CHAPTER SIX

2738 Words
THE DRIVE back to the Troublemaker's boutique was excruciating. Hindi kasi maalis sa isipan ni Dan ang tingin na ibinigay sa kanya ng ina ni Liam. One full of disgust and contempt. Hindi naman niya ito masisisi. Datnan mo ba naman ang anak mo in a very compromising position with a woman at sa opisina pa mismo nito, anyone would think that the said woman was loose. Nakakahiya na sa ganoong paraan siya nakilala ng ina ng binata. It wouldn't be a surprise if she hates her now.  She should have been thinking more clearly. Kung nasa katinuan lang ang pag-iisip niya, she should have known that making out in an office with the possibility of being seen by anyone was not the best idea ever. Pero nang mga sandaling 'yon, she didn't think of that at all. Because when Liam's lips were pressed against hers, her mind just went blank. All coherent thoughts lost, all reasons lost, she just wanted more. More of him. Kung hindi siguro dumating ang ina nito ay baka kung saan na sila nakarating ni Liam.  Gusto niya sanang ipaliwanag ang nangyari, to redeem herself even just a little. Pero bago pa niya magawa 'yon, Liam suddenly dropped that bomb. Saying that she was his girlfriend was not really the best way to handle the situation. Pagkasabi no'n ni Liam ay bigla na lang siya nitong hinigit palabas ng opisina nito. The last look she has of his mother was of her shooting daggers at her direction. Pagkatapos ay hinatid na siya ni Liam sa sasakyan niya. Wala itong masyadong sinabi, humingi lang ito ng tawad at sinabi na tatawagan siya mamaya. Hindi niya kailangang maging manghuhula para makita na hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng mag-ina.  Napabuntung-hininga siya. Although she doesn't really mind being reffered to as Liam's girlfriend, pero hindi nga lang sana sa ganoong paraan. Na para bang ginawa lang nito 'yon just to spite his mother. Hindi 'yon ang rason na gusto niya. She wanted it to be because he genuinely likes her and that he's willing to have a commitment with her.   Ipinarada na niya ang sasakyan sa parking lot na malapit sa boutique nila. Bumaba na siya at nagsimula nang maglakad. When did relationship become this complicated? It was so simple before. If she liked a guy and if the guy happened to like her back, then they would date. Kung nakita nila na compatible sila sa isa't-isa, then they would take it to the next level. Gano'n lang kasimple. Tapos ngayon halos hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang ikilos o ang dapat niyang gawin. Hindi naman na niya kailangan pang itanong kung bakit gano'n. It's because it was Liam, that's why. It's different because it's him.  Pagpasok niya sa boutique parang bulang biglang naglaho ang lahat ng alalahanin niya nang makita ang isang binatilyo na natutulog sa may lobby. Dali-dali niya itong sinugod ng yakap. "Rune!"  Mabilis naman itong nagising. "Ate Dan, you're crushing me," wika nito sa inaantok na tinig.  Sa halip na humiwalay dito ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Let me recharge, I had a very tiring day today."  Narinig siguro nito ang pagod sa tinig niya dahil naramdaman niya ang paghagod nito sa buhok niya. Nag-angat siya ng mukha at tinitigan ang bunsong kapatid. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hinding-hindi talaga siya magsasawa na tingnan ang mga mata nito. One as brown as chocolate, the other as blue as the ocean. Nang mapansin nila ang aberration na 'yon sa mga mata nito, they thought na baka may problema na ito sa mata. But the doctor said it was just a case of heterochromia, kung saan nag-a-undergo ng mutation ang isa sa mga mata at nagbabago 'yon ng kulay.   Humiwalay siya dito at naupo sa tabi nito pagkatapos ay humilig sa balikat nito. "Ah Rune, this has really been one embarrassing day." Muli na naman siyang napabuntung-hininga. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"  Nasa ikalawang taon na ng kolehiyo ang kapatid. Sa pagkakatanda niya half-day lang ito ngayon araw. Kapag gano'n ay dumidiretso na ito sa bahay nila para matulog. Kaya nakakapagtaka na makita ito ngayon sa boutique nila.  "Pinapunta ako ni Ate Sin. Pinagbuhat niya ako ng mga gamit niya, pagkatapos ay isinama niya ako sa isa sa mga wedding photoshoot. It's tiring."  "Aw... kawawa naman ang baby ko." Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya. "'Wag kang mag-alala, pag-uwi natin ipag-be-bake kita ng cookies."   "You're spoiling him again, Dan," tinig 'yon ni Mal. Lumingon siya at nakita ang kapatid na kalalabas lang ng opisina nito.  "Of course I'm spoiling him. He's my baby." Mas bata kasi si Rune sa kanila ng walong taon kaya gustung-gusto niya talaga na bine-baby ito.  Napailing na lang si Mal. "Rune, puntahan mo si Sin sa studio niya. Sabihin mo uuwi na tayo."  Ang second floor ng boutique nila ay studio ni Sin. Meron 'yong sariling dark room kung saan dini-develop ng kapatid ang mga larawan na nakuhanan nito.  "Do I really have to?" reklamo ni Rune.  Tiningnan lang ito ni Mal. "Don't make me repeat myself." Wala nang nagawa pa si Rune kundi tumayo at umakyat sa second floor. Naupo naman si Mal sa tabi niya. "Kumusta yung meeting mo do'n sa hotel manager?"  "Ayos naman. Nakapagpa-reserve na ko ng date."  "Kung ayos naman pala then why do you look like you just lost your favorite shoes?"  Hindi na naman niya napigilang mapabuntung-hininga. Mukhang halatang-halata nga na may pinoproblema siya. "You know I've been going out with this guy, right? Pinuntahan ko siya sa office niya kanina. We were kind of making out when his mother came at nadatnan kami sa gano'ng ayos. It's embarrassing to say the least."  "Hmm... I never thought you'd be embarrassed by something like that."  "Hey, anong tingin mo sa 'kin, walang kahihiyan sa katawan? Of course I'd be embarrassed! Liam's mother saw me almost half-naked. Ni hindi ko ma-imagine kung ano-anong masasamang bagay ang iniisip niya sa 'kin ngayon."  Mataman siya nitong tinitigan. "Ah so that's it. Natatakot ka na baka hindi ka magustuhan ng nanay ng lalaking ito."  "I'm pretty sure she already hates me."  "You never really cared about such things before. You must really like this guy."  Napahinto naman siya dahil sa sinabi nito. Mal was right. She never dwell before on whether magustuhan siya ng mga magulang ng mga naging kasintahan niya. If they liked her, then that's good. If they didn't, then it's also fine with her. But this time, with Liam, it wasn't like that. Gusto niya na maging maayos ang lahat sa pagitan nila. Then the simple answer finally dawned on her.  "I don't just like him. I'm falling for him."  And this time, she knew it's for real. NAGMAMANEHO patungo sa bahay nina Dan si Liam.  Araw ng Linggo, dalawang araw matapos 'yong nangayari sa opisina niya, hindi pa niya ito nakakausap ng maayos.  He only talked to her over on the phone.  Kaya naman nagpasya siya na dalawin ito para makausap ito ng personal.    Gaya ng inaasahan, his mother made a huge fuss dahil sa nakita nito at dahil na rin sa sinabi niya na kasintahan niya si Dan.  Hindi niya lang kasi talaga nagustuhan when she called Dan a 'tramp'.  The way she said it, na para bang isang napakasamang babae ni Dan, really got on his nerves.  So on impulse, bigla na lang niyang sinabi na kasintahan niya si Dan.  Kung tutuusin, hindi niya siguro kailangang gawin 'yon kung mas nakontrol lang niya ang sarili.  Pero simula nang makilala niya si Dan, his self-control seemed to slowly slip away from him.   Sa tuwing kasama niya ito, all he wanted was to touch her.  Na para bang mababaliw siya kapag hindi niya 'yon ginawa.  Everytime they kissed, his body, his brain, his heart were screaming for one thing.  More.  More, more, more.  It was insane!  Oo, attracted siya dito.  But he never felt that kind of crazy need before.  The need to touch, to be closer, to feel, it's driving him to the brink of reason.  Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa nararamdaman.  He's worse than a hormone-crazed teenager, for Pete's sake!   Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.  Saka na lamang niya iisipin ang dapat niyang gawin sa napakagulo niyang damdamin.  Ang tanging nais lang niya ngayon ay makita at makausap si Dan.  Dalawang araw palang silang hindi nagkikita but he already missed her like there's no tomorrow.    Ipinagpatuloy na lang niya ang pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa bahay ng dalaga.  Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng mga ito at bumaba na.  Pinindot niya ang doorbell at maya-maya ay pinagbuksan siya ng isang katulong.       "Good afternoon.  Kaibigan ako ni Dan, nand'yan ba siya?"   Pinagmasdan naman siya ng katulong na para bang tinatantiya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.  "Nasa loob po si ma'am.  Pasok po kayo," pagkakuwan ay wika nito.  Sumunod siya sa katulong papasok sa gate.  There was a very wide front lawn with a mini-garden.  Sa ilang beses na inihatid niya si Dan ay ngayon lang siya nakapasok sa loob.  Iniimbitahan naman siya ni Dan na pumasok pero lagi siyang tumatanggi.  Pakiramdam niya kasi ay hindi pa siya handa na makaharap ang kahit na sinong miyembro ng pamilya nito.  It just felt too official.  But he guessed wala na siyang pakialam do'n ngayon.    "Tatawagin ko lang po si ma'am Dan, upo lang po kayo," wika ng katulong nang makapasok na sila sa loob ng bahay.   Sa halip na umupo ay inilibot niya ang paningin sa paligid.  The place was cluttered with colors.  Mula sa mga painting na nakasabit sa pader hanggang sa mga mamahaling vase at furniture.  Pero kahit na mukhang sinabuyan ng kulay ang paligid, it still has that classy and artistic vibe.  Uupo na sana siya nang may bigla na lang yumakap sa kanya mula sa likudan.   "You're here," narinig niyang wika ng tinig ni Dan.  Humarap ito sa kanya at talagang nagulat nang makita ang maikli nitong buhok which was also colored mahogany brown.  "Nagpagupit ako kahapon, bagay ba sa 'kin?"   Tinitigan niya itong mabuti.  She has the same face, the same voice, but the way she moved was not right, even the way she spoke was different.  "You're not Dan," natagpuan na lang niya ang sarili na sinasabi 'yon.   Kung nagulat man ito sa sinabi niya ay hindi nito pinahalata 'yon.  "What makes you say that?"   "For one, Dan doesn't speak in such a sarcastic manner.  And second, you have blue eyes."   "Damn.  I knew I should have used my brown contact lens bago kita lapitan."  Bumaling ito sa kanya at ngumisi.  "You're good though.  Most people won't bother to notice the difference."   "Sin, stop toying with Dan's guest," wika ng panibagong tinig.   Lumingon siya sa pinanggalingan no'n and saw another woman with the same face as Dan's.  Nakasuot naman ito ng salamin.  Mukha itong seryoso at laging kalmado, not impudent like the first one or sweet like Dan.  So these are Dan's sisters.  Kagaya nga ng sinabi ng dalaga sa kanya, kahit pa magkakamukha ang mga ito, anyone who looks close enough would see how different they all were.   "I'm Mal, that's Sin.  As you probably already know, mga kapatid kami ni Dan," pagpapakilala ng nakasalamin.    "I'm Liam De Alva, it's nice meeting the both of you."   "De Alva as in De Alva Food Corp?  That sneaky Dan.  Don't tell me she's dating you para magawan mo ng paraan na maialis 'yong kapatid namin sa football team ng lolo mo?"  "Don't make assumptions on your own," saway ni Mal kay Sin bago pa man siya makapagsalita.    "I'm not," nakalabing sagot naman ni Sin.   Napabuntung-hininga na lang si Mal bago muling bumaling sa kanya.  "''Wag mo na lang siyang pansinin.  Nasa back garden si Dan, puntahan mo na lang.  Just go straight to the back from here."   "Salamat."    Sinunod niya ang direksyong sinabi ni Mal hanggang sa makarating siya sa back garden.  Kusa siyang napahinto sa paglalakad nang makita niya ang hinahanap.  Dan was knee-deep in mud.  Nakaluhod ito sa isang patse ng lupa at nagtatanim ng kung anong halaman.  Nakasuot ito ng simpleng t-shirt at shorts, her long hair was tied in a wild bun.  Sumasabay ito sa kanta na lumalabas sa iPod na nakasabit sa likod ng shorts nito.  It was some sorts of pop song na hindi siya pamilyar.  Napangiti siya.  Never in his life had he seen something as adorable as the scene in front of him.  It just tugged at him.  Kung meron lang siyang dalang camera ay kinuhanan na niya ito just to preserve the moment.   Dahan-dahan siyang lumapit dito at nang nasa likod na nito ay tinusok niya ang magkabila nitong tagiliran.  She yelped at nabitiwan ang hawak-hawak na gardening tool.  Marahas itong lumingon sa kanya.  Ang kung anumang reklamo na sasabihin nito ay waring nabitin sa lalamunan nito nang makita siya.   "Liam!" gulat na wika nito.  "You scared the hell out of me!"   Tuluyan na siyang napatawa.  "Sorry, I couldn't help myself.  You look so adorable I just wanted to mess you up."   Bigla naman itong namula.  The way she blushed only made her more beautiful to him.  "Dapat sinabihan mo ko na dadalaw ka pala," wika nito na inalis ang gwantes na suot at inilapag 'yon sa lupa.  "Sana nakapaghanda ako."   "And missed seeing you gardening?  No way.  So is this your hobby, planting while singing?"   "Not really.  It's my Mom's actually.  Garden niya ito, ako lang ang nag-aalaga kapag wala siya.  Wala naman kasing kainte-interes sa ganito yung dalawa kong kapatid."   "Speaking of your sisters, I met them earlier.  Tama ka nga, the three of you have different personalities."   "Please don't tell me na sinubukan ni Sin na magpanggap na ako."  Nang ngumiti lang siya bilang sagot ay napaungol ito.  "She always, always does that."   "'Wag kang mag-alala, isang tingin pa lang alam ko nang hindi ikaw siya."  "Really?  Then you're one of the few who does."   Inabot niya ang mukha nito at pinunasan gamit ang hinlalaki ang putik sa pisngi nito.  "I would never mistook you for anyone else."   That earned him a smile.  A smile that pierced directly to his heart.  And he just had the biggest urge to kiss her.  Dagli niyang binawi ang kamay bago pa siya tuluyang mawalan ng kontrol at gawin mismo ang iniisip.      "Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong nito.   "Gusto lang kitang makita at makausap.  Patungkol do'n sa nangyari sa opisina ko two days ago."   Napangiwi ito.  "Yeah, about that.  Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nanay mo.  I'm pretty sure she has a very low opinion of me dahil sa nangyari."   "Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa kanya.  She definitely won't accept it.  At kahit siguro hindi pa niya tayo nadatnan sa gano'ng ayos, she probably wouldn't like you all the same."   "Ouch.  Am I really that unlikeable?" nakalabing wika nito.   Napangiti siya at inakbayan na lamang ito.  "On the contrary, you're very much likeable.  Ang ibig kong sabihin do'n sa sinabi ko, she won't like you because you're not like her.  Cold and manipulative."   Tumingala ito sa kanya, a question on her whiskey brown eyes.  "That's not a nice thing to say."   Natuwa naman siya, his mother called Dan a tramp and yet here she was, ipinagtatanggol ang ina sa kanya.  "I didn't say that because I hate her or anything.  Sinabi ko 'yon dahil 'yon ang totoo.  She can be a real mean witch if she wanted to.  So you don't have to worry about her opinion of you because she rarely has a good opinion of others."  He loves his mother but that love can't mask all her flaws.     "Pero kahit na--"   "Don't mind it too much.  Kahit naman anong isipin niya tungkol sa 'yo, wala na siyang magagawa dahil girlfriend na kita."   Sa pagkakataong 'yon ay napangiti na ito.  "So I'm your girlfriend now?"  "Ayaw mo ba?"   "Siyempre gusto ko."  Humarap ito sa kanya.  "The question is, do you want me to?"   Ikinulong niya ang mukha ng dalaga sa mga palad niya at idinikit ang noo sa noo nito.  "I wouldn't want it any other way."   Bigla na lang nitong tinawid ang pagitan nila at idinampi ang labi sa labi niya.  "Good answer."   Napangiti siya at sinakop ang labi nito.  Giving her a long and deep kiss. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD