IVELYN PABALIK na kami sa Manila ngayon ng wala halos nakakaalam sa mga ka bahay sa mansyon. Malalaman din naman nila iyon mamaya kapag nagsabi o nag-report na ang mga tauhan na bantay sa gabi. Umalis ako sa Quezon ng hindi kinakausap si Abuela. Hindi ko alam paano siya kakausapin at haharapin. I don’t want to be rude to her. I love her so much. Hindi iyon magbabago. Si Abuela ang lahat sa aking kabataan. And kung kaya lang ibalik sa normal ang lahat gagawin ko. Pipiliin ko na maging si Ivelyn pa rin na sweet at nauunawaan ang lahat. Alas tres nitong umaga ng dumating si Kuya Allan. Handa na ako ng mga oras na iyon, dahil hindi naman talaga ako nakatulog. Walang naging pagdalaw ng antok sa akin kahit pagod sa byahe. Panay naman kasi ang paggana ng aking isip sa kung anu-anong mga b

