Chapter 11: Best wishes

3275 Words
Pinatay nanya ang lamp na nasa mesa at nilamon ng dilim ang buong silid. Dahan dahan syang humiga sa kama kung saan nakahiga si Haris. Haris PoV Napadilat sya ng maramdaman ang pag higa ni Kristell sa tabi nya. Madilim na ang buong silid at tahimin ang paligid. Ipinatong nya ang braso nya sa beywang nito at bahagya itong hinila palapit sa katawan nya. Tila nang aakit ang amoy na nag mumula sa mahaba nitong buhok. Ilang araw nya lang hindi nakita ang asawa pero sobrang pananabik ang nararamdaman nya ngayong nasa tabi nanya ito. "Haris.      Mahina ang tinig nito ng mag salita. "hmp?       Yun lang ang lumabas sa kanya habang nakapikit at yakap ang asawa mula sa likuran. "hinalikan ako ni Prince  Leonard.        Agad na napaupo si Haris sa kama. "Ano!?    Bulyaw ng prinsepe.   Nanatiling nakahiga lang si Kristell. "Ang walang hiyang yun?  -baket ngayon mo lang sinabi yan saken? -kung sinabi mo yan saken kanina nung naroon tayo, baka nagulpi kona sya.     Mariing maktol ng prinsepe. Madilim ang silid pero alam ni Kristell ang galit ng prinsepe ng mga iras nayun. Umayos sya ng pag higa at hinawakan sa braso ang prinsepe. "ano kaba?  -wala naman ng ibang nanguari, sinabi ko lang sayo dahil alam ko na mababasa mo iyon sa mga isusulat ko. -wala kang dapat na ikagalit.  Isapa utang ko sa kanya ang buhay ko. Sabi ni Kristell. "kunsabagay tama naman ang sinasabi nya. Ganun paman.  Hindi ko ito mapapalagpas.  Kinalma ni Haris ang sarili saka bumalik sa pag higa.  " pag nagkita kami ulit, mata lang nya ang walang latay!         Pahabol ng prinsepe saka muling bumalik sa pagyakap kay Kristell. "namiss kita.      Saglit na natigilan ang prinsepe sa narinig nya. Mahina ang tinig ni Kristell na tila pabulong. Bagay na nag pahupa sa inis na nararamdaman ng prinsepe ng sandaling iyon. "hay.. Dinadaan mo ko sa pag papa cute mo ah.    Nakangising sabi ni Haris. Naging mas mahigpit ang yakap nya sa kanyang prinsesa, walang dahilan para magpigil lalo pat ilang araw sya nasabik sa asawa. Agad na bumaba sa mga labi ni Kristell ang labi nya at binigyan ito ng mainit na mga halik. Tila alak na lumalasing sa kanya ang bawat pag tugon ng prinsesa sa kanyang mga halik bagay na mas nag pa sabik sa kanya. Tila may sariling mga buhay ang mga kamay nya na gumagapang sa maumbok na dibdib ng asawa. Gumapang ang mga halik nya sa leeg nito hangang sa dibdib.  Hindi na namalayan ni Kristell kung kaylan natanggal ng asawa nya ang kanyang puting pantulog na bistida. Nakalapat na ang katawan nito sa hubad nyang katawan. Wala syang pag tutol sa mga galaw na ginagawa nito.Namdam nya sa bawat halik nito ang pag kasabik. Pag kamulat ni Haris ng mga mata ang maamong mukha agad ng asawa ang bumungad sa kanya. Mahimbing pa ang tulog nito at nakatago sa putingvkumot ang hubad nitong katawan. Hinawi nya ang naka kalat na hibla ng buhok nito sa mukha at tinaniman ng mga halik ang mukha nito. Sa noo, mmsa nakapikit nitong mata, sa pisngi, sa leeg at sa nakalantad nitong balikat. Bahagya itong gumalaw ng maramdaman ang mga halik nya. "ano kaba?   Naka ngiti at tila nahihiya itong nag talukbong ng kumot ng makita sya nito na naka dungaw sa mukha nito. Samantala....nilamon ng maiitim na ulap ang kalangitan sa kaharian ng mga Julbano. "mga wala kayong silbi!!! Napaka simpleng trabaho hindi nyo magawa! -mga walang utak!!         Dinig sa buong palasyo ang pag wawala ng Hari nilang si Dyzo. Lahat ng makita nito sa paligid ay nababasag  sa tuwing tatamaan ng hawak nitong espada na nakatago ang talim. Halos mag labasan ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang galit. Para syang wala sa katinuan kapag hindi nasusunod ang mga gusto nyang mangyari. Nag kalat sa sahig ang mga basag na mga rebulto na tinamaan ng espadang hawak nya.  Maybisang kawal na nakatayo at mababakas ang hirap na dinanas sa pakikipag laban dahil sa mga sugat na natamo nito sa katawan, halos hindi narin maimulat ng maayos ang isa nitong mata na namamaga. Makikita ang takot nito sa mga oras na iyon. Takot na sa ano mang oras ay papatayin sya ng Haring kanyang pinag sisilbihan. Kilalang malupit na hari si Dyzo kaya mas mabuti pang mamatay ka sa digmaan kaysa bumalik kang bigo sa kaharian  dahil tiyak na kamatayan lang rin ang ibibigay sayo ng malupit na hari. "baket ba hindi sya mamatay matay?!!! - nanggagalaiting sabi ng hari na walang humpay sa pag sira ng mga bagay sa paligid nya. Nang tila mapagod bumalin ito ng matalim na tingin kay Zandro na naroon din at nakayuko. "kasalanan mong lahat ito.     Mariing sabi kito saka humakbang palapit kay Zandro. "dapat pinatay mona sya nung may pagkakataon ka! Pero anong ginnawa mo?  Naduwag ka dahil lang sa isang babae?!!!     Malakas ang boses nito na sobrang galit. Saka pinag hahampas ang kawawang kawal na nasa tabi ni Zandro. Hindi ito tinigilan ng hari hangang sa nakahiga na ito sa sahig,Pinag sisipa ito ng malupit na hari na tila gustong durugin na parang langgam. Hangagang sa tanggalin na nito ang takip ng espada at itinusok sa dibdib ng kawawa at duguang kawal na nakahiga sa sahig. " ganito! -ganito ang gagawin ko sa mga magulang mo kapag sinuway mo ko uli.      Mariin nitong sabi sa mukha ni Zandro saka hinatak ang nakabaong espada sa dibdib ng walang buhay na kawal. Nabigo ang mga ipinadala nyang mga kawal para paslangin si Haris at ang iba pa kaya naman nag uumapaw ang galit ng Hari. Ganon paman wala itong balak na huminto sa nasimulang digmaan sa oagitan ng mga kaharian. Nakaupo ito sa trono ng may dumating na mensahero. Dala ang balita tungkol sa nalalapit na pakikioag isang dibdib ni Prinsepe Leonard. "Ikakasal na pala sya?  -hindi manlang ako pinadalhan ng imbetasyon?      Nakangising sabi ng hari na may naiisip na namang mautim na balak. Samantala... Napaunat si Kristell ng matapos nya ang pang huling pahina. Natapos nya ang lahat ng dapat nyang isulat. Lahat ng pangyayari ay naisulat nya ng walang labis at walang kulang lalong wala syang kahit anong binago sa mga pangyayari, naisip nya na masmabuting walang syang baguhin lalo pa't hindi maganda ang naidudlot kapag nay binabago sya sa mga pangyayari. Napa sandal sya sa upuan at ipinikita ng mga mata ng makaramdam ng antok. Sa ibang silid naman naroon si Dave at Haris pati si Pia. "Sa mga nangyari nitong nakaraan, satingin ko may naging epekto ang pag bago ni Kristell sa pangyayari. - nakabuti yun dahil hangang ngayon kasama parin natin si Pia. "pero dahil dun bumilis naman ang mga panyayari.       Sagot agad ni Haris sa sinabi ni Dave. Napatibgin si Pia sa kuya nya  "tatlong buwan matapos mamatay si Pia saka tayo sinugod ng mga julbano dito sa palasyo. -pero matapos baguhin ni Kristell ang pangyayari, kinabukasan agad naganap ang pagsalakay nila parehong pareho sa kung paano tayo sinalakay noon.      Napabuntong hininga si Haris. "tingin ko bumibilis ng isang daang ulit ang pangyayari kapag may mga binabago sya.       Dagdag pa ng prinsepe. "tama ka, yan nga rin ang iniisip ko. "kung ganon, nauubusan na kami ng oras. -Hindi ko alam kung ano pang mga mangyayaring pag babago.         Isang masamang oanaginip o isang pangitain? Isang palaso ang bumaon sa dibdib ni Haris sa harapan mismo ni Kristell. "hindi. -H-Haris!! "Haris!!! Napa mulat sya kasabay ang malakas na sambit sa pangalan ni Haris. Sobrang kaba ang nararamdaman nya. "hindi. Hindi yun totoo.    Nangilid ang mga luha nya sa kanyang mga mata. "nung nanaginip ako tungkol kay Pia ganitong ganito rin yun. At nag ka totoo yun.  Kung ganon pangitain ang mga panaginip ko nato. Ipinapakita saken ang mga mangyayari bago ang nakatakdang araw. "nasan sya? - kaylangan ko syang makita.    Patakbo syang pumunta sa ointo ng kwarto para hanapin si Haris pero ang taong hahanapin sana nya ay naroon na sa pinto pag bukas nya. "Anong problema?    Agad na tanong nito ng makita ang pag aalala sa mukha nya. Mahigpit syang yumakap sa kanyang prinsepe. "anong gagawin ko? -natatakot ako.     Nangingilid ang luha nya habang nakayakap kay Haris. "sabihin mo saken kung anong nangyayari?    Sabi ni Haris na mahigpit ang hawak sa prinsesa nya. Nang kumalma na si Kristell saka nya sinabi kay Haris ang napanaginipan nya. "makinig ka. Panaginip lang yun -walang ganung pangyayari sa nakaraan. Dahil kung meron wala sana ako sa harap mo ngayon.      Paliwanag ni Haris. May bahid ng luha ang mga mata ni Kristell. "pero pano kung-  "wag kanang mag isip ng kung ano ano. -kalimutan mona walang mangyayari saken. Nandito lang akonlagi sa tabi mo. Sabi pa ni Haris na may bahid ng pag papakalma ang boses saka muling niyakap si Kristell. Dahil sa sinabi ni Haris nabawasan ang pag aalala ni Kristell. Base sa pag kakaalam nya nauulit lang ang mga pabyayari sa nakaraan nyang buhay, at walang ganoong pangyayari na katulad sa panaginip nya kaya naman hindi nanya mastadong inisip ang tungkol dun. Isang misteryosong tao ang lihim na pumasok sa isang museum sa future kung saan nag mula si Kristell. Maririnig sa katahimikan ang bawat hakbang nito, gabi ng oras na iyon kaya walang katao tao. Tinungo nito ang lugar kung saan naka display ang isang lumang palaso. (king's arrow 1821)   ninakaw ng misteryosong tao ang palasong iyon. Ilang araw narin ang lumipas at nananatiling mapayapa ang lahat.  Nawala na sa isip ni Kristell ang tungkol sa masamang panaginip nya. Suot ang kulay puting dress ng bumaba si Kristell, naroon na sa baba ng hagdan ang napaka kisig nyang prinsepe at inaantay sya. Napa ngiti si Haris habang naka tingin sa magandang babae na pababa ng hagdan. "nasan na sila sila Pia? "nauna na sila ni Dave         Mabilis na sagot ni Haris saka inabot ang palad ni Kristell para maalalayan sya sa mga natitirang baytang ng hagdan. " Ganon? masyado ba kong matagal? Siguro nainip sila kaya dina nakapag antay. Napa iling iling si Haris. "masyado lang silang maagang nag bihis.  Biro ng prinsepe. "baket naman masyado kang maganda ngayong araw? -parang ikaw tuloy ang ikakasal.      Dag dag pa ng prinsepe na pilyong naka ngiti habang naglalakad sila palabas ng palasyo. "talaga ba?    Malagkit namang tumingin si Kristell kay Haris na tila nang aakit. Napahinto ang prinsepe sa pag lalakad. "oh baket?     Maang na tanong ni Kristell ng huminto ito sa pag lakad  "pupunta paba tayo dun? -parang mas gusto kong mag kulong nalang sa kwarto kasama ka.    Nangingiting sabi ng prinsepe na napahawak pa sa batok. Napa halakhak si Kristell sa sinabingviyon ni Haris. "ano kaba. Tama nanga  Inaantay nila tayo dun. Nag simula na silang lumakad ng sabay. At ng oras na makalabas sila ng palasyo, sa isang iglap nasa harap na sila ng palasyo nila Leonard. "woah!      Manghang sabi ni Kristell ng biglang naroon na sila sa labas ng palasyo na noon ay puno ng palamuti para sa kasal ni Leonard at Bella. "Baka gabihin tayo kung magvkakarwahe pa tayo.     Pilyong sabi ni Haris saka naunang lumakad papasok sa palasyo. "woah! Grabe. Asawa koba talaga sya? -nagugustuhan kona ngayon yang mga pa teleport effect nya.    Sa isip nya ng oras nayun.  Susunod na sana sya kay Haris ng biglang nakaramdam sya ng hilo. Napa hawak sya sa ulo nya "Baket umiikot ang paligid. "ahh!!!   Pigil nyang sambit ng ang pagkahilo nya ay nadagdagan ng matinding kirot sa kanyang ulo. "Kristell? Baket? anong problema?     Magkasunod na tanong ni Haris ng marinig ang mahinang pag hiyaw ni Kristell at nakita nyang tila namimilipit ito sa sakit ng ulo. Agad nya itong nilapitan at inalalayan. "Kristell! Naririnig mo ba ko? -anong nagyayari sayo? Kristell?! Naririnig ni Kristelk ang boses ni Haris pero lumalabo ang paningin nya habang nakahawak ito sa braso nya para masoportahan ang pag tayo nya. Nang sandaling iyon bumalik sa isip ni Kristell ang masamang pangitain.  Ang suot ni Haris nung tamaan sya ng palaso sa dibdib ay ang mismong suot nito ngayon. Mag kahalong itim at asul ang coat na suot nya. Parehong pareho sa pangitain nya. Hindi lang iyon nakita narin nya ang sarili nya sa pangitain, umiiyak sa tabi ng nakabulagtang lalaki na may palasong naka tarak sa dibdib. Halos maiiyak sa sobrang sakit ng ulo si Kristell. Pero agad ding nawala ang sakit nayun at unti unting bumalik sa ayos ang pakiramdam nya. "Kristell?     Sambit ni Haris. Malinaw na nakikita nya si Haris na para bang wala syang pinagdaanang sakit . "a-yos lang ako. -medyo sumakit lang ang ulo ko. "sigurado ka?  Mabuti pa pumasok na tayo sa loob ikukuha kita ng tubig. Inalalayan nasya ni Haris habang papasok sa palasyo. Marami ng tao sa loob kaya humanap si Haris ng mauupuan ni Kristell. Hinubad nito ang suot na coat ay isinuot sa kanya. Para maitago ang lantad na dibdib at balikat nya. "Hintayin mo muna ako rito kukuha lang ako ng tubig. Napakapit sya sa coat na iniwan ni Haris sa kanya. Nag aalala sya dahil sa pangitaing iyon. Hindi maalis ang kaba nya. "Kristell!   Napalingon sya ng sumulpot si Pia mula sa kung saan.  "nasan si kuya?     Tanong agad nito. "ha?  Maang nyang sagot na tila wala sa isip. "nasan ba sya? Nasan si Haris?     Napatanaw sya sa kung saang direksyon na para bang hinahagilap ang kinaroroonan ng prinsepe pero hindi nya ito makita. Tumayo sya na para bang hindi nya napansin si Pia na nasa harap nya.  Kumakad sya at nakipag balyahan sa mga taong naroon para mahanap ang prinsepe. "Hindi sya pwedeng mawala sa paningin ko. Saan naba sya? "Haris?     Mahina nyang sambit at di namalayang malalaglag na ang coat na iniwan nito kanina sa kanya. Tinangal nya iyon sa balikat at binitbit nalang. Wala syang paki alam basta ang gusto nya ay makita na agad si Haris. Habang nakikipag balyahan sa maraming tao may kung sinong humila sa kanya sa isang tagong parte ng lugar na iyon. "Kristell!    Napa angat sya ng tingin sa matangkad na lalaki. "L-Leonard.    Mahina nyang sambit.  "sinong hinahanap mo?        Tanong nito na may pagtataka. "L-Leonard mamaya nalang tayo mag usap kaylangan kong mahanap si Haris.         Sabi nya saka pilit na kumawala sa pagkakahawak ni Leonard. Muli syang sumuong sa maraming tao na naroon. "Kristell!       Sigaw ni Leonard pero hindi sya naririnig ng babae dahil sa malakas na tunog ng musika sa lugar. Nag pasya si Leonard na sundan ang babae. Nangingilid ang luha ni Kristell habang tinatawag ang pangalan ng kanyang prinsepe. Hangang sa natagpuan nya ang sarili na nasa labas ng palasyo. Biglang nilamon ng maitim na ulap ang kalangitan at dumilim ang paligid. Samantala dala ni Haris ang baso ng tubig ng marinig ang ilang sigawan ng mga tao. "Kristell.  Bulong nya at agad nabitawan ang baso. Agad syang nag teleport sa lugar kung saan nya iniwan ang asawa pero wala roon si Kristell. Natanaw nya ang biglang pag dilim ng paligid sa labas ng palasyo. Nakipag balyahan sya para marating ang palabas ng palasyo at doon nakita nya si Leonard. May hawak itong espada at nasa likod nito si Kristell. Hindi nya alam kung anong nangyayari. Si Leonard na may kakayahan na tulad sa kanya Ngayon ay halos mabuwal dahil sa tinamong mga sugat sa katawan. Nakita nya ang apat na Julbano, na naroon at hinid mga pangkaraniwang kawal ang mga ito. Iba ang apat na ito may itim na awra na bumabalot sa mga ito. "Leonard.        Nanginginig ang boses ni Kristell na nasa likuran ni Leonard. Nang lamunin ng dilim ang paligid agad nag sulputan ang apat na lalaki at nilabanan ni Leonard. Bigla nalang nagkaroon ng hawak na espada si Leonard, kagayang kagaya ng nakita nya kay Haris noon. Pero hindi pang karaniwan ang mga lalaki. Nagawa ng mga ito na sugatan sa ibat ibang parte ng katawan si Leonard. Agad na nakarating Si Haris sa kinatatayuan ni Kristell. " Haris.    Sambit nya na may bakas ng luha ang mukha. " bilisan mo at dalin mo na sya sa ligtas na lugar.         Utos ni Leonard na hindi manlang nag aksaya ng panahon para balinan ng tingin si Haris na noon ay hawak na si Kristell. "Tumigil ka! - akala mo ba kaya mong labanan ang pat na yan?     Bukyaw ni Haris. Agad nyang na sangga ang espada ng isang julbanong bigla nalang sumugod mula sa kung saan. Nahawakan agad ni Haris ang kamay ng lalaki at binali ito saka iwinasiwas at tumilapon sa di kalayuan. Habang nilalabanan ni Haris ang isa at ang isa naman ay kay Leonard hindi nila napansin  ang isa pang lalaki na susugod sa direksyon ni Kristell. Agad na nag teleport si Haris at sinangga ang epada na dapat ay tuturokbsa katawan ni Kristell. Isang tadyak sa sikmura ang pinakawalan ni Haris sa lalaking iyon saka mabilis nanahawakan sa leeg ang lalaki. Pero mula sa kung saan may palasong papunta sa kmdireksyon ni Kristell.Nakita ni Haris ang oalasong iyon pero hindi agad sya nakakilos dahil kasalukuyan nyang hawak ang isang Julbano.  Bago pa parating ng palaso si Kristell agad na nakarating si Leonard at nahawi ng espada nya ang palaso. Pero ang palasong iyon nasundan pa ng mag maraming paparating. Nakaharap si Leonard sa nakaya nungvsandaling akala nya ay tapos na ang lahat. Isang ngiti ang binigay sa kanya ni Leonard kasunod ang pag bulwak ng dugo mula sa bibig nito. Napaluhod ang prinsepe sa harapan nya at nabitawan ang hawak nitong espada. Tila naubusan ito ng lakas habang patuloy sa pag labas sa bibig nito ang dugo. Hindi lang isa,dalawa o tatlo. Kundi anim na palaso ang tumama sa likuran ng prinsepe. Nabitawan ni Haris ang julbanong wala ng buhay. Tahimik ang paligid ng sandaling iyon. Sunod sunod na tumulo ang mga butil ng luha ni Kristell ng bumaksak sa harapan nya si Leonard.  Humakbang sya ng tatlong hakbang para makalapit sa prinsepeng naka luhod at tila wala ng buhay. Buong bigat syang napaupo sa harap nito na tila nawalan ng lakas ang mga tuhod. Nanginginig ang mga kamay nyang hinawakan ang balikat ng naka yukong prinsepe. "L-leonard.  -prinsepe..       Mahina nyang sambit. Mula sa kung saan ay malakas na hagulgo ng reyna ang bumalot sa buong kaharian. Hindi na nito nagawang lumapit sa kaawa awang sinapit ng anak nyang prinsepe. Naka alalay rito si Bella na dapat ay magiging kabiyak na ng prinsepe ngayong araw. Bahagyang inalog alog ni Kristell sa balikat si Leonard.  Wala syang nakuhang tugon sa prinsepe sa halip ay tuluyan itong bumagsak sa harapan nya. Bumagsak ito sa kandungan nya at ng sandaling iyon bumalik ang mga ala ala nya,mga ala alang nabaon sa limot.  Tulad nga ng sinabi nito sa kanya, nauna si Leonard sa puso nya, ngunit tutol ang ina nitong reyna dahil anak lang ng mga taga silbi sa palasyo si Kristell. Pinadala ng Reyna ang anak sa isang labanan at pag balik nito makalipas ang ilang tao hindi nanya nakita si Kristell sa palasyo, nalaman nalang nya na ikinasal na ito kay Haris ang matalik nyang kaybigan. Halos sumabog ang dibdib ni Kristell sa nag uumapaw na sama ng loob. "hindi. Prinsepe Leonard.  -pakiusap. Pakiusap wag motong gawin. -gumising ka.  Umalingaw ngaw sa paligid ang pag tangis ni Kristell, Ang labis na kalungkutan dahil sa sinapit ng lalaking minsan nyang inibig ang prinsepeng nabaon sa limot. Leonard PoV "buong puso kong tinanggap ang sakit sa aking dibdib dahil alam kong  maligaya kana. Mananatili akong naka tingin sayo kahit pa naka tingin kana sa iba. Walang makakapantay sa pag ibig ko para sayo, mananatili ka lagi sa puso ko Kahit ilang daang taon ang lumipas at kahit nalimot mo na ako.  Hanagad ko ang kaligayahan mo kahit hindi akonang nasa piling mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD