KENT “WEDDING? Sino ang ikakasal? Saan gaganapin? Teka, bakit naging topic ang kasala? Kanino nga ulit ikakasal? Liwanagin mo nga Zacho! Tawa mo lang kasi at kasal na salita ang naunawaan ko.” Sunod-sunod ang naging mga tanong ni Kanjie kay Zach0. Nasa isang high end bar kami ngayon dahil birthday ni Zacho. Kahit na tauhan ko sila ay kaibigan pa rin naman ang turingan namin sa isa’t isa. At first duda ako sa kanilang dalawa, but later on ipinamalas nila sa akin na mula sila sa akin sila nakapanig. Iisa ang ipinaglalaban naming tatlo. “Ang linaw-linaw naman ng kwento ko a! Bakit parang bingi ka yata ngayon Kanjie? Alisin mo kasi ang mata mo sa nerd na bartender. Kahit titigan mo ‘yan hindi mo mapapasagot ‘yan. Ayaw raw n’yan sa bano.” Pilosopong tugon naman ni Zacho kay Kanjie. Lagi s

