IVELYN (Paunawa : Ang mga lugar, okasyon at pangyayari sa mga lugar ay tanging produkto lang po sa aking malikot na isip.) HABANG palapit na ang araw ng kasal ni Ate Imee, na siyang naging kaibigan at Ate ko na rin tulad ni Leslie ay parang kinakabahan ako. Panay ang bring up ni Leslie ng tungkol doon. Halatang miss na miss niya na ang Ate namin. Ako man ay miss na miss ko na rin ito. Nasasabayan kasi ni Ate Imee ang kalokohan namin ni Leslie este ako pala. Ang isa pa sa problema na iniisip ko ay ang naging huling pag-uusap namin ni Lola ng tuwag ito. Parang malalagay sa kumpromiso ang pagiging abay ko sa kasal ni Ate Imee. “Huy…Anong problema mo?” Untag ni Leslie sa akin. Nasa review center kami ngayon at nagpa-schedule na. “Ano kasi—baka hindi ako makapupunta sa kasal ni Ate Imee.

