NILALARU-LARO ni Dan ang straw ng biniling inumin. Nasa labas siya ng isang cafe sa Greenbelt at hinihintay ang pagdating ni Liam. Mas maaga siya ng dalawampung minuto sa oras na napag-usapan nila. Masyado siyang excited kagabi na halos hindi na siya nakatulog. Napaaga din ang alis niya sa bahay. Anim na araw din niyang hinintay ang araw na 'to. Of course she's dying of excitement.
Habang iniisip niya kung saan sila pwedeng pumunta ni Liam, may dalawang lalaki ang bigla na lang lumapit sa kinauupuan niya.
"Hi Miss! Wala ka bang kasama? Want to play with us?" tanong ng isa.
"Promise mag-e-enjoy ka," wika naman ng isa.
Tinitigan niya ang mga ito. Mukhang college students ang mga ito, she can tell it just by looking at their cocky attitude and the way they carry themselves. Akala siguro ng mga ito ay kaedaran lang niya ang mga ito. After all, she does look younger than her twenty-six years. Nginitian na lang niya ang mga ito. "I'm waiting for someone."
"Oh come on. Someone who makes a pretty girl like you wait is definitely not worth your time."
"Kaya sumama ka na lang sa 'min."
Although she appreciates the attention, hindi siya sigurado sa kung ano ang gagawin kapag naging masyado nang mapilit ang mga ito. She's not like Mal who can easily fend off anyone just by giving them her cold stare or like Sin who can be pretty violent. "I really--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa pagdantay ng mabibigat na kamay sa balikat niya. Tumingala siya at bahagya pang nagulat nang makita si Liam but she was more surprised to see the dark expression on his face.
"Hindi siya interesado. Now pissed off, damn brats." He was literally giving off a killing aura, no wonder hindi na nakipagtalo pa ang dalawang lalaki at agad nang umalis ang mga ito.
"Hey Liam."
Nagbaba ito ng tingin, a clear displeasure on his face. "You could have said 'no' more strongly."
Tumayo siya, nagtataka sa reaksyon nito. Then it hit her and a slow smile spread on her face. "Nagseselos ka ba?"
"No, I'm irritated."
"It's the same. If you're irritated seeing other men flirt with me, then you're jealous. Even if just a little bit."
He grunted. Napangiti na lamang siya at hinayaan ang sarili na titigan ito. He was wearing a black polo-shirt and jeans. Ang buhok nito, that was always slicked backed on the two times she saw him, was now in a wild disarray. He looked more like a charming boy-next-door than a CEO of a big company.
Inayos niya ang kwelyo ng suot nitong polo. "You look good."
Pinasadahan siya nito ng tingin. "And you look like a teenager."
Napatawa lamang siya. Nakasuot siya ng denim sleeveless blouse that she tucked in a pastel colored skater skirt. Kinulot din niya ng kaunti ang buhok niya and tied it into a beaitiful knot. Umikot siya sa harap ni Liam. "Don't I look cute?"
Sa pagkagulat niya ay bigla na lang nitong ginulo ang buhok niya. "Yes, yes. You look abnormally cute," wika nito in a patronizing tone.
Tinampal niya ang kamay nito. "Liam! Alam mo ba kung gaano katagal kong inayos 'tong buhok ko? Now it's all ruined."
Sa halip na humingi ng tawad ay inalis nito ang pamuyod niya, making her hair fall off. Then he entwined his fingers to some of the strands. "Just let it down. You look more beautiful this way."
Muntikan na siyang atakihin sa puso dahil sa sinabi nito. She heard many compliments before nut none affected her the same way as hearing him say she's beautiful. It went straight to her heart like a very poweful spear. Itinapat niya ang kamay sa dibdib, ang lakas ng t***k ng puso niya. Pilit niyang kinalma ang sarili or else hindi siya makakaakto ng normal sa harap nito. He said she was sly, but... Aren't you the sly one?
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong nito.
"Saan mo ba madalas dinadala ang mga nakaka-date mo?"
"Usually it's just a dinner-date. Hindi ko na matandaan ang huling beses na lumabas ako in broad daylight just to take a woman on a date."
"Hmm, somehow that makes me feel very special." Ibig-sabihin kasi he's not treating her like all the other woman he'd gone out with. Umabrisite siya dito. "Then let's just do the basic. Manonood tayo ng sine, maglilibot-libot, then eat dinner. Ano sa tingin mo?"
"That's fine, I guess."
MUSIC and Lyrics ang napili ni Dan na papanoorin nila. Ilang linggo na niyang gustong mapanood ang pelikula pero dahil sa dami ng kliyente nila nitong nakaraan ay hindi siya magkaroon ng pagkakataon na pumunta ng sinehan at manood. Mabuti na lang at showing pa rin ito hanggang ngayon. She liked the premise of the movie. It's about a washed-up 80s pop star and his plant lady who ended up falling in love with each other.
Nang sabihin niya kay Liam kung ano ang papanoodin nila, he visibly cringe pero hindi naman ito nagreklamo. Kaya nanood na lamang sila. The story line was a bit cliched. You already have an idea on what would happen at the get go. But it was still pleasant to watch. Nagustuhan din niya ang tambalan nina Hugh Grant at Drew Barrymore. They definitely have chemistry. All in all, masasabi niyang hindi naman sayang ang pera na binayad nila sa sinehan.
"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love." Hindi niya napigilang kantahin ang opisyal na kanta ng pelikula habang naglalakad sila palabas ng sinehan. It just kind of stuck to her, like some sort of last song syndrome.
"Mukhang na-enjoy mo yung movie," komento nito. "You even memorized that song."
"It was cute. Ikaw, hindi ka ba natuwa man lang?"
"Drew Barrymore is hot, so I guess, pwede na."
"That's such a guy answer."
"Well, she is hot."
Umingos siya. "So you were busy admiring Drew Barrymore's hotness. No wonder you didn't take advantage of me while we're watching. Hinihintay ko pa naman na hawakan mo ang kamay ko," may pagbibirong wika niya.
"Groping in the dark is not really my thing. If I'm going to touch you, I'd do it in broad daylight or somewhere na may liwanag. Para makita ko ng mas maayos ang magiging reaksyon mo."
He said it with such a straight face na para bang sinabi lang nito sa kanya ang paborito nitong pagkain. Samantalang siya ay ramdam na ramdam ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Sigurado din siya na pati teynga niya ay namumula. Agad siyang nagbaba ng tingin bago pa man nito 'yon mapansin. Seriously- this guy.
Pero bago pa man niya tuluyang mapakalma ang sarili ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya. "Saan na tayo pagkatapos nito?"
Calm down, heart. "We'll go shopping."
Napangiwi ito. "I hope your not one of those women na binibili ang lahat ng makita nila kahit hindi naman nila 'yon kailangan."
"Don't worry. It's nothing your credit card couldn't handle."
Then may ginawa ito na hindi niya inaasahan. He laughed. Parang biglang nagliwanag ang mukha nito. The laugh lines on his face making him look a lot younger. Seeing him laugh made her heart beat harder and harder. It rose a thousand miles upward and just fell. Patuloy 'yon sa pagbagsak at meron lang 'yong isang destinasyon. Pero bago pa man 'yon tuluyang bumagsak, she immediately stopped herself.
Ayaw niyang isipin na nahuhulog na ang loob niya kay Liam. She wouldn't want to jump into conclusions. Again. Because this time, if she did fall in love, truly fall in love, she wanted to make sure it was right. Because she has a feeling that if she messed this one, she wouldn't be able to survive it unscathe.
KINAGABIHAN, they went to Yellow Cab's to have dinner. They ordered the biggest pizza, some salad and grilled potatoes, and sodas. Madaming napamili si Dan, bumili siya ng mga libro para kay Mal, isang polaroid camera para kay Sin, at video games para kay Rune. Of course bumili rin siya ng bagong damit para sa sarili niya. A lot of clothes, in fact she had a splurge. At ang mas masaya, she didn't have to spend a single dime. Liam paid for it all.
"You bought a lot," wika nito sabay kagat sa slice ng pizza na hawak nito.
"Pero kagaya nga ng sinabi ko sa 'yo, it's not something your credit card couldn't handle." Kumuha siya ng isang slice ng pizza. "'Wag kang mag-alala, I'll pay you back. Ayoko namang sabihin mo na pineperahan lang kita."
"Hindi na kailangan. I can afford to lose some money."
"Oohh... spoken like a true millionaire. At dahil sinabi mo 'yan, hindi na ko makokonsensiya sa mga pinamili ko. I'll just give you my neverending gratitude."
"Para sa 'yo lang ba 'yang lahat ng pinamili mo?"
"Nope. Yung iba para sa mga kapatid ko. I have three by the way, two sisters and one brother."
"Three, huh. That's already a lot. I bet you're all quite a handful."
"My little brother, not so much. Tamad kasi 'yon, he'd rather sleep than cause trouble. Me and my sisters on the other hand, now that's different. Major sakit ng ulo kami ng mga magulang namin." Hindi niya mapigilang matawa habang inaalala ang mga kalokohan na ginawa nila noon.
"You must be pretty close in age."
"Yup. In fact we're triplets."
Napahinto naman ito sa pagkagat ng pizza dahil sa sinabi niya. "Seryoso?"
"Ba't naman ako magbibiro?"
"Ibig sabihin may dalawa pang kagaya mo na nabubuhay dito sa mundo? Raising three hellions, that must be real tough for your parents."
"Hmm... we're not exactly the same. Well, we have the same face pero magkakaiba ang ugali namin. One of these days, ipapakilala kita sa kanila. And if you're really good, you'll immediately know who's who."
"Then ibig sabihin ba no'n, this date is not just a one time thing?"
"Of course not. Sabi mo nga, I'm not easy to shake off. I won't let you off so easily. Lalo pa ngayon, ginastusan mo na 'ko."
Kumuha siya ng isa pa uling slice ng pizza pero bago pa niya 'yon makagat bigla na lang hinawakan ni Liam ang kamay niya na may hawak do'n. Then he leaned down and took a bite from her pizza.
"Good. Because I'm not done with you yet," wika nito na sinabayan pa ng pagngiti ng nakakaloko.
Nando'n na naman ang kakaibang pagwawala ng puso niya. Pero agad niya 'yong kinontrol bago pa man siya magkandautal sa harap nito. "Mag-ingat ka, Liam. Because the day that you will be done with me may not come."
"We'll see."
Pagkatapos kumain ay hinatid na siya ni Liam sa bahay nila sa fairview. Habang nasa biyahe ay kwento siya nang kwento dito. Hinahayaan lang naman siya nito. Most of the time he would just grunt in response that only made her laugh. Before long, hindi niya napansin na nakarating na sila sa bahay niya. Itinigil nito ang sasakyan sa tapat ng gate nila at tinulungan siya na ibaba ang mga pinamili niya.
"Do you want to come in?" tanong niya dito.
Umiling ito. "Maybe next time. But before you go inside, don't forget na kailangan mo pang sabihin sa 'kin ang buo mong pangalan."
Napangiti siya, muntikan na niyang makalimutan ang tungkol do'n. "Okay. Since you earned it. Try not to be too surprised though because it's a bit unusual. Dan is short for Dangerous."
Ilang segundo din siguro itong nakatitig lang sa kanya na para bang hindi pa nag-si-sink in dito ang sinabi niya. Then bigla na lang itong bumulanghit ng tawa. "Man, your parents have warped sense of naming." Inabot nito ang ilang hibla ng buhok niya at ipininid 'yon sa likod ng kanyang teynga. His laugh slowly turned into a small smile. "But then, that name perfectly suits you. Dangerous."
"I thought so too," nakangiti niyang wika, quite pleased na nagustuhan nito ang pangalan niya. "Well then, this have been a real interesting day. Thank you, Liam. I had fun." Lumapit siya dito at tumingkayad. Mabilisan niyang idinampi ang labi sa labi nito. He tasted faintly of mint, and his firm lips seemed to accept the gesture as it was meant - as one of affection and curiosity. "Good night."
Tumango lang ito at nagsimula nang maglakad pabalik sa kotse nito. Nasa tapat na ito ng driver's seat nang lumingon ito sa kanya. She smiled and waved a goodbye. Pipindutin na sana niya ang doorbell ng gate nila nang bigla na lang nitong isinara ang pinto ng driver's seat at maglakad pabalik sa kanya.
"May nakalimutan ka ba?" takang tanong niya.
"Yeah." Very slowly, very deliberately, he slid his arms around her waist, ran his hand up her back, so that her eyes widened and her skin shivered. "I forgot I like to make my own moves."
He didn't swoop or crush, but eased her closer, degree by degree, until she was molded to him. His eyes stayed open as he moved his mouth to hers, brushing, nipping, then taking, in a dreamy kind of possession that had her own vision blurring. He never pushed, he never pressured, he savored, as a man might who had enjoyed a satisfying meal and was content to linger over a tasty dessert. Ni hindi niya magawang magprotesta.
Sa kauna-kaunahang pagkakataon sa buhay niya, Dan understood what it meant to be helplessly seduced.