CHAPTER EIGHT

1911 Words
SUNUD-SUNOD ang ginawang pagsubo ni Dan sa kinakain na cake.  Wala na siyang pakialam kung mabulunan man siya o ano.  She was still pissed off about what happened last night.  Hindi siya makapag-isip ng matino, paulit-ulit lang na bumabalik sa kanya ang mga nangyari kagabi.  And then she will be pissed again.  Bawat galaw niya ay naiinis lang siya.  Hapon na ay nakapantulog pa rin siya.  Because she can't think of anything better to do.  Kaya nandito siya sa kusina, nakaupo sa counter at nagpapakalunod sa chocolate cake.   "Dani, you do know na pang-anim na slice mo na 'yan ng cake, right?"   Nag-angat siya ng mata at nakita ang nag-aalalang mukha ng ina.  Kababalik lang nito nung isang araw mula sa Thailand.  Isa kasi itong archeologist kaya madalas ay nasa labas ito ng bansa dahil sa mga international digs.   "Ayos ka lang ba?" muli nitong tanong na lumapit na sa kanya.   "I'm fine, Mom.  Ba't andito pa kayo, akala ko ba lalabas kayo ni Dad ngayon?" pagbabago niya ng usapan.   "Nasa shooting pa siya eh.  Nagkaporblema yata sa set.  Baka mamaya pa 'yon umuwi.  But don't change the subject, Dani.  You won't drown yourself with chocolate cake kung wala kang problema."   "'Wag mo na lang siyang pansinin, Mom," wika ni Sin na kapapasok lang sa kusina at kumuha ng juice mula sa ref.  "She's just sulking dahil nag-away sila ng boyfriend niya kagabi."   Tiningnan niya ng masama ang kapatid.  How did she even know that?   "'Yong sumundo sa 'yo kagabi?  He's your boyfriend?"   "Come on, Mom.  Of course he's her boyfriend.  Alam niyo naman na hindi nawawalan ng boyfriend 'yang si Dan."   What her sister said reminded her too much of her conversation with Liam last night.  Muli na namang bumangon ang pagkainis sa kanya.  "Shut up, Sinister."   Mukhang nahimigan naman ng ina ang pagkainis niya dahil agad na itong nagwika bago pa man makapagsalita si Sin.  "I'm sure kahit na ano pa man 'yang pinag-awayan niyo, maaayos niyo rin 'yan."   Sana nga.  Muli na lamang siyang sumubo ng kinakaing cake kesa sa sagutin ang sinabi ng ina.    Maya-maya pa ay si Mal naman ang pumasok sa kusina.  "Dan, may bisita ka."   "Tell whoever it is that I'm still sleeping."   "Why don't you tell that to him yourself?  He's at the front porch," wika ni Mal na lumabas na muli ng kusina.   "Sige na, Dani.  Kausapin mo na 'yong bisita mo.  It might be important," pag-uudyok sa kanya ng ina.   Napabuntung-hininga na lang siya at kahit labag sa loob ay naglakad siya palabas.  Pagdating niya sa front porch ay parang nagising ang buong diwa niya nang makita ang bisitang sinasabi ni Mal.  It was Liam, wearing casual clothes na para bang mamamasyal lamang ito.  At sa mga kamay nito ay nando'n ang isang pumpon ng irises, ang paborito niyang bulaklak.    "Anong ginagawa mo dito?" wika niya after she got over the surprise of seeing him.   "Nandito ako para humingi ng tawad.  I'm sorry sa inakto ko at sa mga bagay na sinabi ko.  I'm sorry kung sinira ko ang gabi mo.  I'm sorry for being such an ass."  Inabot nito sa kanya ang pumpon ng irises.   Tinanggap naman niya 'yon.  "Do you really think some words of apology and a bouquet of flowers are enough?"   "No.  That's why I prepared something aside from the flowers.  Pero kailangan mong sumama sa 'kin para makita 'yon."   "Why do I feel like you're bribing me?"   Ginagap nito ang palad niya.  "Please come with me."   Umakto siya na waring nag-iisip kahit pa nga ba nang sandaling humingi ito ng tawad, she was already willing to forgive him.  Pagkakita pa lang niya dito ay nawala na agad ang masamang mood niya.  Looks like she really is in so deep with this guy.  "Magpapalit lang ako ng damit."   Papasok na sana siya ulit sa bahay nang bigla na lang nitong hawakan ang braso niya.  "Wait."  Pinihit siya nito paharap.  "You have something on your face."  Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magsalita because he suddenly leaned down and licked one corner of her lips.  "Chocolate."  Ngumiti ito.  "Sweet."   Awtomatiko ang pamumula ng pisngi niya at walang duda na pati teynga niya ay namumula rin.  "You love licking me, don't you?"   "Oh you have no idea."  DINALA siya ni Liam sa condo unit nito sa Makati.  The interior design of the condo was very minimalistic.  There was more space than furniture.  Only the necessary stuff was there.  There was a sofa set, a flat screen t.v complete with audio and dvd component, and to her surprise, an Xbox.  There was no divider between the living room and the kitchen, magkanugnog lamang ang mga 'yon.  Walang matuturing na dining room because there wasn't even a dining table.  Only a bar counter with several stools.  Halata na hindi madalas doon kumain ang binata.  The place was perfect for a bachelor living alone.   "Nasaan na 'yong ipapakita mo sa 'kin?" tanong niya.   "Kumain muna tayo ng hapunan."   "Om-order ka ba ng pagkain?"   "No, I'll cook."   Pinagtaasan niya ito ng kilay.  "Marunong kang magluto?"   "Yes, living alone kind of forces you to learn how to cook.  And it impresses the ladies."   Bumaling siya dito, that petulant grin was back on his face.  "Really now?  Then let's see how much you can impress me."   "I plan to.  So make yourself at home habang nagluluto ako."  Dumiretso na ito sa kusina.   Muli niyang inilibot ang paningin sa loob ng condo.  May nakita siyang dalawang pinto, sigurado siyang ang isa ay silid ni Liam at ang isa naman ay guest room marahil.  Merong sliding door na patungo sa verandah.  Lalapit na sana siya do'n nang mahagip ng mga mata niya ang isang nag-iisang larawan na nakapatong sa isa sa mga shelves.  Nilapitan niya 'yon.  Larawan 'yon ni Liam, masayang nakangiti sa camera, habang yakap-yakap ang isang magandang babae.  She has strawberry blond hair and golden brown eyes.  She immediately felt the pang of jealousy.  Who was she?     "She's very pretty," narinig na lang niya ang sarili na sinasabi 'yon.  Lumingon siya kay Liam at nakita na huminto ito sa ginagawa at napatingin sa kanya dahil sa sinabi.   Dumako ang tingin nito sa larawan at isang ngiti ang sumilay sa labi nito.  "Yes, she is."   Hindi niya gusto ang sagot na 'yon at mas lalong hindi niya gusto ang gentleness na narinig niya sa tinig nito.  "Who is she?"   "That's my little sister, Sunflower.  We call her Sunny.  And she's absolutely adorable.  Well, if she wanted to, that is."   Para namang isang malaking tinik ang nabunot sa kanya nang marinig niya 'yon.  So she was his sister.  Muntikan na siyang mapatawa ng pagak.  She would have bitten his head off kung hindi lang niya nalaman na kapatid nito ang babae.  But then another question came to her mind.  The girl - Sunny - certainly looked like she's not pure Filipino.  Pero sa pagkakatanda niya ay parehong purong Pilipino ang mga magulang ni Liam.  So how did that happen?   Lumapit siya sa kinaroroonan ni Liam at naupo sa bar stool.  "Ahm, was she-- nevermind."  Hindi na niya itininuloy ang iniisip na itanong dito, it would be too rude.   Nag-angat ito ng mukha mula sa ginagawa.  "What is it?  I can see you want to ask something.  Tell me."   Nagdadalawang-isip man ay hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong.  "Was she adopted?"  Napatigil ito sa ginagawang paghiwa.  He was silent for a moment na para bang iniisip kung sasagutin ba ang tanong niya o hindi.  Pero sa bandang huli ay sinagot din nito 'yon.  "In a way, she was.  She's my half-sister.  My father had her with another woman."   "Oh," tanging nawika niya.  Ano pa bang ibang masasabi niya?  Ni sa hinagap ay hindi niya maiisip ang sinabi nito.   "Maybe that's why my mother turned more bitter that she already was," may halong pagbibirong wika nito.  Pero sa tingin niya ay 'yon talaga ang nararamdaman nito.   It must be real hard for him.  Hindi mahirap na isipin na lumaki ito sa isang bahay na puno ng pagtatalo at pag-aaway.  Lalo na kung kinakailangang tanggapin ng ina nito ang anak ng tatay nito sa ibang babae.  Based on her personality, she's not the type to tolerate that kind of thing.  She must have made the life of that girl hell.  Pero base sa pagsasalita ni Liam, there was not even a sign of resentment towards the girl who might have been the reason for him having a dysfunctional family.   "You love your sister," wika niya, more of a statement rather than a question.   "Yes," walang kahirap-hirap nitong sagot.   "Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon mo, they would have probably hated her or blame her for everything."   "The circumstances of her birth is not her fault.  And I won't hate her for that."   Simple lang ang sagot nito but it spoke volumes about his character.  Hindi niya napigilang mapangiti.  Hindi lahat ng tao ay may gano'ng klase ng pangangatwiran.  Maging siya ay hindi sigurado kung ano ang mararamdaman kung mapupunta siya sa sitwasyon nito.  Ipinapakita lang no'n kung gaano ito kabuting tao.  And it only made her admire her more.   Nang matapos itong magluto ay kumain na sila.  He cooked paella.  To her utter surprise, it was incredibly good.  He was really starting to surprise her more and more this evening.   "You're right.  A man who knows how to cook can really impress the ladies," wika niya nang matapos silang kumain.  "I'm thoroughly impressed."   "I told you, you would be," wika nito habang inilalagay ang mga pinagkainan nila sa sink.    "Do you still have something under your sleeve?"   Ngumiti ito sa kanya.  "There's still one."  Lumapit ito sa kanya at hinigit siya patayo.  "Come, I think oras na para ipakita ko sa 'yo ang totoong sorpresa ko."  Iginiya siya patungo sa verandah.  Then he took his cellphone at may tinawagan ito.  "Fire it," pahkawika no'n ay tinapos na nito ang tawag.   And to her amazement, makalipas lamang ang ilang segundo ay bigla na lang napuno ang kalangitan ng nag-gagandahang fireworks.  Hindi niya magawang ialis ang paningin sa madilim na kalangitan na ngayon ay iniilawan ng iba't-ibang kulay ng fireworks.  It was like a firework show at sa tantiya niya ay ilang minuto din ang itinagal no'n.   "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Liam.   Bumaling siya dito, still amazed and surprised.  "You did this?"   "I told you it won't be just flowers."   Hindi na niya napigilan ang sarili at sinugod na niya ito ng yakap.  "It's wonderful!"  Tumingala siya dito.  "I didn't know you have a romantic side in you."   "I have my moments."   Tumingkayad siya and brushed a light kiss on his lips.  "Then I'm glad I'm here for this one."   Bilang sagot ay ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito and gave her one hot, searing kiss.  "Dan, I'm in love with you."   A simple statement.  No flowery words, just a simple 'I'm in love with you'.  And she believed him.  Because it was so like him.  To skip the opening statement and just go straight to the point.  She felt her heart stutter just by hearing it.  'Yon lang ang mailalarawan niya sa nararamdaman niya ngayon.   "Liam, I--"   "Don't."  Muli nitong sinakop ang mga labi niya.  "It comes too easily for you.  If you ever say those words back at me, then I want you to be sure of it."  Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya.  "Let me take you to bed.  Please." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD