KATATAPOS lang ng board meeting na dinaluhan ni Liam, kasalukuyan na siyang pabalik ngayon sa sariling opisina. Inalala niya ang schedule niya para sa araw na 'yon. Ito na ang huling meeting niya para sa araw na 'to. Ang natitira na lang niyang dapat gawin ay pumirma ng mga papeles at pag-aralan ang ilang mga proposal. Pagpasok niya sa opisina niya ay nagsimula na siyang magtrabaho. Pero ilang minuto pa lang ay nasa ibang bagay na kaagad ang utak niya. O mas tama yatang sabihin na ibang tao.
Nitong mga nakaraang araw ay madalas na nangyayari 'yon sa kanya, mapapatigil siya sa ginagawa and then he would just suddenly think of her. Of Dangerous Saavedra. Kapag naalala niya ang buo nitong pangalan ay hindi niya mapigilang mapangiti. It was just so unusual. Pero kagaya nga ng sinabi niya dito, it suits her. Because that's what she was. Dangerous. If you let your guard down, even for just a bit, she could easily destroy your defenses. Pero mukhang wala na rin namang silbi na mag-ingat pa siya. Because she already got under his skin. At unti-unti ay binubuwag na din nito ang pader na nakapalibot sa puso niya.
Halos isang buwan pa lamang niya itong nakikilala and yet he alreasy felt like his world has been turned upside down. He knew nothing would be simple with her but despite that he still didn't stop himself from getting involved with her. Isa pa, huli na para umatras pa siya. Not after that one mind-boggling kiss. A kiss that almost turned his brain into mush.
After that first date ay ilang beses pa ulit silang lumabas ng dalaga. They mostly went out to dinner dahil na rin sa busy niyang schedule. He really enjoys her company, more than he cared to admit. There was never a dull moment when he's with her. She's always so lively and animated na hindi siya napapagod na makinig lamang sa mga kwento nito. And she doesn't seem to mind that. Iniiwasan niya na magkwento dito patungkol sa trabaho niya, because he knew how boring it would be. But she always listen to him attentively. Na para bang napakainteresante ng sinasabi niya. Isa 'yon sa mga bagay na talagang gustung-gusto niya dito.
Yes, he likes her. To the point na ang tanging nais lang niya ay makasama ito araw-araw. Napailing siya. This was like a new territory for him. He was not even sure what kind of relationship he has with her. Sila ba yung matatawag na 'exclusively dating'? It kind of frustrates him that he can't define their relationship. It annoys him more that Dan was fine with it. Na kung tutuusin ay hindi naman dapat niya ikainis. Dapat nga ay matuwa pa siya because she's not asking for any commitment from him. Pero kabaligtaran no'n ang nadarama niya na labis niyang hindi maintindihan.
She's really twisting him into knots.
Natigil ang pag-iisip niya nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya napigilang mapangiti nang makita ang pangalan ni Dan sa caller i.d. Agaran niya 'yong sinagot. "Hey."
"Hi Liam! Nasa vicinity ako ng office building niyo. Okay lang ba if I drop by, that is, if you're not busy?"
"I'm not busy."
"Good," he could hear the smile in her voice. "I could bring food kung hindi ka pa nakain ng lunch."
"That's a good idea."
"Anong gusto mong kainin?"
"Surprise me."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Fine. I'll see you later then." At tinapos na nito ang tawag.
Not busy, huh? Sinulyapan niya ang bunton ng mga papeles na nasa desk niya. He really has it bad.
NAKANGITING pumasok ng elevator si Dan, nando'n na siya sa building ng De Alva Food Corp. Isa 'yon sa pinakamataas na building na nakita niya, hindi naman nakapagtataka dahil isa naman talaga itong malaking kumpanya. Pinindot niya ang floor kung saan sinabi ni Liam na nando'n ang opisina nito. Sinulyapan niya ang dala-dalang bag ng pagkain. She hoped Liam likes Chinese.
The two of them has been going out for the past two weeks and even though it's just mostly dinner, sapat na 'yon para manatiling maganda ang mood niya nitong nakaraang dalawang linggo. She's been on cloud nine na pakiramdam niya ay lumulutang na siya sa kaligayahan. Sa nakalipas na mga araw ay bigla-bigla na lang siyang napapangiti ng walang dahilan which really annoyed the hell out of Sin. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. Liam just has that effect on her.
They shared a couple of kisses after that first one. All of it as brain-wrecking as the first. Na para bang lagi na lang biglang tumitigil ang mundo sa pag-ikot at ang tanging mahalaga lamang ay ang sandali na naghinang ang kanilang mga labi. She never felt like that for anyone before. That's why she knew Liam was different from all the other men she dated before. He's special. Kaya naman hindi niya mamadaliin ang mga bagay-bagay. Because she really wanted him to be the one. Hindi siya magpapadalos-dalos. This time, she won't say I love you until she's one hundred percent sure of her feelings. This time, for sure.
Pagdating sa floor ng Liam ay agad na siyang lumabas ng elevator. Inilibot niya ang paningin, madaming cubicles sa paligid pero iisa lang ang nakikita niyang opisina. Iyon marahil ang opisina ni Liam. Dagli na siyang lumapit doon pero bago siya makalapit sa opisina ay hinarang na siya ng isang babae.
"Is there something you need?" tanong nito. Ito marahil ang secretary ni Liam, ang cubicle kasi nito ang pinakamalapit sa opisina ng binata.
Binigyan niya ito ng malawak na ngiti. "Hi, I'm here to see Liam. I mean, Mr. De Alva."
Muntikan nang tumabingi ang ngiti niya dahil sa ginawa nitong pagtitig sa kanya mula ulo hanggang paa. "Do you have an appointment?"
Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwal no'n si Liam. As usual, he looked so dashingly handsome in his business suit. Kahit ilang beses na niya itong nakita sa gano'ng ayos ay hindi pa rin niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa tuwing nakikita ito.
"Dan," dagli itong lumapit sa kanya. Nang makita nito ang mga dala-dala niya ay agad nito 'yong kinuha sa kanya. "You should have called that you're here already. Sana nasalubong kita sa may lobby."
"Hindi naman na kailangan. As you can see I made it here in one piece."
Bumaling ito sa sekretarya nito. "Sige na Shiela, ako na ang bahala dito."
"Yes, sir." Bago ito bumalik sa cubicle nito ay nakita niyang tinapunan siya nito ng masamang tingin. Napataas lamang ang kilay niya sa inakto ng babae.
Iginiya na siya ni Liam papasok sa opisina nito. The office was spacious. May desk na malapit sa bintana, shelves full of books, couches with a glass table to go with it. Doon ipinatong ni Liam ang dala niyang pagkain.
"You know, I don't think your secretary likes me," komento niya habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid.
"That's just the way she acts pero hindi ibig-sabihin no'n na hindi ka na niya gusto."
"Hmm... I think she's jealous of me because she likes you."
"At saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?"
"Dahil babae din ako. I know things. So, you've never been tempted by your secretary? She's pretty enough."
"I don't mix business with pleasure."
Lumapit siya dito. "Then buti na lang pala hindi tayo magkatrabaho. Don't you think so?" nakangiting tanong niya dito.
Bigla naman nitong pinisil ang pisngi niya. "Yes, it would really be such a waste," wika nito in a patronizing tone.
"Aw, Liam, that hurts!" reklamo niya habang hinihimas ang pisnging pinisil nito.
"Kumain na tayo, nagugutom na 'ko." Naupo ito sa couch na katapat ng lamesa at kinuha sa bag ang binili niyang pagkain. "Chinese." Bumaling ito sa kanya at ngumiti. "Good choice."
Daig pa niya ang estudiyante na nakatanggap ng mataas na marka dahil sa narinig. "Syempre, I have good taste." At naupo na siya sa tabi nito.
Nagsimula na nilang kainin ang dala niyang pagkain.
"What are you doing in the area, by the way?" tanong nito between mouthfuls of mixed fried rice.
"Kinausap ko 'yong manager ng hotel na magiging venue ng kasal nung isa sa mga kliyente namin," sagot niya na kumuha ng kung pao.
"Do you enjoy your job, being a wedding planner that is?"
"Oo naman. Lalo pa at magkakasama kami ng mga kapatid ko. It's really fulfilling kapag nagiging matagumplay 'yong kasal na plinano namin. Bukod pa do'n, I really love weddings."
"Business partners nga pala kayo ng mga kakambal mo. How is that anyway? Hindi ba kayo nag-aaway-away?"
"Naku, madalas pa sa minsan kung mag-away kami. Pero nagkakabati din naman agad. Hindi rin kasi namin kayang tiisin ang isa't-isa." Sumubo siya ng kinakain. "You should know how that feels. You have a little sister, right?" Nabanggit kasi nito minsan ang pagkakaroon ng nakababatang kapatid.
Isang ngiti naman ang sumilay sa labi nito nang mabanggit niya ang kapatid nito. "Yeah. That one is really a handful. Pero kagaya mo, hindi ko rin siya kayang tiisin. Kaunting lambing lang no'n sa 'kin bumibigay agad ako."
"Now I want to meet her. Mukhang magkakasundo kami."
"Sa tingin ko nga rin. But she's living in Paris right now." Bigla ay naging malungkot ang ngiti nito. "Mag-iisa't kalahating taon na siyang hindi umuuwi."
Ayaw man niyang maging atribida ay mas nanaig pa rin ang kyuryusidad niya. "May I ask why?"
"She left after our father died. I think his death really hit her hard."
Ngayon lang niya nalaman na pumanaw na pala ang ama nito. Inabot niya ang kamay nito at pinisil 'yon. "I'm sorry."
"Don't be. There's nothing to be sorry about."
"How about you, do you like your job?" mabilisan niyang pagbabago ng usapan. She can't even imagine losing one of her parents. Kaya alam niyang mahirap para kay Liam ang pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ng ama nito. As much as possible she doesn't want him to remember something painful.
Mataman naman siya nitong tinitigan at pagkakuwan ay ngumiti. Halatang-halata kasi ang hantaran niyang pagbabago ng usapan. "It's more like a responsibility at first dahil ako ang panganay na apo. Everyone expects me to lead the company someday. Pero di naglaon, nagustuhan ko na rin ang ginagawa ko. Lalo pa at nakikita ko ang lahat ng bunga ng pinaghihirapan namin. Parang lahat ng pagod ko nawawala, it just pushes me to work harder."
"You're really amazing. Biro mo, at twenty-nine, nagagawa mo nang patakbuhin ang isang napakalaking kumpanya na kagaya nito."
"I'm not amazing, I just work hard and I have people under me who works even harder. Sila ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang De Alva Food Corp."
"Siguro nga. Pero tandaan mo, no matter how hard-working the people of a kingdom is, it would fall without the leadership of a great King."
Bigla naman itong tumawa. "Kapag patuloy pa kong nakinig sa 'yo, I'll end up having an inflated ego."
"'Di ba 'yon ang gusto ng mga lalaki, a woman who could boost their ego?"
Muli ay napatawa na naman ito. Sa pagkukwentuhan nila ay pareho nilang hindi napansin na naubos na nila ang mga dala niyang pagkain.
"I'm full," wika ni Liam habang iniinom ang kape na hiningi nito sa sekretarya.
"Dapat lang naman. Ang dami kaya nung pagkain na dala ko."
"Salamat nga pala. For bringing lunch and for spending this afternoon with me."
"Wow, Liam. I believe you're getting soft on me," pang-aasar niya dito.
"I can't help it. You just have that effect." Bumaling ito sa kanya. "You have something on your cheek." Bago pa niya matanong kung saang pisngi, he suddenly leaned down and licked her right cheek. "Hmm... rice grain."
Nanigas naman siya sa kinauupuan, her heart thumping crazilly. Mabilis ang naging pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. She already felt so messed up at dahil lamang 'yon sa ginawa nito.
He grinned at her. "You're blushing."
Pabiro niyang sinuntok ang balikat nito. "And you're such a tease."
Mas lalo pa itong dumukwang sa kanya. "Then let me tease you more."
Bago pa niya malaman kung ano ang binabalak nito ay naghinang na ang mga labi nila. The kiss sizzled, sparked, smoldered. His teeth scraped her lower lip while he slid his arms around her back to mold them closer together. She just seemed to melt against him, degree by slow degree. Hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa couch.
They were both breathless when he tore his mouth from hers. For a long moment they stayed as they were, staring at each other, with his hands fisted in her hair, and her fingers digging into his shoulders. Then their mouths were locked again, a reckless war of lips and tongues and teeth. Her hands tugged at his suit, his rushed under her blouse. Groping, gasping, they struggled to find more.
Tinanggal nito ang suot na suit at niluwagan ang necktie habang ang labi nito ay nagsimulang bumaba mula sa labi niya patungo sa kanyang leeg. "God, you're making me crazy," wika nito in a ragged voice.
Isa-isa nitong tinatanggal ang pagkakabutones ng suot niyang blusa habang patuloy ang paglalakbay na ginagawa ng mga labi nito. His mouth was making a hot trail down her body and it's making her head spin. Ni hindi na siya makapag-isip ng matino. All she knew was that she doesn't want him to stop. Muling bumalik ang labi nito sa labi niya. And he just took all her breath away. Literally and figuratively.
"Liam!"
Ang panibagong tinig na 'yon ang naging dahilan para daglian silang maghiwalay ni Liam. Like two kids caught doing something they shouldn't. Dali-dali niyang ibinuton ang blusa bago tiningnan ang bagong dating. It was a woman in her mid-fifties wearing a beautiful cream colored Sunday dress. The way she held herself screams of class and sophistication. She has the same eyes as Liam at kasalukuyan 'yong nakatingin ng masama sa kanya. Malakas ang kutob niya na ito ang ina ng binata. She has never been shy but at that moment, she could really die of embarassment.
"Ma, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Liam na para bang hindi sila nadatnan ng ina nito sa isang nakakahiyang tagpo.
"I should be the one asking that question! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Liam? Is this how a respected CEO should act? Bringing tramps in his office to do God knows what?" Napangiwi siya. Kulang na lang kasi ay sumigaw ito. Hindi niya napigilang mapapitlag nang ibaling nito ang tingin sa kanya. "You. Out of this office. Now!"
Tumayo naman siya pero bago pa siya makakilos ay bigla na lang siyang inakbayan ni Liam, pulling her to him. "She would do no such thing," mariing wika nito.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? At sino ba ang babaeng 'yan?"
"Ma, I'd like you to meet Dan Saavedra." Humikbit ang pagkakaakbay ni Liam sa kanya. "My girlfriend."
Kung nagulat ang ina nito sa sinabi ay mas lalo yata ang pagkagulat na nadama niya. What?