Chapter 13: Fading

1264 Words
Dahan dahang nagmulat ang mga mata ni Kristell at nakakasilaw na liwanag na nag mumula sa bintana ang bumungad sa kanya. "ang sakit ng ulo ko" -ano bang nangyari?" Dahan dahan syang umupo sa higaan. Napa dapo ang paningin nya sa librong sinusulatan nya rinig nya ang ingay na ginagawa ng bawat pahina dahil sa hangin na pumapasok sa bintana.  Nanghihina ang kanyang mga tuhod pero pinilit nyang tumayo at mag tungo sa bintana para isarado iyon. Matapos isarado ang bintana naupo sya sa harap ng mesa at isinara ang naka bukas na libro na kanina ay nilalaro ng hangin ang bawat pahina. Matiim nyang tinitigan ang librong iyon. "kung ganun- wala rin pala akong magagawa? " "manonood lang ako sa mga mangyayari? " Napa hawak sya sa kanyang ulo ng makaramdam ng pag kirot. Tila nanunuyo ang lalamunan nya at sunod sunod ang pag ubo nya. Agad syang tumayo para kumuha ng tubig na nasa mesa sa tabi ng malaking kama. "anong nangyayari saken?"  Bulong nya matapos lumagok ng tubig mula sa babasaging baso. Mabigat ang ulo nya at mainit ang pakiramdam nya nararamdaman din nyang nag hahabol sya ng pag hinga sa tuwing kikilos sya. Samantala Nakarinig ng katoknsi Haris mula sa labas ng pinto ng study room kung saan sya naroon. Nakaupo sya at kasalukuyan noong mag hawak na libro ng pumasok si Dave. Hindi manlang ito nag abalang lingunin ang kapapasok lang na lalaki.  "hindi mo pinuntahan si Kristell?"      Tanong nito pero wala syang naging reaksyon. "uhmp. Tingin ko-hindi maganda ang lagay nya." -wala kabang balak na kamustahin manlang ang asawa mo?" Nakita ni Dave ang pag hugot ni Haris ng malalim na buntong hininga. Walang anumang bakas ng pag aalala sa itsura ng prinsepe. Sahalip patuloy ito sa pag lipat ng pahina ng hawak na libro.  Maya maya pa ay nagpasya nang lumabas nalang si Dave tutal ay wala syang nakuhang anumang salita sa prinsepe alam nyang hindi ito panahon para kausapin nya ito. "pasaway na prinsepe!" Sa isip ni Dave ng makalabas ng silid. Natanaw nya si Princes Pia na may dalang tray kaya patakbo syang lumapit rito. Napahinto pa ang prinsesa ng makita sya nitong tumatakbo palapit. "ano kaba?" baket ka tumatakbo?" Magkasunod na tanong ng prinsesa.  Nakangisi lang si Dave. "para kay Kristell ba yan?"   tanong nya kay Pia habang sabay silang lumalakad patungo sa direksyon ng silid ni Kristell. "Oo!" siguradong gutom nayun." ang sabi ni Lily kagabi pa hindi kumakain si Kristell." -para makamusta ko narin sya" Naka ngiting sabi ng prinsesa.  Nakarinig ng mga katok si Kristell mula sa labas ng pinto bago ito bumukas at iniluwa si Pia at Dave. Kapwa ito may ngiti sa mga mukha ng batiin sya ng mga ito. Nilapag ni Pia ang tray na may pagkain at gamot sa mesa na naroon saka naupo sa gilid ng kama na hinihigaan ni Kristell. "kamusta na ang pakiramdam mo?"    tamong ng pribsesa sa kanya. "ayos lang ako"  medyo nanghihina lang ako!"     Sagot nya saka napa ubo. Inabot ni Dave sa kanya ang baso na may tubig. "Kumain ka para lumakas kana" -sige ka baka mag mukha kang naglalakad na buto nyan!"     Biro ni Dave. Bahagyang napangiti si Kristell dahil alam nyang sinisubukan lang syang pasayahin ng lalaki. "ah s-si Haris?"   mahina nyang tanong. Nakita nya ang pagkawala ng mga ngiti ng dalawa. "uhmp. " medyo busy sya ngayon eh"  -p-pero wag kang mag alala sabi nya pupuntahan kanya pag natapos na ang mga kaylangan nyang gawin."     Pag sisinungaling nito. Halata naman ni Kristell na gawagawa ang mga sinabing iyon ng lalaki pero sinakyan nalang nya. "ewan koba?"  sabi ko naman okay kalang pero" "alalang alala parin sya"      Dagdag pa ng lalaki na nakangisi.  Napangisi nalang rin si Pia para sakyan ang pag sisinungaling ni Dave. "aww!!!    Impit na sabi ni Dave nang hampasin sya ni Pia sa balikat ng makalabas sila ng kwarto. "b-baket?"    maang na tanong ni Dave. "nag tataka kapa!" -napakalaki mong sinungaling!"       inis na sabi ng prinsesa saka padabog na nag lakad palayo. "grabe sya!"      bulong ni Dave. Ilang araw ang lumipas peeo ni anino ni Haris ay hindi manlang nya nakita. Wala ring naging pag babago sa kondisyon nya. Hindi sya gumagaling pero hindi rin naman lumalala ang sakit nya at nagagawa parin nyang mag sulat at tumayo. Nang araw na yun matapos gugulin ang mag hapon sa pag susulat pinilit nyang kayaning lumabas ng kwarto at lumakad papunta sa lugar kung saan nag hahapunan. Nitong mga nakalipas na araw  ay hinahatiran lang sya ni Lily ng pagkain sa silid nya kaya walang pag kakataong nakasabay nya si Haris sa pag kain. Napatingin si Dave at Pia ng makita syang papalapit. Agad na tumayo sin Dave para salubungin sya at alalayang lumakad papunta sa mesa. "Kristell!" baket kapa kumilos?" sana nag pahatid kana lang ng pagka-"    Natigilan si Pia ng mag salita sya. "ayos lang!" kaya ko naman ng kumilos,saka ilang araw narin akong nakakulong sa kwarto"     Sabi nya namay mga pilit na ngiti sa mukha.  Nang maka upo na ay dumapo ang tingin nya kay Haris na naroon. Patuloy ito sa pagkain at tila hibdi sya nakikita. Ni hindi manlang sya tinapunan nito ng tingin. Maya maya pa ay nag punas na ito ng bibig at tumayo na at umalis. Napasunod nalang ng tingin si Dave at Pia.  Napayuko si Kristell na may nag babadyang luha sa mga mata.  Pero pinilit nyang takasan ang emosyong iyon dahil ayaw nyang makita ni Pia at Dave ang kahinaan nya. Matapos kumain ay sinamahan sya ni Pia pabalik sa kanyang silid.  Nauna syang pumasok ng pinto. "wag mo na munang isipin si kuya." "siguro marami lang syang kaylangang gawin".     Sabi ni Pia habang sinasara ang pinto ng kwarto. Pag harap nya sa direksyon ni Kristelk nakita nya itong naka tayo lang at nakatalikod sa kanya at naririnig nya ang mga hikbi nito. Lumapit sya rito at nakita na nakayuko ang babae at patuliy sa pag agos ang mga luha.  Alam nya na marahil kanina pa nito pinipigil ang mga luhang iyon. "Kristell"      mahina nyang sambit sya niyakap ang babae. "pasensya na!" pasensya kana Pia!" -pero miss kona sya!" sobra!"  "ang sakit! Baket parang hindi nyako gustong makita?" "nasasaktan ako ng sobra!"  Sambit ni Kristell habang umiiyak sa mga balikat ni Pia. Ramdam ni Pia ang sakit na nararamdaman ni Kristell  ng sandaling iyon. At wala syang magawa kundi makisippatya sa nararamdaman nito at damayan ito kahit saglit. Habang hayakap nya ito napa dapo ang paningin ni Pia sa salamin na nasa harap nila at nanlaki ang mga mata nya sa nakita nyang repleksyon nila sa salamin. Nang makatulog na si Kristell agad nag tungo si Pia sa silid kung saan naroon si Haris. Padabog nyang ibinagsak ang pinta pag pasok nya. "ano bang ginagawa mo?"      Matalim ang mga mata nya na nakatingin sa kuya nya pero wala itong naging reaksyon . Nakatitig lang ito sa libro na tila nag babasa at ayaw magbpa istorbo. "kuya!"     bulyaw ni Pia saka kinuha ang hawak nitong libro at tinapon sa kung saan. ""ano-? Pia!"     Mataas din ang boses nito sa kanya at nag salubong ang makakapal na kilay nito. "kuya, ano tong ginagawa mo?" -talaga bang wala kanang paki alam sa kanya?"      magkasunod na tanong ni Pia. "kung tungkol nanaman to sa kanya?" pwede ba?" "nag lalaho nasya!"       Natigilan si Haris sa narinig na sinabi ni Pia. "kaya sya nandito, iyon dahil kaylangan natin sya!" "kinailangan mosya kuya"   "ano sa tingin mo ang mangyayari kung hindi mo na sya kailanganat binabalewala mo na sya?"  "para saan pa at nandito sya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD