EPILOGUE

562 Words
"MAMAYA ka na tumawag, I'm at a wedding," mahinang saway ni Dan sa kausap sa kabilang linya. "Yes, yes. May time ka na mag-asikaso ng kasal ng iba pero 'yong kasal natin ni wala pang definite na date," may himig ng pagtatampo naman na wika ng tinig ni Liam. "Hey, ginagawa namin ng mga kapatid ko ang lahat para masiguro na magiging perfect ang kasal natin. We can wait some more." "And here I thought, hindi mo gusto ng long engagement." Dalawang buwan na kasi ang nakakaraan simula nang mag-propose ito sa kanya. "I thought so too. Pero naisip ko din na entitled din naman ako sa dream wedding ko. Don't you think it would be pitiful kung mas maganda pa 'yong kasal ng mga kliyente ko kesa sa kasal ko?" Narinig naman niya ang mahinang pagtawa nito. "Okay, okay. I just can't wait to make you officialy mine." Hindi naman niya mapigilang mamula at kiligin. "You know I'm already yours." Muli ay napatawa na naman ito. "Sige na at baka nakakaabala na 'ko. I love you, Dan." "I love you too." At ibinalik na niya ang cellphone sa bulsa. These past two months has been nothing but pure bliss for her. Daig pa niya ang nakasakay sa isang happy train na walang katapusan ang biyahe dahil sa kasiyahang nadarama. Pagkatapos nilang magkabati ni Liam and after they cleared all the misunderstanding, naging smooth-sailing na ang relasyon nila. Her parents adored Liam, lalo na ang nanay niya. Hindi na nga makapaghintay ang mga ito na makasal sila. Ang tanging natitirang kontrabida na lang ay si Tita Sylvia, ang nanay ni Liam. Tahasan nitong pinapakita ang pagtutol sa engagement nila ni Liam. Pero wala naman na itong magagawa dahil kahit na ano pang gawin nitong pagrereklamo ay hindi na no'n mababago ang isip ni Liam. At least she's not trying to sabotage their relationship. Okay na sa kanya 'yon. Sigurado naman siya na balang araw ay matatanggap din siya nito para sa anak nito. Inilibot niya ang paningin sa simbahan. Nakatayo na at naghihintay ang groom sa bride. Tiningnan niya ang wristwatch. They were already five minutes behind schedule. Dapat ay kanina pa nandito ang bride. Nahagip ng mga mata niya si Sin na kapapasok lang sa simabahan at dagli siyang lumapit dito. "Nasaan ang bride?" tanong niya dito. "Ba't sa 'kin mo tinatanong? Akala ko nandito na siya, nauna na 'yong sasakyan niya sa kotse ko kanina. Eh si Mal?" "Papunta na 'yon." May naiwan kasi itong dapat gawin kanina kaya hindi ito nakasabay sa kanya pagpunta dito sa simbahan. Then bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya 'yon sa bulsa at tiningnan ang caller i.d, nakita niya ang pangalan ni Mal. Agad niya 'yong sinagot. "Mal, nasaan ka na?" "I just saw the bride being taken by another man. I'm following them now," pagkawika no'n ay nawala na ito sa linya. Napatingin siya sa cellphone, hindi sigurado kung tama ba ang narinig. "Ano?" "Anong sabi ni Mal?" tanong ni Sin. Sinabi niya dito ang sinabi sa kanya ni Mal. "Oh shit." Her sentiments exactly. WAKAS AN: Books 2 and 3 of the trilogy are both already published. You can buy it at any NBS or PPC branch near you. You can also order it from PHR's online shop; https://preciousshop.com.ph/ OR you can buy an ebook copy at; https://preciouspagesebookstore.com.ph/ :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD