CHAPTER SEVEN

1859 Words
IBINABA ni Liam ang briefcase at ikiniling ang cellphone habang niluluwagan ang suot na necktie.  "Yes, nasa condo na ko," aniya sa kausap sa kabilang linya.   "Then magbihis ka na at kumain," wika ng malambing na tinig ni Dan.  "Hindi porke't hindi tayo magkasabay mag-dinner ngayon magpapalipas ka na ng gutom."   Napangiti siya.  "Yes, ma'am."  Mahigit dalawang linggo na simula nung maging opisyal silang magkasintahan.  And he could say with all honesty that he has never been happier.  Everyday was like full of roses and rainbows and starlight.  He might sound like some pansy thinking like that pero 'yon ang totoo.  Ngayon lang may babaeng nagparamdam sa kanya ng gano'n.  At wala na siyang mahihiling pa.  "Oo nga pala, Dan.  'Wag mong kakalimutan 'yong birthday party ni Lolo bukas.  Susunduin kita sa inyo."   "Oo naman.  Super excited na nga ako for tomorrow eh.  I hope magustuhan ng Lolo mo 'yong regalo na binili ko."   "Whatever you bought for him, sigurado akong magugustuhan niya 'yon."   Ilang minuto pa silang nag-usap bago sila tuluyang nagpaalamanan.  Ibinaba na niya ang cellphone at nagpalit na ng damit.  Magluluto na sana siya ng hapunan nang bigla na lang tumunog ang doorbell niya.  Bago buksan ang pinto ay sumilip muna siya sa peephole at napailing na lang nang makita kung sino ang nag-doorbell.    Binuksan niya ang pinto.  "Ma, what are you doing here?"   Sa halip na sumagot ay nagdire-diretso ito papasok sa condo niya.  "'Yan na lang ba lagi ang bungad mong tanong sa 'kin?  Baka nakakalimutan mo Liam, I'm still your mother," wika nito na naupo na sa couch.   "How could I forget?" mahina niyang wika at naupo na rin sa upuan na katapat ng inuupuan nito.  "So what brings you here, Mother?"   "Are you still seeing that girl?"   "Yes, and that girl has a name."   "Nababaliw ka na ba talaga, Liam?  You refused all the women na ipinakilala ko sa 'yo, then you go out with this- this girl you hardly even know."   "I know enough.  Now, Mother, kung 'yon lang ang ipinunta mo dito, then please help yourself out.  Because I'm tired and starving and I don't have time for this."   Akma na sana siyang tatayo nang bigla na lang nitong ipatong sa center table ang isang folder na kinuha nito sa dala nitong hand bag.  "You think you know enough about her?  Then look at those files and tell me that again."   Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang folder, nararamdaman na niya ang unti-unting pag-ahon ng galit sa kanya.  "You had her investigated?  God, Ma!  That's a new low, even for you."   "I will do whatever I have to do to protect you from women like that.  Read the files and see how much of a slut that girl is."   Hindi na siya nito hinintay na magsalita pa at walang lingon-likod na itong lumabas sa condo niya.  Huminga siya ng malalim, pilit na pinapahupa ang galit na nadarama.  Nang sa tingin niya ay napakalma na niya ang sarili ay saka niya itinuon ang pansin sa folder na nakapatong sa center table niya.    The sanest thing to do was to throw the folder and not even bother opening it.  Ano na lang ang sasabihin ni Dan kapag nalaman nito na pina-imbestigahan ito ng nanay niya?  Pero sa kabila ng isiping 'yon, hindi pa rin niya napigilan na abutin ang folder at buksan 'yon.  He flipped through it at sa bawat pahinang binubuklat niya, an unfamilliar emotion started to fill him.  Isang emosyon na ngayon lang niya naramdaman.    Jealousy.   Deep, searing jealousy.   The folder was full of files about the men Dan dated and had relationships with.  And it was thick.  Really thick.  Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na wala 'yong kinalaman sa kung anumang relasyon meron sila ngayon.  Those men didn't matter.  Her background, the men in her life. None of it.   The hell it wasn't.  MANGHANG pinagmasdan ni Dan ang loob ng malaking bahay ng mga De Alva sa Forbes Park.  Mala-palasyo ang bahay sa laki.  Everything inside looked expensive.  From the furnitures to the Ming vases, heck, even the chandeliers looked like it's made of diamonds.  Hindi naman nakapagtataka 'yon considering na kasama sa sampung pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ang mga De Alva.  Kaya hindi rin nakapagtataka na napakadaming kilalang tao sa lipunan ang nakita niya simula pa lang ng pumasok sila sa gate.   "Your Grandpa's house is a real beauty," wika niya kay Liam.   "Yeah," simpleng sagot ng binata.   Tumingala siya dito, wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.  He has been like that simula nang sunduin siya nito kanina.  Pinagsawalang-bahala na lamang niya 'yon at inisip na baka pagod lamang ito.  Iginiya siya nito patungo sa kung saan nagkukumpulan ang karamihan sa mga bisita.  Hanggang sa makalapit sila sa isang matanda.  Base sa pagbati na binibigay dito ng mga nakapalibot dito, it was safe to say that he's probably Fredirico De Alva.  Ang matandang patriarch ng mga De Alva.   "Lolo, happy birthday," nakangiting bati dito ni Liam na sinabayan pa ng pagyakap sa matanda.   "Liam, apo, kanina pa kita hinihintay.  Akala ko hindi ka na makakarating."   "Pwede ba naman po 'yon?  Na-traffic lang kami sa may EDSA."   Sa sinabing 'yon ni Liam ay bumaling sa kanya ang matanda.  "And what do we have here?"   "This is Dan Saavedra.  Dan, this is my grandpa, Fredirico De Alva," pagpapakilala ni Liam sa kanila.   "It's nice to finally meet you, sir.  And happy birthday!"  Hinalikan niya ito sa pisngi bago inabot dito ang dala niyang regalo.   "Naku hija, hindi ka na dapat nag-abala."   "I always brought gifts to birthday parties I go to.  It's like one of my rules in life.  Kaya hindi po siya isang abala para sa 'kin.  But I really do hope na sana magustuhan niyo ang regalo ko."   "If your gift is as charming as you, then sigurado akong magugustuhan ko ito," nakangiting wika ng matanda bago bumaling kay Liam.  "I like this girl."   "I happen to like her too," ani Liam.   Napatawa naman ang abuelo ng binata.  "Go and enjoy the party both of you."   Nakihalubilo sila sa iba pang bisita.  Liam was introducing her to almost everyone.  But she still haven't seen the person she most wanted to meet tonight.  "Nasaan nga pala ang mother mo?  Hindi ko pa yata siya nakikita."  Gusto sana niya itong makausap.  Para kahit paano ay mabago niya ang impresyon nito sa kanya.   "She's not here.  She and Lolo are not really in good terms."   Sa narinig ay naalala niya ang sinabi nito na kaunting tao lang ang talagang gusto ng ina nito.  So his mother is not universally liked.  Pero ito pa rin ang ina ng binata.  And since opisyal na silang magkasintahan ngayon, gusto niyang makausap kahit sandali man lang ang ina nito.  Hindi na niya hihilingin na magustuhan siya nito, dahil parang imposible naman 'yon.  She would be contented with being tolerated.   Hindi niya napansin na nadala na siya ni Liam sa may verandah ng bahay.  "Stay here.  Kukuha lang ako ng maiinom natin."    Bago pa siya maka-oo ay iniwan na siya nito.  Nasundan na lamang niya ito ng tingin.  He really was acting weird.  She wonder what the problem was.  Pero bago pa niya maisip kung ano ba talagang problema, may bigla na lang tumawag sa pangalan niya.  Lumingon siya and was pleasantly surprised nang makita ang isang pamilyar na mukha.   "Devlin!" tawag niya sa palapit na lalaki.  He was pretty good-looking, in that ruggedly sort of way.  Matangkad ito at halatang batak ang katawan sa exercise.  "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang tuluyan na itong makalapit.   "Nakalimutan mo na ba?  Ako ang coach ng football team na itinayo ni Frederico De Alva.  He invited me here."   Muntikan na niya makalimutan ang tungkol do'n.  Nakilala nila itong magkakapatid dahil kay Rune.  He was the one who convinced them na walang masamang maidudulot sa bunso nila ang pagsali nito sa football team na kino-coach nito.  He made a very valid and convincing argument kaya sa bandang huli ay napapayag din sila na pasalihin ang kapatid sa football team.  Simula noon ay tinuring na nila itong kaibigan, well, at least she does.   "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong nito.   "I'm in a relationship with the celebrant's grandson."   "Oh.  I thought you were seeing this other guy."   "I probably was.  But, as you can see, we also probably broke up."   Napailing naman ito.  "You really do know how to leave a trail of broken hearts."   "It can't be called broken if they didn't actually fall."    Totoo naman 'yon.  Yes, they had fun, pero alam niya sa kaloob-looban niya that what she had with those men was never serious.  And they probably knew it too.  Kaya madali lang din para sa mga ito na makipaghiwalay sa kanya at kung bakit kadalasan ay nagiging kaibigan pa niya ang mga ito.   Napatawa naman ito sa sinabi niya.  "Whatever you say."   Pabiro niyang tinampal ang braso nito.  "Hey, ba't parang hindi ka naniniwala?"   "What's happening here?" tinig 'yo ni Liam.   Lumingon siya at ipapakilala na sana ito kay Devlin pero napahinto siya kaagad nang makita ang madilim na ekspresyon ng mukha nito.    "Liam, ito nga pala si--"   Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil matapos nitong ibaba ang hawak-hawak na dalawang champagne flute bigla na lang siya nitong hinigit.  He literally dragged her across the room hanggang sa makarating sila sa study.    "Who was that guy?"   Pabalang niyang binawi ang braso na hawak pa rin nito.  "Maybe if you're not so rude baka sakaling naipakilala kita sa kanya."   "I was just gone for a minute, a minute!  And you're already flirting with some guy."   "Flirt--"  She looked at him incredulously.  "Ano bang pinagsasabi mo?"   "So who was he, boyfriend number one, two?  Twenty?"   Sa sinabi nito ay unti-unti niyang naunawaan why he was acting so weirdly tonight.  "Are you mad at me because of my past relationships?" hindi makapaniwalang tanong niya.   "No- Yes, dammit!"   Minsan lang siya magalit but right now, she could feel herself getting angry by the minute.  "I don't see why that even matters.  Yes, I've had my share of exes.  At sa pagkakatanda ko, hindi naman kasalanan 'yon.  Hindi ako nabuhay sa isang kumbento for the past twenty-six years, Liam.  Do you really expect that I haven't been in a relationship before I met you?  O baka naman ang ikinagagalit mo talaga was not because I had boyfriends before but because of the amount of them?"    Nang hindi ito sumagot at nakita lang niya ang pag-galawan ng muscles sa mukha nito ay mas lalo lang siyang nakaramdam ng galit.  Pilit niyang pinakalma ang sarili, she did everything to tone down her anger.  Pareho lang hindi makakatulong sa kanila kung pati siya ay magwawala sa galit.   "I won't apologize for not being the virginal damsel you expect me to be.  And I certainly won't act ashamed of it.  Now, kung magagalit ka lang sa 'kin buong gabi, then I think I'd better leave.  Mag-usap na lang tayo once you cleared your head."   Nang magsimula siyang maglakad palabas ng study at hindi man lang ito gumalaw para pigilan siya, daig pa niya ang sinuntok sa mukha dahil sa sakit na nadama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD