Ilang araw narin ang lumipas matapos ang naginng kamatayan ni Leonard.
Nanatiling naka kulong sa kwarto si Kristell, tahimik sya at walang imik at mababakas sa kanyang mga tama ang matinding kalungkutan.
Bakas parin ang luha sa mga mata nya satuwing nakikita sya ni Haris. Alam ng prinsepe ang sakit na pinag dadaanan ni Kristell. Nung oras na mag balik ang ala ala nila sa kanyang isipan yun din ang araw na namatay ito sa kanyang harapan.
Hinayaan nya lang na mag luksa si Kristell sa pagkamatay ni Prinsepe Leonard.
Kristell PoV
Bigla nalang tumutulonang mga luha nya sa tuwing naaalala si Pribseoe Leonard. Pakiramdam nya ay kasalanan nya ang lahat. Sinisisi nya ang sarili sa pagkamatay nito.
Napaka hina nya kaya naman lagi nyang kinakaylangan ang tulong ng iba sa tuwing nalalagay sya sa kapahamakan.
Tumayo sya at pumunta sa harap ng salamin.
Ilangvaraw nasyang naka lublob sa higaan, walang buhay ang mukha nya at nakalugay ang mahaba nyang buhok.
Namamaga ang mga mata nya dahil sa walang tigil na pag agos ng mga luha nya.
Pero hindin nya alintana kung ano ang istura nya, agad nyang hinawakan ang panulat at bunuksan ang makapal na blankong libro.
June 14 ,1821 ang kamatayan ng prinsipeng si Leonard.
Sa aaraw mismo ng kanyang nakatakdang kasal kay-
Napahinto si Kristell sa pag susulat ng biglang may pumasok sa kanyang isipan.
"kung akon ang nag susulat ng librong ito,
-ibigsabihin lahat ng isusulat ko rito ay nangyari sa kasysayan.
Napa tingin sya sa sa bintana. Makulimlim ang paligud na para bang bubuhos ang ulan.
Agad nyang inilipat ang pahina ng libro.
"June 18,1821 matindi ang sikat ng araw ngunit malamig ang simoy ng hangin mula sa bintana sa aking silid.
Nabitawan nya ang kanya panulat ng maramdaman ang preskong ihip ng hangin mula sa bintana.
Ang kaninang makulimlim na paligid ay agad nag liwanag kagaya ng sinulat nya sa paninang iyon.
Napahugot sya ng malalim na pag hinga. Dahilnsa panibagong natuklasan nya.
"kakaiba ang panahon ngayon, kanina lang ay parang uulan na tapos biglang ang tindi na ng sijat ng araw.
Sabi ni Dave na noon ay naka tayo sa harap ng bintana.
"si Prince Leonard. Hindi parin ako makapaniwalang wala nasya.
- sa nakaraan si Leonard ay naging mahusay na hari at namatay sya sa edad na 52 years old sa sakit sa puso
- pero ibang iba ang nangyari.Nakakalungkot
Malungkot ang tinig ni Pia.
"si Kristell, kamusta nasya?
Sabi naman ni Dave na bumalinnng tingin kay Haris na tahimik lang na naka upo.
"Kaylangan nya ng sapat na panahon."
"Masyado syang nabigla sa mga nangyayari
-kahit ako hindi makapaniwala sa mga nangyari."
Paliwanag ni Haris.
"Pano na? Tingin ko nabago na ng tuluyan ang mga panyayari.
"hindi na natin alam ngayon kung ano ang mga susunod na magaganap." sabi ni Dave.
Isang malalim na pag buntong hininga lang ang naging sagot ni Haris.
Pag pasok ni Haris sa kanilang silid nakita nya si Kristell na na nag susulat sa mesa na naroon.
Lumingon agad ito sa kanya na may matamis na ngiti.
"Tapos kana mag sulat?" tanong ni Haris habang palapit sa kinauupuan ni Kristell.
Agad sinara ni Kristell ang cover ng librong sinusulat nya.
"ah oo katatapos kolang." humarap ng upo si Kristell sa prinsepe.
"may kaylangan ka?"
Hinawakan ni Haris ang pisngi nya bago ito muling nag salita.
"sumama ka sakin."
Hinawakan nito ang kamay nya at lumakad sila palabas ng pinto ng silid na iyon.
Pag labas nila sa palasyo mayroon nang nag hihintay na sasakyan.
Pinag buksan sya ni Haris ng pinto.
"saan tayo pupunta? maang na tanong nya.
"basta! darating din tayo dun."malalaman morin.
Nakangiting sabi ng prinsepe.
"hindi naman siguro kalabisan na gustuhin kong makita sila sa ganitong kahirap na pagkakataon sa buhay ko.
"matagal narin mula nung huli ko silang nakita."
Muling bumalik ang lungkot sa mukha ni Kristell. Alam nyang ganito ang mangyayari,dahil yun ang sinulat nya
At hindi alam ni Haris ang tungkol dun . At tulad nanga ng inaasahan nya, dinala sya nito sa present worl kung saan sya nag mula.
Nanlalamig at sya at di maipaliwanag angvnararamdaman habang nakaupo sya sa loob ng sasakyan. Ilang ulit rin na napatingin sa kanya ang prinsepe dahil sa itsura nyang tila nababahala.
Ilang sandali pa ay naramdaman na nya ang baku bakung dinadaanan ng sasakyan kaya agad syang napasilip sa bintana ng sasakyan.
Katanghalian at tirik na tirik ang araw, agad nyang ibinaba ang windsheild ng bintana at bahagyang idinungaw sa labas ang kanyang ulo.
"hmmmp! Ang sarap ng hangin." naka ngiti nyang sabi na tila dinadama ang hangin na dumadampi sa kanyang mukha.
Natatanaw na nila ang malawak na palayan at sa dika layuan ay nakita nya ang isang babaeng nakatayo roon at naka tanaw sa sinasakyan nilang kotse.
"Ren!" bulong nya ng mamukhaan ang babeng iyon.
Tuluyan nyang idinungaw ang kalahati ng katawan nya sa bintana ng sasakyan at kinawayan ang babae habang sinisigaw ang pangalan nito.
"Ren!" Ren!!" paulit ulit nyang sigaw habang patuloy ang pag andar ng sasakyan.
Napatakbo ang babae na nasa palayan na makikita ang pag kasabik.
"ate!!" ate Kris!!"
Sigaw din nito.
Si Ren ay ang naka babata nyang kapatid. Apat na taon ang agwat nya rito at ito ang marahil ang pumalit sa kanyang mga gawain nung umalis sya para mag pakasal kay Haris.
Hindi nya mapigilan ang ang buhos ng mga luha nya ng sa wakas ay nakatayo nasya sa harap ng maliit at lumang nilang bahay.
Hindi maiwasan ni Haris na mahabag sa nakikita nya. Sa puso nya ay may naramdaman syang guilt dahil alam nyang sya ang dahilan kaya nahiwalay ang babae sa kanyang pamilya.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa nito ang kanyang nanay na may hawak na plangganitang may gulay.
Sa sobrang pagka bigla ay na bitawan nito ang plangganitang hawak.
"Nay!" napatakbo si Ren at agad pinulot ang nabitawan ng ina.
Humakbang palapit si Kristell sa kanyang ina.
"Nay!" nanginhiti nyang sambit na may mga luhang kasabay.
Mahigpit syang niyakap nito at napahagulgol pa sa sobrang tuwa.
Dahil roon ay napa labas din ang kuya ni Haris sa bahay at ang kanyang ama.
Mainit ang pag tanggap ng pamilya nya kay Haris.
Katulad parin ng dati ang lugar nila, marami paring mga nakatanim na sariwang gulay at hitik sa bunga ang mga puno ng mangga na na nakapalibot sa kanilang bahay.
Matapos nilang makasalo sa pag kain ang kanyang buong pamilya inaya naman nyang mag lakad lakad si Haris sa kanilang bukiran.
Maliit lang nuon ang kanilang lupain pero ngayon ay nadagdagan na ito.
Nabili na ng magulang nya ang katabing lupain doon at ang kuya nya ang nag sasaka.
Dun ginastos ng kanyang mga magulang ang natanggap nila nung ipakasal sya ng mga ito tatlong taon na ang nakalipas.
"Masaya kaba?"
Tanong ni Haris habang nag lalakad sila sa lilim ng mga puno ng manga.
"ump! Sobra!" sagot nya.
Hawak ni Haris ang kamay nya habang nag lalakad sila.
"Salamat ha!" kase dinala moko dito."
Huminto sya sa pag lakad at hinarap ang prinsepe.
"sobrang saya ko ngayong araw."
Dagdag panya habang nangiti sa prinsepe. Nag simula na ulit syang mag lakad kasabay nito.
"dahil pinasaya mo ako, ibibigay ko kung anong gusto mo!"
"talaga?" agad na tanong ni Haris.
"kahit ano?"
Pag lilinaw pa nito.
"ump! Kahit ano, magsabi ka lang."
"Sige. Tatandaan ko yan, sa ngayon wala pakong maisip."
"ok!" ikaw bahala." sabi ni Kristell saka binitawan ang kamay ni Haris at patakbong tinungo ang malaking puno ng mangga.
"bilis!" halika na dito!" sigaw nya kay Haris na nakatanaw lang sa kanya.
Matagal nadin silang mag kasama ni Kristell pero pakiramdam nya nakikilala ang kanyang prinsesa. Ibang iba sya ngayon kaysa sa mga nakaraang araw.
Nang narating ang puno ay nakita nyang nag hubad ng sapatos si Kristell tinupi nito ang laylayan ng jeans na suot.
"Anong gagawin mo?
Takang tanong ni Haris.
"ano kaba? Tinatanong paba yan? Tutal nandito na tayo lulubos lubusin kona"
Nakangising sabi ng babae.
"teka!" balak mo bang akyatin ang puno nayan?"
Agad na tanong ni Haris.
Napatango tango si Kristell.
"ump..oo !" alam moba na dito sa probisya namin matitikman ang pinaka matamis na manga?
Pag mamalaki nito
"oo alam ko, pero hindi parin akonpaoayag na umakyat kadya. Napaka delikado."
Sabi ni Haris habang hinuhubad ang suot nitong sapatos at tinupi ang laylayan ng long sleeve na suot nya.
"ah.. Ganun ha?" sige nga.
Sabi ni Kristell na tila nang hahamon.
Pinanood nyang akyatin ni Haris ang puno hanggang sa naka akyat nanga ito.
Tuwang tuwa. Ang prinsepe sa pag pitas ng mga mangga at si Kristell naman ang taga salo.
Nang maka rami na ng pitas nag oasya na itong bumaba pero bago pa sya tuluyang maka baba ay nakaisip pa ito ng kapilyuhan.
Nung hindi na katingin si Kristel ay tumalon sya at kunwari ay nahulog sya mula sa itaas na parte ng puno.
Agad na napalingon si Kristell ng marinig nya ang oag bagsak nito sa lupa.
"ah-ah aray!" nabali yata ang balakang ko."
Nag iinarteng sabi ni Haris habang sapo ang beywang nya.
Napa takbo si Kristell sa sobrang pag aalala.
"anong masaket?" ha?"
-ano ba kaseng nangyari?" nabalian kaba?"
Mag kakasunod na tanong ni Kristell
"ang yabang mo kase, dapat talaga ako nalang ang umakyat!"
-nasan ang masakit?" sa beywang ba?" nabali ba?" hindi mo ba kayang gumalaw?"
Nag aalalang mga tanong. Lihim na napangiti si Haris sobra ang pag aalala nito kahit ang totoo ay tatlong talampakan nalang naman ang tinalon ni Haris.
At nung may pag kakataong napalapit ang ang mukha ni Krustel sa mukha nya agad nya itong tinaniman ng haalik sa labi.
"ano kaba?" gulat nitong tanong.
Nakita ni Kristell na tumawa ang prinsepe at dun nya na laman na binibito sya nito.
"kainis!" hindi nakakatuwa yun ha!"
Seryosong tumalikod ng upo si Kristell kay Haris.
"hoy! ano ka binibiro lang naman kita"
Sabi ni Haris na naka hawak sa balikat ni Kristell.
"Wag kanang magalit. Sorry na!"
Sabi pa ng prinsepe saka sya niyakap nito mula sa likuran.
"akala mo nakakatuwa?"
"Wag mo nang uulitin yun!"
Sabi pa ni Kristell saka umayos ng uponat humarap sa prinsepe.
"ngayon pano mo uubusin lahat ng yan?"
Tanong nag prinsepe saka bumalin sa napaka raming mangga na pinitas nya.
"kakainin natin yung iba, uwian natin si Pia."
Naka ngising sabi ni Kristell na may hawak na mangga sa ito inamoy.
"hay, ang bango!" ito talaga yung amoy ng sariwang prutas na miss ko talaga to!"
"heto subukan mo"
Saka inabot kay Haris ang hinog na mangga. Pero hundi yun kinuha ng prinsipe, nakatitig lang ito sa kanya.
Hinawakan sya nito sa balikat at inilapit sa mukha nya.
At isang mainit na halik ang binigay nito.
"Ang totoo, hindi ako kumakain ng mangga!"
-pero mahilig ako sa matamis."
Tila pabulong nitong sabi saka muling bumaba ang labi nito sa kanya.
"ang totoo hindi rin ako mahilig kumainnng mangga."
Sa isip ni kristell.
Samantala. Sa palasyo ay patakbong lumabas ng silid nila Haris si Pia.
Naiwan nito na nito na naka bukas ang pinto sa sobrang pag mamadali.
"Dave!" Dave!" nasan ka?"
Hawak nya ang kayang dress oara hindi ito maging sagabal sa kanyang pag takbo.
"Princess!"
Napahinto sya ng marinig ang boses ni Dave.
Agad nya ito nilapitan. Nakita agad ni Dave ang pag aalala sa mukha ng prinsesa.
Napadako ang mga mata nya sa hawak nitong papel.
Matapos ang maghapong iyon kinaylangan nang mag paalam ni Kristell sa kanyang pamikya.Tulad ng dati malungkot ang pag hihiwalay nilang iyon pero nangako si Haris na dadalasan nila ang pag bisita sa kanyang pamilya.
Habang nasa byahe oabalik ng palasyo, biglang napa ubo si Kristell na tila may buhangin na nasa lalamunan nya kaya ganuon na lamang ang pag ubo nya na halis maluha sya. Agad na napa lingon si Haris at bakas ang pag aalala nito sa kanya.
"Kriste may sakut kaba?"
Tanong ng prinsepe.
"w-wala!" nangati lang ang lalamunan ko."
Sakabila ng naging sagot ni Krustell ay nakaramdam ng kung anong kaba si Haris.
Pag balik sa palasyo ay agad sumalubong si Lily sa kanila.
"Maligayang pag balik po!"
- inaantay po akyo ni Sir Dave at Princess Pia sa aklatan."
Sabi nito.
"mauna kana, para makapag pahinga ka."
Balin ni Haris kay Kristell.
Hinatid nya ng tanaw si Kristell habang pa akyat ng hagdan.
Pad pasok sa kwarto ay agad ibinagsak ni Kristell ang katawan sa malambot na kama.
Mabigat ang ulo nya at hindi maganda ang pakiramdam nya. Mayat maya din sya napaoa ubo.
Sa mantala sa loob ng silid aklatan. Ramdam ang tensyon seryoso ang itsura ni Haris at mababakas ang galit sa kanyang mukha ng lukutin nito ang papel na binigay ni Pia sa kanya.
Agad syang sumunod kay Kristell sa kanilang silid.
Pag pasok nya ng kwarto ankita nyang nakahiga si Kristell at tila nakatulog na ito.
"Kristell!" Kristell!" bumangon ka!"
Hinawakan nya ito sa braso at pilit na pinaupo sa kama.
"ump? Baket ba?"
Maang na tanong nito na tila naistorbo ang masarap na tulog.
"anong ibig sabihin nito?"
-baket mo ito ginaw?" kausapin moko!!"
Buyaw ng prinsepe dahilan para matauhan at magising si Kristell ng tuluyan.
Nakita nya ang puting papel na hinagis ni Haris sa harap nya.
Nakita nya sa mukha ng orinsepe ang galit kaya napag tanto nyang seryosong usapin ito.
Agad nyang pinulot ang lukot na papel at tiningnan ang nilalaman nito.
"ito ang-"
"ito yung sinulat ko!"
Napabalin sya ng tingin kay Haris na naka tayo sa harapan nya.
"diba sinabi ko naman sayo?" wag mong babaguhin ang takbo ng pangyayari!"
-ano itong ginawa mo?" pinangunahan mo ang mga mangyayari!"
"baket?"
Mataas ang boses nito. Nangilid agad ang luha ni kristell.
"wag kang umiyak!"
Sita ni Haris, hindi nya gustong nakikitang umiiyak si Kristell pero dapat na maipaintindi nya rito ang ginawa nitong pag kakamali na maaring makaapekto sa lahat.
Hinawakan nya ito sa magkabilang braso.
"sabihin mo sakin anong pumasok sa isip mo at pinangunahan mo ang mga mangyayari?"
Galit nitong sabi na mahigpit ang pag kakahawak sa braso ni Kritell. Tuluyang tumulo ang luha ni Kristell at pilit na kumawala sa pag kakahawak ni Haris.
"oo na!" Oo binago ko ang mangyayari, ah hindi!"
-sinulat ko na yun." ano bang masama sa ginawa ko?"
"kaya kong gawin ang gusto ko dahil nangyayari lahat ng sinusulat ko, masama ba na puro magandang panyayari lang isulat ko?"
Nanginginig ang boses na paliwanag nya.
"hindi mo naiintindihan."
Mariing sambit ni Haris.
Na tumalikod sa kanya.
"pwede kong baguhin ang lahat, kaya ko yung gawin!"
Dag dag pa ni Kristell.
Humarap sa kanya si Haris. Salubong ang mga kilay nito.
"tama ka!" pwede mo yang gawin.
"pero lahat yan may kapalit.
"hindi mo ba naisip yun?" pwes sasabihin ko sayo!"
-tuwing may babaguhin ka sa mga pangyayari meron mamamatay at hindi mo iyon mapipigilan.
-at kapag sinubukan mong pigilan meron uling mamamatay, lahat mawawala at makikita mo yun ng dalawang mga mata mo!"
"naintindihan mona ba?"
Mariing paliwanag ng prinsepe saka ito nag laho sa hangin.
Naiwang luhaan si Kristell sa kama.
Hikbi ang namayani sa buong silid. Kanina lang ay masaya sila ngnit ngayon ay kabaliktaran na ang nangyayari.
Halos mamagaa ang mga mata nya sa kaiiyak ng gabing iyon hanggang sa makatulog sya ay hindi na bumalik si Haris sa silid.
Madilim ang buong silid at pumapasok ang hangin mula sa nakabukas na bintana.
"wag!" tama na!
"pakiusap" hindi!" pakiusap!"
Malamig sa buong silid pero ramdam ni Kristell ang pawis nya tulig sya pero tila gising ang kanyang diwa. Hindi naya alam kung nananaginip sya o hindi. Naririnig nya na may mga ingay sa paligid.
Napamulat sya ng mata.hindi nga sya na nanaginip. May naririnig syang ingay mula sa labas kaya bumangon sya kahit napakabigat ng pakiramdam nya.
Dumungaw sya sa bintana at nakita ang mga nag liliwanag na sulo mula sa ibaba. Maraming mga tao sa ibaba pero hindi nya makita dahil nanlalabo ang mga mata nya.
Suot ang puting bistida na pang tulog dahan dahamg lumakad si Kristell palabas ng kwarto at pababa ng hagdan.
Nakita nya ang nag tatakbuhang mga tagapag lingkod.
Hanggang sa makababa nasya, nakita nyang nasa labas su Pia at ang iba pa.
Naroon din din Haris na naka suot ng kanyang damit pandigma at may hawak na espada.
Nakita nyang may dugo sa mukha nito kaya agad syang lumapit dala ng pag aalala.
"anong nangyari?"
Nag aalala nyang tanong.
Saka akmang hahawakan sana nag mukha ng prinsepe pero nag balin ito sa ibang direksyon na tila ayaw pahawakan sa kanya ang mukha.
Natigilan si Kristell sa naging reaksyon ni Haris. Napayuko sya at nag pasya nalang bumalik sa loob ng palasyo pero bapadapo ang paningin nya sa kung anong bagay na nasa lupa.
Tila katawan ng tao na naka balot sa puting kumot.
Tatlo iyon na nakahilera.
Nanlaki ang mga mata nya ng sa wakas ay pumasoj sa utak nya kung ano ang mga iyon.
Mga bangkay iyon ng tatlong tao. Napatingin saya kay Pia na para bang gustong mag tanong pero napa iling lang ang prinsesa sa kanya.
"tingnan mong mabuti!"
" yan ang resulta ng pagiging makasarili mo!"
Mariing sabi ni Haris saka umalis roo. At iniwan sila.
Tila nawalan ng lakas ang mga tuhod nya at bumagsak sya sa lupa sa harap ng mga nakabalot na bangkay.
"Kristell!" magkasabay na sambit ni Dave at Pia ng makita nilang bumagsak si Kristell at nawalan ng malay.
Agad syang binuhat ni Dave at dinala sa silid nila ni Haris.
"Mataas ang lagnat nya." mahina ang katawan nya."
-at meron din syang ubo, nag aalala ako na baka lumala itong sakit nya."
"kaylangan syang mabantayan ng husto, lalo pa't ganitong sakit din ang dahilan ng- "
Kayo ng bahala sa kanya. Hindi na itinuliy pa bg doctor ang sasabihin dahil alam naman nyang batid ng lahat kung ano ang nangyayari.
Lumabas na ng silid ang Doctor at naiwan si Dave at Pia sa silid kasama Kristell na noon ay naka higa.
"ito nanga bang sinasabi ko."
-mukha yatang mabibigo nanaman tayo sa pagkakataong ito.
Mahinang sabi ni Dave na naka pamulsa.
"wag mong sabihin yan!"
-masyado pang maaga para mag salita ng tapos!"
Padabog na lumabas ng pinto si Pia.