IVELYN MASAYANG masaya ang lahat ng nasa paligid namin. Ang daming kasama ni Leslie, ako man ay meron din pero wala ang parents ko. Nakausap ko naman si Mom kanina before the ceremony started, and she said that both of them are very proud of me. I graduated with flying colors. Bestfriends goals nga kami ni Leslie. We did it, pero kahit minsan hindi kami naging magkalaban.We don't see each other as a threat or person to compete. Nang tawagin na ang aking pangalan ay su Abuela ang sumama sa akin. Abuela can't hide how proud she was. I made a good decision ng ayusin ko ang aking pag-aaral sa tulong ng aking kaibigan. Nang halos patapos na ang graduation ceremony, ay gulat na gulat kami ni Leslie ng mag flash sa malaking screen ang aming mga mukha at iba’t ibang larawan ng magkasama. Ther

