CHAPTER 2

2816 Words
2. Gaya ng ipinangako ni ninang kagabi ay sinamahan niya nga akong bumili ng mga gamit. Hinintay pa namin si mama kagabi bago umuwi si ninang para saglit na mag-celebrate. Tinulungan ako ni ninang magluto ng ibang putahe dahil adobo lang naman ang alam kong ulam na lutuin. "Sino po pala iyong mags-sponsor sa akin, ma? saka paano ka nakakuha?" Nag-iwas ng tingin si mama at ewan ko ba, pero bigla yatang bumilis siya sa pagkain. Tumingin ako kay ninang pero ang bilis din niyang natapos tapos tumayo na agad siya at nagpaalam nang aalis. Nava raw iyong pangalan ng sponsor. Hindi na rin naman nagkuwento si mama saka parang iniiwasan din niyang i-explain masyado kaya hindi na ako nangulit kahit gusto ko sanang makilala iyong sponsor para sana magpasalamat kaso masasayang lang laway ko sa pagkulit kay mama. "Nak, may dadaanan muna ako ha?" Nasa sakayan na kami ng jeep at pauwi na sana nang sabihin iyon ni ninang. Hawak niya ang cellphone niya at salubong ang kilay, mukhang may ka-text ata siya. "Saan naman po?" "Doon sa pinagta-trabahuan ko. May kailangan lang daw ipakita sa akin iyong katrabaho ko," sabi niya, "Ewan ko ba ro'n, puwede namang picture-an nalang at isend sa akin. Ang dami pang alam." Tumango na lang ako at sumakay na kami sa jeep. Buti nalang din at mabilis magpatakbo ang driver kaya mabilis lang kaming nakarating sa sinasabi ni ninang na lugar. Dumiretso kami sa second floor. Mukha siyang studio dahil sa dami ng instrument na nakalagay sa harap ng isang maliit na stage. May malaking salamin din sa gilid at mga lockers sa kabila. May mangilan ngilan na tao rin ang nandoon kaya mas lalo kong binaba ang suot na cap para hindi ako maobliga na batiin sila. "Sa likod ng stage na 'yan iyong quarters ng mga artist namin," sabi niya at nginuso ang pulang pinto sa gilid ng stage, "Kung dito ka sana nagtrabaho ay hayahay sana ang career mo. Ewan ko ba diyan sa mama mo at tatanga tanga." Tipid lang akong ngumiti sa sinabi ni ninang. Umalis din naman siya agad at nagpaalam na pupunta sa office niya. I went to the corner to sit down. May stall naman ng mga upuan kaso nasa gilid iyon ng stage. Ayokong pumunta ro'n. Baka maistorbo ko pa iyong mga tao. "Hey." I bend my neck to see who's calling me. It was a guy. He's wearing a faded rose denim overshirt with a white shirt underneath, denim jeans at combat shoes na kakulay lang din ng overshirt niya. Mula rin dito sa kinauupuan ko ay amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan. Amoy expensive si kuya. Parang iyong mga amuyan ng nakaka-date ko. "Nag-aaply ka?" tanong niya at bigla na lang siyang naupo sa tabi ko. Umiling ako. Medyo naiilang ako sa presensiya niya rito sa tabi ko. Hindi kasi ako sanay na may kausap na ibang tao. Wala naman kasi akong kaibigan sa lugar namin dahil puro mga chismosa ang nakatira ro'n at hindi rin maganda ang tinginan ng mga ka-edaran ko sa akin sa tuwing makikita ko sila. "So... What are you doing here, then?" "Ninang ko," sabi ko sabay turo sa pintong pinasukan ni ninang kanina. Mga limang segundo sigurong kumunot ang noo niya bago siya mahinang tumawa dahil na-gets din niya. "Ang tipid mo kasing magsalita," sabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya tipid lang akong ngumiti sa kanya. Parang gusto ko na tuloy tumayo at umalis para makaiwas sa kanya. Alam kong kanilang space 'to as a worker pero kaya nga ako umiwas ay dahil gusto kong huwag nila akong pansinin. "Ano nga palang name mo?" tanong niya nanaman. "Earth." His lips formed an 'o' kasabay ng panlalaki ng mata niya. "Woah, cool!" "Ikaw?" sinubukan kong tagalan ang tingin sa kanya pero nang sandaling tumama ang tingin niya sa akin ay agad kong iniwas ang mata ko. "Dominic." Tumango na lang ulit ako dahil wala nanaman akong masabi. "You should call me Dominic. Ikaw lang ang pinagbigyan ko ng second name ko kaya dapat before you leave here ay matawag mo 'ko sa name ko," sabi niya at tumawa mag-isa. Parang ang saya saya niyang tao, napakadaldal. "Nagta-trabaho ka rito?" tanong ko. Kanina pa kasi siya nakaupo rito. Mukha rin namang hindi niya kasama iyong mga nagpa-practice sa harap namin— na hindi ko ba sure kung nagpa-practice dahil panay ang bulungan nila at tingin sa katabi ko. "Yup," he said emphasizing the letter P. "Lokong Vlad kasi iyon. Sabi niya may practice daw pero wala naman sila rito." Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman kilala kung sino iyong binabanggit niya tapos ay tumango na lang ako. Buti nalang din at dumating agad si ninang dahil hindi tumitigil sa kakadaldal sa akin si Dominic. May pahabol pa silang usapan ng kausap niya kaya agad na akong tumayo para salubungin siya. Ramdam kong tumayo na rin si Dominic pero hindi naman siya umalis sa tabi ko. Paglingon ni ninang sa akin ay nanlaki ang mata niya nang makita ang katabi ko. May halo pang pang-aasar ang ngiti niya nang saglit niyang binalik ang tingin sa akin. "Close na pala kayo. Akala ko ay hindi maganda ang meet-up niyo kahapon dahil mukhang haggard ang inaanak ko," sabi ni ninang na ang kausap ay ang katabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Dominic tapos para siyang gulat na gulat habang nakatingin lang sa akin. Parang naging instinct na naming dalawa na sabay tumingin kay ninang na ngayon ay nagtataka habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa. "Hindi naman siya iyong kahapon, ninang." Litong sabi ko. Hindi pa naman matanda si ninang. Nasa 30's pa lang siya pero bakit mukhang makakalimutin na agad siya? Dala ba ng sobrang stress sa trabaho? Pero mukha namang hindi siya maii-stress sa magandang lugar na 'to. "Sino iyong ka-date kahapon ni Earth, Natnat?" Seryoso ang boses ni ninang habang nakatingin kay Dominic. Kinabahan tuloy ako bigla. Mukhang na-tense din si Dominic dahil halata ang pag-angat baba ng dibdib niya, kita ko rin ang adam's apple niya na gumalaw. Parang tanga 'tong si ninang. Hindi naman 'yan iyong ka-date ko. Mukha 'yang mabait. Malayo ro'n sa nuknukan ng sama ng ugali na lalaking iyon. Kumapit ako sa braso ni ninang at humarang sa paningin niya. "Nang, ano ba sinasabi mo? ang bata bata mo pa ulyanin kana agad. Tara na nga." Hinila ko siya pero parang hindi naman gumalaw si ninang sa kinatatayuan niya. "Sino iyong ka-date mo kahapon?" tanong niya sa akin. "Nathan." Umirap ako. "Tara na kasi ninang." "Anak ni Mr. Ferrer?" Tumango ako at sinuklay ang buhok para pigilan ang inis. "Bakit mo ba natanong? Hindi naman na kame magkikita ng isang 'yon kasi tinapunan ko siya ng wine sa ulo bago ko layasan." "What?" Sabay na sabi nilang dalawa sa akin. Pati tuloy si Dominic ay na-carried away na dahil sa pambibintang ni ninang. "Woah. So siya pala iyong dapat na ka-date ko?" sabi ni Dominic na ikinalaki ng mata ko. Ano raw? Dapat na ka-date? "Sinong inutusan mo para i-date ang inaanak ko?" "Hala. Wala akong inutusan manager ah. Ako nga sana pupunta kaso itong si Vlad bigla nanamang sinumpong at sinabing i-try daw niyang maging proxy ko sa date." "Ano?!" medyo napataas ang boses ni ninang. Pero hindi na niya sinagot si ninang dahil agad na siyang lumingon sa akin. "Pero totoo ngang binuhusan mo ng wine si Vlad sa ulo?" Inirapan ko lang siya. It was partly his fault kahit na sabihing iyong Vlad mismo ang nag-propose ng balak niya. Siya ang ka-date ko. Tho, hindi ko alam kung may magbabago ba sa sitwasyon. Bakit ba ako nakokonsensya sa pagtapon ng wine sa ulo niya. He deserves it! Masyado siyang mahangin. Akala mo ay kaya niyang isulat ang biography ko kung makahusga ng todo sa akin. Kulang pa nga iyong wine. Sana ay tinapon ko na lahat ng hindi ko pa nakain. "Bakit mo naman tinapunan ng wine ang alaga ko sa ulo?" si ninang. Mabuti nalang din at umalis na kami sa club. Hindi kasi tumitigil si Dominic kakatanong kung anong nangyari, halos sumama pa nga siya sa pagsakay ng jeep kakapilit sa akin. "Ang yabang kasi ninang. Mukha daw akong pera!" Eksaheradang lumaki ang mata niya. Ramdam ko na rin ang invisible sungay niya na tumutubo sa ulo niya. "Ano?!" sabi niya. "Iyong batang iyon talaga! Hayaan mo at pagsasabihan ko kapag nagkita kame." Sumakay na ulit kami ng jeep pauwi. Kinalong ko lang ang plastic bag na hawak ko dahil medyo bumakat na iyon sa braso ko dahil sa kabigatan. May mga hawak din kasi si ninang na grocery bags para sa apartment niya. Nakauwi rin naman kami agad. Nagpaalam si ninang na uuwi muna sa apartment niya. Inayos ko nalang muna iyong mga pinamili namin tapos ay naligo at nagluto na ng pagkain para mamayang gabi. Nang matapos sa gawaing bahay ay nagpasya muna akong umidlip. Paggising ko ay nandoon na si mama. Kumakain siya paglabas ko ng kuwarto. Ni hindi man lang ako niyaya! Nagtalo pa kame dahil inagaw niya ang nag-iisang hotdog na niluto ko para sana sa akin. Nagsasawa na raw kasi siya sa adobo. Iyon lang naman kasi ang alam kong lutuin na ulam at mabilis. Pagtapos kumain at maghugas ay umupo ako sa katabing sofa na maliit lang at nakinuod din. Hindi ko maintindihan iyong palabas at kung anong nangyayari pero mukhang nasa c****x part na sila ng kuwento. "Nak." Napatingin ako kay mama nang tawagin niya ako. Nakaupo na siya ngayon at pinaglalaruan ang kuko niya, "May sasabihin ako." Tumaas ang dalawang kilay ko, "Buntis ka?" Tawa ako nang tawa nang ibato niya sa akin ang unan na kanina ay kalong lang niya. Mukha kasi siyang seryoso. Akala ko tuloy ay buntis siya. "Gaga ka! Anong buntis ka diyan!?" Wala namang problema sa akin. Mas gusto ko nga magkaroon ng kapatid para may kasama na ako sa bahay, saka para mabakante rin si mama at mapirmi rito sa bahay para mag-alaga ng bata. Gusto ko ng kapatid na lalaki. Para may tagapagtanggol kami sa bahay at may mautusan sa mabibigat na gawaing bahay. "Ano ba 'yon? Ang seryoso mo masyado, e." "Alam mo naman na malayo ang school na papasukan mo, diba?" sabi niya, "Kabilang isla pa iyon. Malaking abala at pagod sa'yo kung araw-araw kang tatawid ng isla mag-isa," Kumunot ang noo ko. Tama naman siya. Kaso lang ay wala naman akong magagawa ro'n, wala kaming kakilala sa kabilang isla para pag-stay-an ko. "Lilipat na tayo ng bahay?" "Hindi. May trabaho ako rito gaga!" Hindi ako sumagot at hinintay na dugtungan nalang niya ang sinabi niya. Kinuha niya iyong remote sa gilid ng sofa at hininaan ang volume bago siya humarap ulit sa akin. "Kumuha ako ng dorm. Hindi sa loob ng school niyo kasi medyo mahal iyon," sabi niya, "Meron akong nahanap malapit lang sa school niyo, walking distance lang naman iyon kaya kinuha ko na." Tumango ako. "Akala ko naman kung anong sasabihin mo, ma. Ang seryoso mo kasi." "Hindi kasi baka hindi ka pumayag," Nakita kong nakahinga na siya nang maluwag. Muli siyang humarap sa tv at tinutok ang paningin do'n. "Alam ko naman na hindi ka sanay na lumalayo at mas gusto mo lang laging nasa bahay. Ngayon ka lang malalayo sa akin. Kakayanin mo ba?" dugtong niya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tv. Bahagyang sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni mama. Hindi ako sanay sa ganitong seryosong usapan lalo na kapag si mama na ang nagsasalita. Mabuti nalang at hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi niya nakikita ang pagpikit ko ng mata para pigilan ang mumunting bakas ng luha na gustong lumabas sa mata ko. Hindi kami laging magkasama at magkausap ni mama pero panatag naman iyong loob ko dahil araw-araw ko naman siyang nakikita. Kung malalayo ako sa kanya ay hindi na kami madalas magkita, hindi ko na masisiguro na maayos lang siya o kung kumakain ba siya pag-uwi niya galing sa trabaho. Kakayanin ko ba 'yon? Bukas na agad ang paglipat ko ng dorm. Sabi ni mama ay sasamahan daw ako ni ninang dahil may trabaho siya at hindi siya puwedeng magleave. Dadalawin nalang daw niya ako kapag may free time na siya which is hindi ako sigurado dahil sa tagal na niyang nagta-trabaho ay ni minsan hindi ko man lang siya nakitang nagpahinga. Maliban tuwing linggo. Kaso ginugugol lang niya ang panahon niya sa pagtulog no'n. Nagising ako ng 7:00 AM at ang unang bumungad sa paningin ko ay ang pink na maleta ni mama. I know this day would come. Aalis ako at magta-trabaho. Maiiwan si mama mag-isa. Kaso hindi ko in-expect na ganito kaaga naman. Paglabas ko ng kwarto ay si ninang agad ang nakita ko. Nakaupo siya sa sofa at umiinom ng kape habang nagce-cellphone. Napatingin siya sa akin nang marinig ang pagsara ko ng pinto. "Kumain kana muna bago tayo umalis." Gano'n nga ang ginawa ko. Sabi ni ninang ay maaga raw umalis ang mama dahil hindi raw niya ako kayang ihatid o makitang umalis. "Iyong nanay mo eno? Pasimple pa. Ayaw ka naman talagang paalisin dahil malulungkot talaga siya," sabi niya habang pina-padlock ang bahay. Dumiretso agad kami sa may Pansol kung saan maraming bangka ang puwede mong arkilahin do'n. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang dagat habang sumasabay sa hangin ang hanggang balikat kong buhok. Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa isla ng Gita. Kumpara sa Gransel, mas maliit ang isla ng Gita pero mas kilala ito dahil mas modern at maraming buildings na nakatayo rito. Hindi gaya ng sa Gransel na masyadong preserved ang lugar. Nakatayo pa nga sa Centro ang palasyo ng dating namumuno sa lugar na ngayon ay ginagawa ng tourist spot. Sumakay kami ng tricycle. Inabot din siguro kami ng 20 minutes bago nakarating sa bayan ng Buenavista. Dumiretso si ninang sa loob ng isang Townhouse. Mukhang bagong pintura lang iyon dahil wala ni isang bakas ng mantsa ang pader. Mukha yatang pinaghandaan nila ang simula ng klase. Tinulungan ako ni ninang na mag-ayos sa loob ng kwarto ko. Maliit lang ang unit pero maganda tignan dahil sa aesthetic style nito. Mint green ang kulay ng kisame at puro puti ang mga gamit. Maliit lang din ang cr tapos ay may mini-kitchen, cabinet at single bed na mukhang mga bago. Umalis din agad si ninang pagtapos akong paalalahanan. Medyo naboring ako sa loob kaya nagpasya akong lumabas muna at maglibot. May maliit na park malapit lang sa dorm at may mga nakatayong stall ng pagkain do'n. Sabi ng landlady ay may canteen daw sa first floor ng townhouse at puwede raw kaming umorder do'n. Nagdadalawang isip tuloy ako kung bibili ako o dito nalang. Mayroon din kasing nagtitinda rito ng pares! Nagulat ako nang may batang bumangga sa akin. Tumatakbo siya at hinahabol ng isa pang bata. Napabuntong hininga ako. Bahala na nga. Matagal na rin ng huli akong nakakain ng pares. "Oh, ganda. Pares? Lomi? Mami? O lugaw? Pili ka lang diyan," sabi ng tindero na nakasuot ng apron at abala sa pagse-serve. Hindi ko alam kung paano niyang nasabing maganda ako gayong hindi naman siya nakatingin sa akin. "Pares po," sabi ko at saka kinapa ang wallet sa bulsa sa likod ng pantalon ko pero wala akong nahawakan. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko nang makapa ko na ang lahat ng bulsa ay wala pa rin ang wallet. Saan ko nailagay iyon? Nandoon ang lahat ng allowance ko sa unang buwan ko rito. Hindi ko alam kung saan ako kakain at paano makakasurvive ng isang buwan na walang allowance. "Upo ka muna ro'n ganda iaabot ko nalang do'n," sabi ni manong. "Ah eh..." naikuyom ko ang palad sa sobrang kaba. Nakakahiya naman bawiin dahil sinasandok na ni kuya ang pares. "S-sige po." Matamlay akong naglakad palapit sa bakanteng puwesto. Anong gagawin kong excuse ngayon kay manong? Hindi naman siguro niya ako ipapakulong diba? "Uhm, Miss?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Halos matulala ako dahil sa ganda niya. Mayroon siyang cute pink hairband at straight na nakabagsak ang buhok niyang hanggang tiyan. Napatingin ako sa kamay niya. Hawak niya ang wallet ko! "I think you dropped this," sabi niya sabay abot sa wallet ko. Inisip ko kung saan ko ba nalaglag ang wallet ko at hindi ko man lang naramdaman na wala na sa bulsa ko. "S-salamat," sagot ko. Ngumiti lang siya sa akin. Mukhang familiar ang histura niya. Parang nakita ko na dati pero hindi ko lang matandaan kung kailan at saan. "Sige, nice to meet you." Tango at ngiti lang ang sinagot ko bago siya maglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumapit siya sa isang lalaking nakatalikod pero humarap din nang makalapit iyong babae. Kumunot ang noo ko nang mapansing parang kilala ko iyong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD