bc

Tones of Storm

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
revenge
others
second chance
drama
enimies to lovers
self discover
poor to rich
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Earth Amethyst is an introverted girl na malaki ang pagpapahalaga sa mama niya. Pangarap niyang maingat sa buhay ang sarili at nang hindi na sila apihin ng mga tao sa paligid. Ayaw niya ng attention, mas gusto lang niyang mag-isa dahil pakiramdam niya lahat ng tao ay may masasakit na sinasabi tungkol sa buhay nila sa tuwing nakatalikod siya.

Pero biglang magbabago ang ihip ng hangin at susubukan ni Earth na buksan ang puso at sarili para sa iba nang makapasok siya sa isang tanyag na school sa Isla ng Gita.

Doon niya makikilala si Vlad. Ang lalaking celf-centered at mayabang. Sa simula ay hindi maganda ang relasyon ng dalawa pero bigla iyong magbabago nang may hindi inaasahang pangyayari na maglalapit sa kanilang dalawa.

Paano kaya kung may dumating na isang delubyo na maglalayo at magpapabago sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
EARTH AMETHYST "Ayaw mo pa bang magtrabaho? Sayang iyang ganda ng boses mo kung hindi mo gagamitin." Umiling ako sa sinabi ni ninang. I'm still a minor. Next year pa ang debut ko at isa pa, tutol si mama sa paghahanap ko ng trabaho dahil kaya pa naman daw niya akong sustentuhan. "Naku! Ewan ko ba diyan sa mama mo kasi. Kasama mo naman ako! Kakanta ka lang naman do'n saka hindi ka naman pababayaan ng club. De-aircon pa ro'n tapos bongga rin ang tambayan ng singers," he said, "Kung inaalala naman niya ang mga lasing e' malayo naman ang quarters niyo. Pagtapos niyong kumanta ay diretso na agad kayo sa itaas na palapag. Ano? Ayaw mo ba talaga?" patuloy niya. Matagal na akong inaalok ni ninang ng trabaho sa club na pinagta-trabahuan niya. Gustong gusto kasi ni ninang ang boses ko at laging sinasabi na kikita raw ng malaki kung pagkakakitaan ko. "Baka nga madiscover ka pa ro'n at malay mo..." Maarte niyang hinawi ang buhok. "Maging way pa iyon para sumikat ka." "Naririnig kita, bakla." Si mama na kalalabas lang ng kwarto niya. "Sabi ko naman sa'yo... Hindi pang-club ang anak ko. Tama na iyong ako na lang ang magtrabaho." Kinalabit ako ni mama sa balikat at nang lumingon ako ay sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Inabot niya sa akin iyong blue bodycon dress at isang pares ng hills tapos ay nginuso niya ang kwarto— pinapahiwatig na sukatin ko raw iyon. Walang salita akong sumunod kahit na panay irap ako papasok sa kwarto. Punyemes na kasikipan naman 'to. Hindi ako sanay magsuot ng mga dress. Saka ano ba 'to? Hindi ako makahinga nang maayos rito! Halos umikot ang mata ni ninang nang makita ang ayos ko paglabas ng kwarto. Bahagya ko pang hinihila ang laylayan ng dress dahil lagpas tuhod ang haba no'n at hindi ako komportable sa gano'n. "Ayaw mong pagtrabahuin pero nirereto mo naman sa anak ng mga nagiging customer mo!" singhal ni ninang kay mama. Pinagmasdan ni mama ang ayos ko. Hanga talaga ako sa ganda ng katawan niya. Hindi halatang may anak na dahil litaw pa rin ang kurba kahit nakapambahay lang siya. Kaya nga madalas ay nababastos siya sa labas. Wala naman kameng pake sa sinasabi nila. Ano bang masama sa pagta-trabaho ni mama sa club? Alam ba nila kung anong ginagawa niya ro'n minu-minuto? Bakit kaya hindi nalang buhay nila ang pagka-abalahan nila. "Hindi ko naman nirereto ang anak ko. Isa pa, kinukuha ko naman ang permiso niya, ha?" Napairap ako sa sinabi niya. Malayo kasi sa sinasabi niyang pagkuha ng permiso ang ginagawa niya. "Nak, bukas ay maghanda ka ha? Nakausap ko si Mr. Santiago, gusto ka raw makilala ng anak niya. Mayaman 'yon! Ako mag-aayos sa'yo, ha?" Ayaw ko man sumunod at labag man sa loob ay pumapayag pa rin ako nang walang reklamo. Halos hindi ko kasi maramdaman ang presensiya ni mama. Panggabi ang pasok niya sa club at kung nandito man siya nang umaga ay hindi ko pa rin siya nakakausap dahil nagkukulong lang siya ng kwarto at natutulog. Dito lang kami nagkakaroon ng time sa isa't isa. Sa tuwing may ipapa-date siya sa akin dahil siya ang nag-aayos sa akin. Kaming dalawa na lang kasi. Gago kasi iyong tatay ko. Iniwan si mama habang nasa tiyan pa ako. Pagtapos niyang buntisin, iiwan na para bang wala man lang silang pinagsamahan. Mukha bang matinong tao iyong gagawa ng gano'ng bagay? Hindi na rin daw nag-effort si mama na hanapin iyong tatay ko. Sino ba naman kasing gaganahan hanapin iyong taong una pa lang ay wala namang balak magstay? Kaya ayoko magmahal. Isa sa mga plano ko sa buhay ay maging mag-isa hanggang sa pagtanda ko. No hassle. Sarili ko lang ang iintindihin ko. ***** I took a deep breath. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking restaurant sa siyudad ng isla ng Gransel. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano ba ako makakapasok. Wala naman akong cellphone para icontact ang ida-date ko. Pasimple akong gumilid nang makita iyong mag-asawa na papasok sa loob ng restaurant. Baka puwede siguro akong makisabay? Parehas namang blue ang damit namin. Puwede kong sabihin na anak nila ako. Si mama naman kasi. Ang sabi ay anak lang daw ni Mr. Ferrer! Hindi man lang dinescribe o sinabi ang description o kahit man lang kulay ng damit na isusuot! "What can I help you, ma'am?" Bahagya pa akong napatalon dahil sa gulat. Nakangiti sa akin iyong lalaki. Hindi ko alam kung anong ganap niya pero hindi naman siya mukhang guard dahil may dalawang guard na sa gilid ng pinto at nakatingin din sila sa akin ngayon. Mariin kong pinikit ang mata at pagtapos ay huminga nang malalim. Inisip kong mabuti iyong ginawa ng mag-asawa kanina bago muling dumilat at inayos ang tayo. "I-I a-already have a reservation here. U-under Mr. Ferrer's name." sabi ko at tipid na ngumiti sa lalaking nasa harap ko. Mabuti na lang at nairaos ko! Iyon kasi 'yung narinig kong sinabi ng babae kanina. Mukha namang hindi nila nahalata na pinlaygarize ko lang ang line na iyon at binago iyong iba ng konte. Kabado pa rin ako habang nakatitig sa kanya na tinititigan ang bond paper na hawak. Kailangan pa sigurong magpa-reserve sa restaurant na 'to bago ka makapasok. Hindi gaya sa Jollibee na papasok ka lang diretso. "Oh," Ngumiti siya matapos ibaba ang hawak na papel. "This way, ma'am." Nakahinga ako ng maluwag do'n. Tinuro niya ang pwesto at tahimik lang akong sumunod habang pinagmamasdan ang loob. May malaking painting ng mga Greek gods sa kisame na animo'y naglalaban. The whole place is covered with color gold maliban sa mga tables na kulay white. "Shall I call for the waiter, ma'am?" Agad akong umiling, kabado nanaman, "A-ah, n-no... po." Nakangiting tumango iyong lalaki sa akin bago umalis. "Wine, ma'am?" Umangat ang tingin ko sa waiter na may hawak na bote ng wine. "A-ah. Later nalang po." sagot ko at umalis na rin siya. Gaano ba kayaman iyong Mr. Ferrer at dito pa ako napiling dalhin. Parang ginto lahat pati pagkain, e. Nakakatakot tuloy tumingin sa menu. Baka mamaya singmahal ng kaluluwa ko isang pagkain dito tapos singlaki lang ng kamao ko iyong ise-serve. Agad nagsalubong ang kilay ko nang may lalaking umupo sa harap ko. Nakasuot siya ng blue/white striped t-shirt, chinos pants and white sneakers. Halata rin ang magandang hubog ng katawan niya. Mukha sigurong alagang gym 'to! Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang umupo siya at bigla na lang naging busy sa pag-aayos ng table napkin sa binti niya. Nakayuko pa rin siya nang magtaas siya ng kamay at sumenyas ng waiter. So anong ganap ko rito? Hangin lang? Ang bastos naman nito! Hindi ba dapat kahit hi man lang o kahit tanguan lang niya ako para masabing in-acknowledge niya iyong presence ko. Padabog kong kinuha ang menu at pikit matang tinignan ang mga pagkain do'n— iniiwasan tignan ang presyo. Dahil medyo inis sa asta ng lalaki ay isang kalokohan ang pumasok sa isip ko. Pagtapos niyang mabigay ang order ay ako naman ang nagbigay. Tinitignan ko ang reaction niya habang sinasabi ang mga order sa waiter pero diretso lang ang tingin niya sa kung saan at mukhang walang pake kung orderin ko ang lahat ng pagkain sa menu. Maubos sana ang laman ng bulsa niya! Hindi ko sana balak na kausapin siya pero mamamatay na ako sa sobrang boring dito. Baka matuyo ang laway ko kung tititigan ko lang siya. "So anong ginagawa mo sa buhay?" Diretsong tanong ko kasi walang mangyayari rito kung ako pa ang magpapabebe. "You like what you see?" Imbis sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya. Mukhang kanina pa ata niya pansin na nakatingin ako sa kaniya. Seryoso ang boses niya pati ang expression sa mukha nang tignan niya ako. Tumaas ang dalawang kilay ko, kunwari'y hindi naiintindihan ang pinahihiwatig niya. "H-ha? A-ano iyon?" "Nothing." Umikot ang mga mata niya sa akin. "Ano nga palang pangalan mo?" "Vla— Nathan," sabi niya tapos ay tumikhim. Tumango ako. "Oh. Ako naman si Earth." He scoffed. "Okay. So, anong gagawin natin pagtapos kumain?" "Ah... mag-uusap?" Hindi siguradong tanong ko. Pagtapos kasi nito ay wala na akong balak na umalis pa kasama siya. Baka mamaya ay kung saan pa ako dalhin nito. Mukha pa naman siyang harmful. Harmful na guwapo! Nagsalubong ang kilay niya. "Iyon lang? Tsk." Wow. May ine-expect pa ba siyang iba? "Bakit? Ayaw mo bang makikilala natin ang isa't isa?" Umirap siya, "We know each other's name. Ano pang kailangan natin kilalanin sa isa't isa?" tanong niya at balak ko pa sanang magsalita kundi lang dumating iyong mga pagkain. "Hindi ba tayo magdadasal?" sabi ko. Hindi ko naman din trip magdasal pero ang sarap lang asarin ng mukha niya kasi biglang nanlaki iyong mata niya tapos halos umusok iyong ilong niya sa sinabi ko. He cursed. "Just eat!" Ngumuso ako. "But we need to pray." Tama 'yan, Earth, magpaka-inosente ka. May mararating ka r'yan. "Edi magdasal ka mag-isa. Bakit idadamay mo pa ako?" Inis na sabi niya at tinuloy na ang pagkain. Nagkibit balikat na lang ako at kumain na rin. Mukhang allergic 'to sa usapang dasalan, e. Tinikman ko lahat ng in-order kong pagkain. Iyong mga hindi ko masyadong nagustuhan ay tinabi ko muna at inuna ang mga masarap sa panlasa ko. Paminsan minsan ay sumusulyap sa akin itong kaharap ko pero hindi ko siya pinapansin. Bahala siya diyan. Siya itong masungit kanina tapos ngayon ay may patingin-tingin na siyang nalalaman. Mas nauna pa akong natapos sa kanya. Kinuha ko ang soup at akmang kakain na iyon nang magsalita siya. "Anong rason mo para makipag-date sa 'ken? Was it because of money?" tanong niya habang may nakakalokong ngisi sa labi. Humigpit ang hawak ko sa kutsara. Sanay na ako sa ganitong eksena. Bata pa lang ako ganito na ang mga naririnig ko sa lugar namin. Anak ng p****k. Mukhang pera at kung ano ano pang masakit na salita na dati ay hindi ko masikmura. Pero habang lumalaki ay natutunan kong dedmahin ang mga iyon. May karapatan naman silang magbigay ng say sa buhay namin as long as hindi sila sumo-sobra to the point na sasaktan kami. Hanggang salita lang naman sila. Iyon lang ang ambag nila sa buhay namin kaya hinahayaan na lang namin ni mama. Kaso iba pala iyong tusok kapag harap harapan kang hinusgahan ng isang taong hindi mo naman kilala. I pursed my lips, trying to suppress the sudden pain I felt in my chest. Nilapag ko ang kutsara at kinuha ang soup spoon. Nilagyan ko ang bowl niya ng soup at mariing tumingin sa mata niya. "Kung peperahan ba kita, magkano ba ang kaya mong i-offer? Sabay na umangat ang gilid ng labi at kilay niya. "Name your price." Normal na lang siguro talaga sa mga mayayaman ang magsayang ng pera. Matutuwa kaya iyong magulang niya kapag nalamang iyong pinaghihirapan nilang pera e' tinatapon lang ng anak niya? Kung anak ko 'to pinatapon ko na 'to sa Bermuda. "Sayang din 'yan," sabi ko. "Kaya nga tayo nandito dahil desperado ang tatay mong makahanap ng girlfriend para sa 'yo, diba?" Ewan ko rin sa tatay nito kung anong trip sa buhay at naisipang ipa-blind date ang anak. Ganito talaga siguro mga mayaman kapag na-bored 'no? Tumayo na ako at kinuha ang wine glass. Magkasalubong na ang kilay niya pero nanatiling nakababa ang tingin niya sa plato. Saglit akong nagkaroon ng pagkakataon para titigan iyong mukha niya. Totoo nga talagang hindi lahat nabibiyayaan sa buhay 'no? Gaya ng isang 'to. Ang guwapo guwapo pero ligwak sa ugali. "Kung peperahan din lang naman kita bakit hindi na lang kita pikutin?" sabi ko at mabilis na dinampot ang wine at tinapon sa ulo niya. Sayang kasi iyong wine. Hindi rin naman ako umiinom nito. Gulat siyang tumayo. "What the f**k!?" singhal niya na halos bumulabog sa buong restaurant dahilan para mapatingin sa amin ang ilan. "What did you do?" ulit niya na may madilim na expression sa mukha. Sumeryoso ako at tinitigan siya, "Alam kong mayaman ka. Marami kang pera na puwede mong itapon at ipamigay kahit kailan mo gusto. Pero hindi iyon basehan para mang-insulto ka ng tao!" sabi ko. "Oo, hindi ako mayaman pero hindi ako mukhang pera gaya ng iniisip mo." Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at mabilis na akong umalis doon. Nang masiguro kong malayo na ako ay sumandal ako sa pader at bumuga ng malalim na hininga. Sana ay hindi na kami ulit magkita. Nakakainis ang mukha niya. Hindi nga lang ang mukha e' pati buong existence niya nakakainis! ***** "Oh nandito kana pala," sabi ni ninang nang pumasok ako sa bahay. Dumiretso ako sa sofa at pabagsak na umupo. Pagod na pagod ako! Buwisit na mga tao sa paligid 'to. Nakasuot lang ng dress mag-aapply na agad sa club?! Ano? Bawal na ba magsuot ng ganito? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong nagsusuot ng dress? Kaloka! "Mukhang stress ka, ha? Chaka ba date mo?" Umirap ako at sinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. "Ayos naman ninang," sabi ko na lang dahil wala ako sa mood magkuwento. "E bakit mukha kang jinombag ng sampung bakla sa daan? Nilakad mo lang ba pauwi?" Inabutan ako ni ninang ng tubig na agad kong nilagok. Grabe... Buti na lang talaga at pagod ako kaya wala akong energy para patulan ang mga chismosang kapit-bahay. "In-interview lang ako r'yan sa labas," I said. Lumaki ang mata ni ninang at humalukipkip na naupo sa tabi ko. "Kalerki naman ang mga taong bayan talaga. Anong sinabi? Inapi nanaman ba ang beauty ng aking inaanak? Naku. Kapag ako talaga hindi nakapagtimpi sasampalin ko ang mga mimosang 'yan kaliwa't kanan," sabi niya at hinawi ang imaginary long hair. "Mga inggiterang palaka palibhasa ay mga chaka." Halos pamilya na rin namin si ninang kahit hindi siya dito nakatira dahil alam na niya lahat ng nangyayari sa buhay namin ni mama. Siya kasi iyong katulong ni mama sa pag-aalaga sa akin dahil madalas siyang nasa club. Halos pangalawang nanay ko na nga si ninang. Nagta-trabaho rin si ninang sa club kaso sa ibang lugar naman. Siya iyong parang recruiter ng mga talent para sa club nila. "Nevermind mo na ang mga chaka'ng palaka na 'yon. May good news ako," sabi ni ninang at hinawakan ang kamay ko. "Itong nanay mo kasi..." Kumunot ang noo ko. "Bakit po?" "Alam mo ba iyong palagi mong sinasabi sa amin na gusto mong mag-aral sa St. Grunt?" tanong niya. Hindi ko pa man alam kung saan patungo ang usapan ay kinakabahan na agad ako. Ayokong umasa. Mahal ang tuition do'n at kahit magbanat pa ng buto si mama ay hinding hindi namin ma-aafford iyon. May scholarship din naman kaso mahirap makapasa. Sinubukan ko na kasi sa Humilde Corp. iyon lang kasi iyong nagbibigay ng scholarship pero bagsak ako kaya hindi na ako umasa. Dream school ko iyon simula bata pa. Ewan kung dahil ba lumaki akong laging kinu-kuwento sa akin ni mama iyong school kasi dream school din niya iyon basta nagkainteres na lang din ako basta. "Good news kasi nakahanap ang mama mo ng sponsor." Puwede bang pakilinaw? Ano raw? "S-sponsor?" tanong ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at para akong hinehele sa duyan sa sobrang galak. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na makakapasok ako sa school na iyon. Tumango siya tapos hindi ko na alam iyong sunod na nangyari. Ang alam ko na lang e' nag-iiyakan na kaming dalawa habang nakayakap ako kay ninang at inaalo niya ako. "Bukas ay mamimili tayo ng gamit mo ha?''

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook