CHAPTER TEN

3111 Words
HALOS ibaon na ni Liam ang mukha sa gabundok na papeles na nasa mesa niya. Pumipirma ng mga papeles, nag-re-review ng mga kontrata, even some accounts na hindi naman niya kailangang tingnan ay binabasa na rin niya. Handa na nga siyang gawin ang trabaho ng ibang department. Anything just to get his mind off things. Para kahit sandali ay mawala sa isipan niya ang mga bagay na gusto niyang kalimutan. Mga masasakit na salitang binitawan at natanggap. Pero alam naman niyang imposible 'yon. Maski siguro magpakalunod pa siya sa alak ay hindi 'yon mangyayari.  "Burrying yourself in work?" Nag-angat siya ng mukha at bahagya pang nagulat nang makita ang abuelo na pumasok sa opisina niya. Naupo ito sa upuan na katapat ng mesa niya. "That can't be good."  "Lolo, anong ginagawa niyo dito? I thought you have golf today."  "I do. But then tinawagan ako ni Shiela at sinabi niya na tatlong araw ka nang walang tigil sa pag-o-overtime. When I asked the guards, sinabi nila na halos alas-nuebe ka na kung umuwi. And based on the shadows under your eyes, I could only assume na ilang araw ka ng hindi nakakatulog ng maayos. May problema ka ba, hijo?"  Sasabihin na sana niya na walang problema pero napahinto siya kaagad nang makita ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ng lolo. "I lost the girl," natagpuan na lang niya ang sarili na sinasabi.  "Ah, woman problem. Was it the charming girl you brought to my party?" Tumango siya. "Nag-away kayo?"  Napatawa siya ng pagak. "Mas mabuti siguro kung 'yon lang po ang nangyari. I found her with another man."  "You didn't kill the guy, did you?"  "I almost did." Muli na naman niyang naalala ang tagpong nadatnan and the pain he felt was as sharp as ever.  "Anong paliwanag ang ibinigay niya sa 'yo?"  "She didn't give me any. She just got pissed off."  "Maybe because you immediately accused without hearing her side of the story."  "Maybe I did. And then she tossed me out, but not before telling me she didn't love me anyway."  "And you believe her?"  Hindi niya magawang isipin pang muli nang sabihin nito na hindi siya nito mahal. It just hurts too much. "It's hard not to when she said it straight to my face." Tumingin siya sa labas ng glass windows ng opisina niya. "Hindi lang naman po 'yon ang problema. She falls in love too easily." And isn't that really the main problem?  "Does she? But you too, have been in love before. Nakailang kasintahan ka rin naman, hindi ba?"  "It's different, Lolo," wika niya, hindi na napigilan ang frustration sa tinig. "This is the first time I ever felt something like this for someone."  "Ah." Amused siyang tiningnan ng abuelo as if he was back to being a seven year old kid. "So it's okay for you to play with love until you find the one who will make you feel the way you're feeling now, but it's not okay for that girl, Dan."  "It's--" Put that way, it was tough to argue his point. "I was jealous, Lolo. Damn, I have a right to be jealous!"  "I never said you don't. But that doesn't mean you have the right to be an ass." Napangiwi siya dahil sa lenggwaheng sinabi nito. "And did you, made an ass of yourself?"  "I did. Big time." Inaamin naman niya na may kasalanan din siya. Na kalahati ng dahilan kaya nauwi sa ganoong paraang ang usapan nila ay dahil rin sa kanya. "I was going to ask her to marry me, Lolo. I had the ring in my pocket. I was scared to death she'd say yes. More scared that she'd say no." Muli ay naalala na naman niya ang tagpong nadatnan. "What the hell was she doing kissing that son of a b***h?"  "Language, hijo," paalala sa kanya ng abuelo. "Maybe if you had asked nicely, she would have told you."  Pasalampak siyang sumandal sa inuupuan. "I really doubt it would change anything."  "You won't sit here and bury yourself with paperwork until somehow you convinced yourself that you already forgotten about her, do you?" tanong ng Lolo kapagkuwan.  Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya. "I could never forget about her." Kahit siguro tutukan pa siya ng baril ngayon ay hindi niya 'yon magagawa.  "Then clear your head and stop this moping. If you still want to marry this girl, find her and grovel. Grovel until she forgives you and takes you back. Understood?"  Muntikan na siyang mapatawa. How comical that he has to receive love advise from his own grandfather. Pero tama naman ito. Walang mangyayari kung mananatili lang siya dito sa opisina niya at magpapakalunod sa trabaho. Kahit na sinabi ni Dan sa kanya na hindi siya nito mahal, hindi pa rin niya ito kayang isuko. He could never give up on his feelings for her. He couldn't and never will.  "Yes, sir." PAGKAGALING sa opisina ay dumiretso si Liam sa Troublemakers. Weekday, kaya malamang sa hindi ay nandoon si Dan at nagtatrabaho. Ipinangako niya sa sarili na magiging resonable siya. They would discuss the entire matter like civilized adults. And if she didn't give him the right answers, he'd strangle her. He would just turn himself to the police afterward.   Pero pagdating niya sa boutique ang tanging nadatnan niya doon ay ang mga kapatid ng dalaga. Sin's eyes frosted over nang makita siya nito. "What the hell are you doing here?"  "I need to see Dan."  "Wala siya dito," kalmadong wika ni Mal but he could see her eyes shooting daggers at him.  "Nasaan siya? Nasa bahay ba?"  "As if sasabihin namin 'yon sa 'yo. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa kanya?" Lumapit si Sin sa kanya at itinulak siya. "Pinaiyak mo siya at wala 'yong kapatawaran."  A pang ran through him dahil sa narinig. She cried. At siya ang may kasalanan. Nakuyom na lamang niya ang kamao.   Pinagmasdan niya ang mga kapatid ng babaeng minamahal. Parehong galit ang mga ito sa kanya dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Dan. So this was the first line of defense. Kung gusto niyang makaabot kay Dan, he needed to get passed through this. Through them.  "Tell me where she is. Please."  "Again, why the hell would we do that?" singhal sa kanya ni Sin.  "I love her," simpleng sagot niya.  Halata namang hindi inaasahan ng dalawa ang sagot niyang 'yon. Tiningnan lamang siya ng masama ni Sin but Mal looked at him as if he's a specimen under a microscope. Na para bang tinatantiya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.  "She's in Baguio," makalipas ang ilang sandali ay wika ni Mal. Then she told him the name of the place Dan was staying.  "Mal!" saway dito ni Sin.  "Salamat," tanging wika niya. Dali-dali na siyang lumabas ng boutique at sumakay sa kotse niya.  Inis na bumaling si Sin sa kapatid. "Bakit mo sinabi sa kanya?"  "Because he loves Dan and Dan loves him. They deserve another chance. And I don't really want to see Dan cry forever because she didn't end up with the man she loves."  Napailing na lamang si Sin. "You better hope na magkaayos ang dalawang 'yon. Because if not at nalaman ko na mas pinaiyak lang niya ang kapatid natin, I will personally assassinate that guy." DAN HATED feeling this way. Nakahiga siya sa kama ng cabin na nirentahan niya sa Baguio. Tatlong araw na siyang nandirito. Biglaan lang ang ginawa niyang pagbabakasyon. She couldn't possibly stay at their house when she was crying every minute, every second of the day. Tiyak na ipapaospital siya ng nanay niya kapag nakita siya sa ganitong ayos. So she decided to go here in Baguio. Thinking that the cold weather could numb away the pain. But it never did.  The only way she could get from one day to the next was by telling herself it would get better. It had to get better. 'Yon nga lang, maski siya ay hindi naniniwala do'n. She'd fallen in love and had her heart broken. Ngayon ay nandito siya, nagkukulong sa isang cabin, sleeping her days away. Pero hindi naman maaari na habambuhay siyang manatili in this lethargic state. Tomorrow, no, the day after that, she would find a way to put her life back together.  Pero sa ngayon, matutulog muna siya.  Babalik na sana siya sa pagtulog nang marinig niya ang sunud-sunod na katok sa kanyang pintuan. Hindi niya 'yon pinansin. Pero makalipas ang ilang sandali ay patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sinumang 'yon. Labag man sa loob niya ay napilitan siyang bumangon. Lumabas siya ng silid, dumiretso sa may pinto at binuksan 'yon. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang makita ang taong pinagbuksan.  Nakatayo sa harapan niya si Liam. All he did was look at her and she nearly crumpled to her knees. "Anong ginagawa mo dito?"  "Sinabi sa 'kin ng mga kapatid mo na nandito ka," sagot nito habang pinagmamasdan siya.  At that moment, she want nothing more than to strangle her sisters. Those traitors, bakit sinabi ng mga ito kay Liam kung nasaan siya?   Sinubukan niyang tumingin dito pero hindi niya magawa. "I have a meeting with someone so you can leave now."  "You can't look at me when you lie," biglang wika nito, more to himself than her.  Pinilit niya itong tingnan dahil sa sinabi nito. "What do you want, Liam?"  "Madami. I want a great too many things. Maybe too many. But first, I want you to forgive me."  Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Inihilamos niya ang kamay sa mukha para matakluban ang kung anumang ekspresyon na ipinapakita no'n. "Just go and leave me alone."  "Dan, hayaan mo akong--"  Nakita niya ang pag-angat ng isang kamay ni Liam as if he was going to touch her pero mabilis niya 'yong tinabig. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag hinawakan siya nito ngayon. She might fight another bout of tears. "Don't."  "I won't touch you," mahinang wika nito, his voice, strained. "Hayaan mo lang ako na sabihin ang mga bagay na gusto kong sabihin. Na kailangan kong sabihin. Pakiusap."  "Ano pa bang sasabihin mo?" Tinalikudan niya ito at naglakad papasok sa loob ng cabin. "I already know what you think of me. You made that perfectly clear."  "What I did was hurt you and make a fool of myself."  "Oh yes, you hurt me." And she was still trembling from it. "Pero hindi lang dahil sa nangyari nung huli. You hurt me every time you pulled back when I needed to tell you how much I loved you. I thought, I won't let it matter, because he'll have to see it. God, he'll have to see it, because it's right there every time I look at him. Every time I think about him. And he loves me. But it didn't happen." Bumaling siya dito. "At 'yon ang mas masakit, Liam."  "Patawad. Sarili ko lang ang iniisip ko and I didn't pay any mind to your feelings. I've been selfish and insensitive. But I love you, Dan. Kaya pakiusap bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon." May pagsusumamo sa tinig nito na noon lamang niya narinig.  "It won't work." Kinusot niya ang mata para mapigilan ang nagbabadyang luha. "I thought it would, I wanted it to. I was so sure love would be enough. But it's not. Not without faith."  "Gusto mo ba akong magmakaawa?" Hindi nito pinansin ang ginawa niyang pag-atras at hinawakan ang magkabila niyang balikat. "Then I will. You're not going to push me out of your life because I was stupid. Hindi kita hahayaan."  Ganito ba ito magmakaawa? With his eyes flashing fire and his voice booming? "And what if you found me kissing an old friend again?"  "I won't care." Pero pagkakuwan ay bigla na lang siya nitong binitiwan and let out a very expletive curse. "I will care. I'll kill the next one who touches you."   "Then you'll be a serial murderer in no time." Dapat matawa siya sa nangyayari but she can't find anything funny about it. "Hindi ako magbabago para sa 'yo, Liam. Hindi mo mababago ang nakaraan ko o kung sino ako."  "Alam ko 'yon." Inihilamos nito ang kamay sa mukha. "Alam ko kung ano ang halik sa pagitan ng dalawang magkaibigan. I'm not that big of a fool. Pero nung isang araw, nang makita kita--"  "Inisip mo kaagad na pinagtaksilan kita."  "Hindi ko alam kung anong naisip ko. When I saw you, I felt... It was all feeling, I didn't think at all. I know better than to assume anything. Hindi tama ang naging reaksyon ko at hihingi ako ng tawad sa 'yo kahit gaano pa kadalas kung 'yon ang gusto mo. Pero sana kong pakinggan mo ang sasabihin ko."  Nakikita niya ang sinseridad sa mga mata nito at bawat katagang lumalabas sa bibig nito. She felt her heart slowly opening. Nandoon ang matinding kagustuhan na bigyan pa ito ng isa pa uling pagkakataon. Bigyan pa sila ng isa pang pagkakataon. Dahil kahit na ano pang nangyari, kahit ano pang salitang nasabi nila sa isa't-isa, hindi pa rin no'n mababago ang katotohanan na mahal na mahal pa rin niya ito.  "Liam, nando'n si Rob kasi--"  "I don't need to know." Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. "Hindi mo kailangang ipaliwanag ang sarili mo sa 'kin. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para sa 'kin."   Parang may kung anong gumalaw sa loob ng puso niya and was afraid to believe it was healing. "I'd rather clear the air. I was too angry to do it before. Dinalaw ako ni Rob para ibalita na buntis ang asawa siya. He's just too excited na kahit pitong buwan pa bago manganak ang asawa niya, he already asked me na mag-ninang. Him kissing me was just his way of showing how ecited he was."  Idinikit nito ang noo sa noo niya. "I ought to be shot." Nang subukan nitong idampi ang labi sa labi niya ay umiwas siya. "Just once."  She let him kiss her. He crushed her against him so neither of them could breathe. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang unti-unting paglaglag ng kanyang mga luha.   "Please. Please don't cry." Pinunasan nito ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi. "I'll break apart."  Kahit mahirap ay pinilit niya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "I didn't want you to come back. I didn't want to feel this again."  Mariin nitong ipinikit ang mga mata. "I know and I deserved that. You were right to send me away. So now, gusto ko ng isa pang pagkakataon para patunayan sa 'yo that you're right to let me back in."  "Hindi mo kailangang muling humingi ng tawad." Napagtanto niya that she could do nothing but love him. Umatras siya at kahit paano ay nagawa niyang ngumiti dito. "And I can't let you back in, because you were always here."  Ginagap nito ang palad niya. "That easy?"  Marahan siyang umiling. "It's not easy. It's just the way it is."  "Lolo said I should grovel," mahinang wika nito.  Napangiti siya. "You won't know how to grovel even if it bit you right in the face. Let's just put it behind us. After all, I'm pretty good with fresh starts."  "I like our other start. We don't need a new one." Dinala nito ang kamay niya sa labi nito at kinintalan 'yon ng mumunting halik. "Nagpaliwanag ka na, ngayon hayaan mo naman ako. Natakot ako na maniwala sa 'yo. No other woman has ever meant to me the way you do. I imagine myself being with you forever, just as I imagine you turning away. And because I was more afraid of the second, it seemed more real."  "It's hard not to be afraid."  "That day I brought something for you." May kinuha itong maliit na kaheta mula sa bulsa nito.   Napatitig lamang siya sa kahon, hindi sigurado sa kung anong mararamdaman. But she felt like crying again. "May balak ka bang ipakita sa 'kin ang laman n'an?" nagawa niyang sabihin kahit na may kung ano nang bumikig sa lalamunan niya.  Binuksan nito ang kaheta and she saw the most beautiful ring she had ever seen. It was a princess cut pink diamond. The stone must be more than twenty-four karat and it definitely cost a fortune.  "If you don't like it, I can buy something else."  Nagawa niyang ialis ang mga mata sa singsing. "It's beautiful, Liam." Tiningnan niya ang binata. "So kaya ka dumalaw sa bahay three days ago ay para ibigay ito sa 'kin and then you saw me and Rob kissing. No wonder you wanted to kill us."  "Only him, never you." Nag-aalangang tumingin ito sa kanya. "You forgive me?"  She already had, pero dahil mukhang kinakabahan ito sa magiging sagot niya ay tumango na lamang siya. "Anyone who would buy me such a beautiful ring deserves a second chance."  "Nang makita ko 'to, ikaw agad ang naisip ko. My idea was to pressure you to accept it, then push for a quick wedding para hindi na magbago ang isip mo. Pero mali 'yon. It was stupid, and it showed a lack of faith in both of us. I'm sorry."  Ayaw man niya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkadismaya. "I- I don't mind."  "A proposal should be romantic. Kapag pareho na tayong handa, then I'm going to ask you properly."  Lalo pang tumindi ang pagkadismaya niya sa narinig. "Kapag pareho na tayong handa?"  "Kailangan natin ng oras, long engagement and all."  "Long engagement," ulit niya.  "Okay." Naghintay ito ng ilang sandali bago muling nagwika. "I think I'm ready."  Bago pa siya makatawa dahil sa inakto nito ay bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya. "Anong ginagawa mo?"  "Asking you to marry me," wika nito na sinabayan pa ng pagbukas sa kaheta.  "Then I want you to do it standing while looking at me straight in the eyes," sagot naman niya na hinigit na ito patayo.  "Then I also want something."  "Anything."  "I want to hear it. Those words na ilang beses kong pinagkait na sabihin mo. I want to hear you say it."  "I love you, Liam." At alam niya sa pagkakataong 'yon they would be taken as they were meant. "I will love you forever."  Binigyan nito ng mabilisang halik ang kanyang labi bago inalis ang singsing sa kaheta at inilagay sa palasinsingan niya. "I really want to be romantic. Pero--"  "No. This is enough. This is perfect."  Hinalikan nito ang singsing sa kamay niya. "Then say yes."  "Yes." Niyakap niya ito ng buong higpit. "A big, big yes!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD