pinitas iyon.
"Kristell wala kabang na aalala tungkol saken?
mahinang sabi nito. napabalin ng tingin sa kanya si Kristell.
"Anong - ano bang dapat kong maalala tungkol sayo?
-alam mo kase konte lang ang mga bumalik sa ala ala ko, at lahat ay tungkol kay Haris.
paliwanag ni Kristell
Lumakad palapit si Leonard sa kanya saka inabot ang Puting bulaklak sa kanya.
"hindi bale na. Hindi naman importante.
sabi ng prinsepe na naka ngiti pero may lungkot sa mga mata.
"may dapat ba kong ma alala?
-kahit pilitin kong ala kahanin ay wala talaga,
nakukita nya sa mga mata nito ang lungkot sa sagot na ibinigay nya.
"Leon!
mula sa kubg saan ay may babaeng biglang sumulpot.
naka lugay ang mahaba at itim nitong buhok at naka suot ng asul na dress na sumasayad ang laylayan sa maliliit na damo sa hardin na iyon.
lumakad ito palapit sa kanila.
"Bella.
sambit ni Leonard.
nang makalapit ay agad na pumulupot sa braso ng prinsepe ang mga kamay nito.
"sabi na! dito kita matatagpuan.
nakangising sabi nito. Saka nag balin ng tingin kay Kristell.
"sino ka naman?
tanong nito na may pag mamaldita ang tono.
"ah sya si Kristell.
mabilis na sagot ni Leonard
"ganon? prinsesa sya ni Haris. Beket nandito sya?
sabi pa ng babae.
"hayaan mona nga, tara na ako naman ang ipasyal mo!
sabi nito saka pilit na sinama si Leonard na napa lingon nalang kay Krisell na naiwan sa hardin.
"ano bayon?
-kahit pala nung unang oanahon e may mga ganoong klase na ng babae.
sa isip ni Kristell sa muling ibinalin sa mga bulak lak ang atensyon.
Mabilis na lumipas ang mag hapong iyon at muling nag kita si Leonard at Krisell sa mahabang lamesa para mag hapunan. Naroon din Si Queen Joceline at ang babaeng nag nga ngalang Bella.
Ikinwento ng reyna ang totoong dahilan ng pamamalagi ni Kristell sa kanilang kaharian.
"ganon po pala.
sabi ng babae bago bumalin ng tingin kay Kristell na noon ay kumakain.
"Kung ganon dapat pala pinag lalamayan kana ngayon kung hindi dunating si Leon.
sabi pa nito na may pag irap ang mga mata.
"ahem! Bella. baket nga pala nandito ka?
agaw oansin naman ni Leonard.
agad na ngumiti sa prinsepe ang babae.
"ako ang nag oa punta sa kanya rito.
napabalin ng tingin si Leonard sa kanyang inang reyna.
"Tutal naman naplano na ang kasal ninyong dalawa, satingin ko wala ng dahulan para patagalin pa natin iyon.
Napakunot ang noo ni Leonard sa naging paliwanag ng reyna.
"Bukas na bukas ay idadaos natin ang engagement ceremony ninyong dalawa.
dag dag pa nito.
padabog na ibinagsak ni Leonard ang mga kubyertos na kanyang hawak.
"May problema ba?
agad na tanong ng reyna pero nakataas ang mga kilay nito na tila nag papahiwatig ng kapangyarihan.
At alam ni Leonard na hindi nya kayang kontrahin ang kagustuhan nito.
Nag punas na ng bibig si Leonard bago tumayo.
"gawin nyo kung anong gusto nyo!
mariing sabi ng prinsepe bago tuluyang nilisan ang kugar na iyon.
Napa buntong hininga ang reyna sa naging asal ng prinsepe.
"pabayaan nyo napo.
- wala narin naman syang magagawa.
pilyang ngumiti si Bella.
Matapos ang hapunan bumalik na si Kristell sa silid kung saan sya tumutuloy.
Buong bigat nyang ibinagsak ang sarili sa Malambot na kama na naroon.
"sya pala ang mapapangasawa ni Leonard.
mahina nyang bulong habang naka titig sa kisame
"kamusta na kaya si Haris?
- nagkita na kaya sila ni Pia?
nag aalala nako, baket hangang bgayonwala pakong balita sa kanila?
Napabuntong hininga sya bago ipinikita ang mga mata.
ilang sandali lang ay naramdaman nyang gumalaw ang kama na hinihigaan nya kaya napa mulat sya at agad na napa upo sa kamang iyon ng makita kung sino ang nakaupo sa gilid ng kama.
"L-Leonard.
-a-ano bang? May kaylangan kaba?
nauutal nyang tanong.
tila may tumalong kung ano sa dibdib nya ng hawakan nito ang kamay nya.
"Kristell. hindi na importante kung maalala mo o Hindi.
-pwede naman tayong gumawa ng mga bagong alaala ng mag kasama.
mahina nitong sabi.
agad na binawi ni Kristell ang kamay nya.
Naguguluhan sya sa mga sinasabi nito, pero malinaw sa kanya na hindi daoat naroon ang prinsepe sa silid nya ng ganong oras.
Napayuko ang prinsepe ng bawiin ni Kristell ang kamay nya.
"mahal kita.
mahinang sabi nito. na noon ay nangilid ang mga luha.
"Prince Leonard,
mahinang sabi ni Kristell.
ngayon na uunawaan na nya kung bakit ganoon na lamang kabuti ang pakikitubgo nito sa kanya.
"Mahal kita, Mas nauna ako kay Haris na mahalin ka!
-pero baket sya lang ang naaalala mo?
may gumuhit na luha mula sa mga mata ng lalaki.
bumilis ang t***k ng puso ni Kristell.
"ano itong nararamdaman ko?
-baket ganito? ang sakit sa dibdib.
Muling kinuha nito ang kamay nya.
"hindi ako mag papakasal sa kanya.
-sumama ka nalang saken.
-aalis tayo sa panahong ito. lahat gagawin ko basta sabihin mo lang na sasama ka sakin.
sabi ng prinsepe na may pag susumamo sa mga mata.
tumulo ang luha ni Krisrell.
Dahil nararamdaman nya ang labis na kalungkutan ng prinsepe.
Wala syang naging sagot, at napa iling iling lang sya habang nakatitig sa mga prinsepe.
agad na lumapit ang mukha ng prinsepe sa kanya at nilapatan sya ng mainit na halik sa labi.
Tumututol ang isip nya pero ang katawan nya ayaw sumunod kahit pa alam nyang ito ay mali.
"baket?
-baket hindi pwedeng ako nalang?
tila pabulong na sabi ng prinsepe na noon ay umaagos ang luha mula sa mga mata.
Lumayo ang prinsepe at tumayo. Nakatalikod ito sa kanya.
"Hihintayin ko ang sagot mo bukas ng gabi bago ang engagement ceremony.
sabi nito saka lumabas ng silid.
Naiwang may bahid ng luha si Kristell.
Alam nya sa sarili na hindi tama ang mga nangyayari. Malinaw sa kanyang puso na si Haris na ang nag mamay ari nito pero baket may kirot syang nararamdaman para kay Leonard.
Kinabukasan maaga palang ay abala na nag mga taga sunod ng palasyo para mag handa sa magaganap na ceremony para kay Leonard at Bella.
Habang nag lalakad ay nakasalubong nya si Bella na nuon ay may dalawang utusan na kasama.
"Mauna nakayo sa aking silid!
mahina nitong utos sa dalawang babae na agad din namang sumunod.
Ngumiti si Kristell bilang pag bati.
May gustong sabihin si Bella kaya sinama sya nito sa isang silid.
ipinag salin pa sya nito ng tsa-a.
Gumala ang paningin ni Kristell sa kabuuan ng Silid na iyon.
May mga kagayan ng mga libro at may mga lumang painting na nakasabit sa pader at may puting kurtina na nililipad ng hangin sa may malaking bintana.
"Gusto kong humingi ng paumanhin sa inasal ko kahapon.
- hindi ko lang kase gustong nakikitang may ibang babaeng naka paligid kay Leon.
nakangising sabi ni Bell.
"ha? a- yun ba?
-wala yun. naiintindihan ko naman.
utal na sagot ni Kristell.
saka maingat na uminom ng tsa a sa baso.
"ang alam ko darating si Prince Haris mamaya.
napa tingin si Kristell ng marinig ang pangalan ni Haris.
"Kung hindi ikaw ang prinsesa ni Haris baka pinag selosan na kita,
-mabuti nalang talaga.
pilyang ngumiti ito bago uminom ng tsa a.
"Si Prince Leonard.
natigilan ang babae ng mag salita si Kristell.
"Mabuti syang prinsepe.
-sa katunayan isa syang perpektong imahe ng isang mabuting lalaki.
- mabuti ang pakikitungo nya saken at walang dahilan para hindi ko ibalik ang mabuting pakikitungo na iyon sa kanya.
-ganun pa man. Ang isang kaybigan ay mananating kaybigan lang.
-kaya wala kang dapat na ipag alala.
paliwanag ni Kristell.
Ito ang dahilan nya para mabago ang maling pag kakakilala sa kanya ni Bella.
Sa tingin kase nito ay balak nyang agawin si Leonard.
"Natutuwa akong marinig yan mula syao Kristell.
sabito sa kanya.
"tingin ko naman ay nakumbinsi ko nasya.
Habang lumilipas ang oras parami ng parami ang mga dumadating na mga bisita.
Suot ni Kristell
ang isang Berdeng dress na sumasayad sa sahig ang laylayan.
Naka ayos ang mahaba nya buhok.
at namumula ang labi dahil sa koloreteng inilagay ng taga silbing nag ayos sa kanya.
sa sobrang haba ng dress ay kaylangan nya pang hawakan ito habang nag lalakad sya ng saganoon ay gindi nya maapakan.
Papunta na sana sya sa bulwagan kung saan nag uumpisa na ang kasiyahan ng matanaw nya si Leonard sa isang sulok ng palapag na iyon.
humakbang sya patungo sa direksyon nito,
Nakasuot ito ng pang prinsepeng kasuotan na kulay Asul.
Napakagandang lalaki nito sa suot nyang iyon.
Pero mababakas ang lungkot sa mukha nito.
"Prince Leonard.
Nakangiti nyang sabi rito.
Napatingin ito sa kanya nanoarabang sinusuri ang buo nyang katawan.
Saka ito napa ngiti.
" Ang ganda mo.
Nakangiti nitong sabi.
"Salamat.
-ano nga palang ginagawa mo rito?
-Nag uumpisa na ang kasiyahan sa ibaba.
Pilyong napangisi ang prinsepe at hindi na nag salita.
Humarap ito sa Malaking Bintana na naroon at tumingin sa kawalan.
"Yung tungkol sa sinabi mo kagabi,
-pasensya kana,
gusto naman kita e.pero hindi gaya ng kung paano mo ako gusto.
-nakikita kita bilang isang mabuting kaybigan.
-sana maintindihan mo Leonard.hindi ko gustong saktan ka ng paulit ulit.
Seryoso nyang sabi habang tahimik lang ang prinsepe.
"s-si Bella mukha namang mabuti syang babae.
-tiyak na magigibg mabuti syang kabiyak sa iyo.
Dag dag pa nya.
Lumingon ang prinsepe sa naya at ngumiti.
"Naiintindihan ko.
-hindi kita mapipilit.
sabi ni Leonard saka umalis palayo.
Habang palayo sya kay Kristell na alala nya ang naging pag uusap ng dalawang babae kaninang umaga.
Hindi nya sinasadtang marinig ang pag uusap ni Bella at Kristell, kaya alam nanya kung ano ang magiging sagot sa kanya ni Kristell bago pa sila mag kita.
"pero hindi ko rin kayang utusan ang puso ko na ibalin sa iba ang pag ibig ko,
sana maunawaan mo rin ako Kristell.
Alam ni Kristell na darating sila Haris kaya lumabas sya sa palasyo para abangan ang pag dating ng mga ito.
Mga ilang minuto narin syang naroon at nag aantay kaya nangalay na ang mga paa nya,
naupo sya sa tabi ikatlong baitang ng hagdan at hinimas himas ang masakit nyang paa.
"Hay. baket kase hindi uso ang tsinelas dito?
inis nyang sabi ng makita ang sugat na iniwan ng sapatos na suot nya.
"Halika na.
napatingala sya sa taong nag salita.
nakatayo ito sa harapan nya at nakalahad ang kamay sa kanya.
"Haris.
agad syang napatayo ng makita ang kanyang prinsepe.
"Baket?
-Muntik mo nabang makalimutan ang itsura ko sa tagal nating hindi nag kita?
sabi kito na tila nang aasar.
Napa ngiti pero parang maiiyak sya ng mga sandaling iyon.
Marahil luha iyon ng kaligayahan.
Agad na pumulupot sa beywang nya ang braso ni Haris at niyakap sya ng mahigpit.
"Na miss kita.
-sobra.
mahina nitong sabi habang yakap sya.
Napabuntong hininga nalang si Leonard na nakatanaw sa dalawa mula sa ikalawang palapag ng palasyo.
"Hindi man ako ang kayakap mo, hinidi nun mabubura ang pag pag ibig ko.
-makukuntento nalang ako na nakatanaw sayo, kung yan ang ika liligaya mo.
Mula roon ay maririnig ang musika mula sa bulwagan kung saan dinadaos ang kasiyahan para sa engagement ceremony.
Natapos ang ilang oras, nag pasya nang umalis at bumalik si Haris at Krisell sa kanilang kaharian.
"Maraming salamat sa lahat Leonard.
Nakangiting sabi ni Kristell.
Naroon si Bella sa tabi nito at nakangiti sa kanya.
naka ngiti lang na tumango ang prinsipe.
"Mag iingat kayo. Sana makadalo kayo sa kasal namin.
Pahabol ni Bella.
"oo naman. Sigurado yan.
Sagot ni Kristell.
"Pano? Hanggang sa muli.
Seryoso namang balin ni Haris kay Leonard na matiim ang tingin sa kanya.
Oo nga at nag paubaya sya pero sa alam nya sa sarili nya na ang prinsepe ay mananatiling kaeibal sa puso ng babaeng iniibig.
Nang makabalik sa kanilang kaharian ay bumungad sa kanila si Pia na tila naka abang sa pag dating nila.
Agad na sinalubong nya ng yakap si Kristell, at halos maluha. Marahil napanatag ang kalooban nya dahil walang nangyaring masama kay Kristell.
"Natutuwa akong makitangvligtas ka Princes Pia.
-nag alala talaga ko sayo.
"ano kaba? Dapat nga ako ang mag sabi sayo nyan.
-patawad kung iniwan kita, sobrang takot lang ako ng mga oras na yun.
Sabi ni Pia.
"Ayos lang. Saka wala namang nayaring masama saken, buti nalang dumating si Prince Leonard
-nikigtas nya ko.
Paliwanag ni Kristell.
Napabalin ng tingin si Pia sa kuya nya.
"mag pahinga na tayo.
Seryosong sabi ni Haris at nauna ng lumakad.
"pano? Bukas nalang uli. I kekwento ko sayo ang mga nangyari.
Pahabol pa ni Kristell bago sumunod sa prinsepe.
Tumango nalang si Pia. Nabakas nya sa mukha ng prinsepe na may galit parin ito dahil sa mga nangyari at alam nyang kaylangan ng sapat panahon para mapatawad sya nito.
Nakapag bihis na ng puting manipis na bistida si Kristell pag labas nya sa pinto ng bathroom.
Kahiga na si Haris at nakapikit na.
Dumeretso si Kristell sa mesa at naupo sa upuan roon.
Tanging ang lamp sa mesa na iyon ang liwanag sa silid.
Inayos nya ang mga nakakalat na pahina ng papel sa mesa.
Marami syang dapat na isulat,lahat ng mga nangyari sa mga nakalipas na araw.
Saglit syang natigilan habang hawak ang panulat.
"dapat ba isulat ko rin yun?
Sa isip nya saka sya napabalin ng tingin sa asawa nya na naka higa.
Bumalik sa ala-ala nya ang mga nayari sa pagitan nila ni Leonard. Napadampi ang mga daliri sa kanyang labi ng maalala ang gabing hinalikan sya ng prinsepe.
May pag dadalawang isip sya kung isusulat panya ang parteng iyon dahil alam nyang babasahin ni Haris ang mga isusulat nya. Ganun paman kaylangan nyang usulat ang lahat, walang labis at walang kulang tulad ng bilin ni Haris.
Napabuntong hininga sya saka binitawan ang panulat na hawak,
"hayaan mo nanga. Bukas ko nalang iisipin ang tungkol dito.
-mag papahinga na lang muna ako.
Pinatay nanya ang ilaw ng lamp at nilamon ng dilim ang buong silid.