MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN “MAY problema ba apo?” Tanong ni Abuela sa akin habang nasa isang lamesa kami, kasama ang ibang kamag-anak namin. Ito ang araw ng fiesta sa aming lugar. In two days naman ay kasal na ni Ate Imee. Gaganapin ang kasal sa isang private island. Ganun ka sweet at kayaman ang naging asawa ni ate Imee. Tila ba match made in heaven ang dalawa. Sa dating apps nagtagpo at nakabuo ng solid na pagmamahal para sa isa't isa. “W-wala naman po.” Tipid na tugon ko sa aking Abuela. Tumitig ito sa akin bago muling nagsalita. “Sige, maniniwala ako sa’y0. Pero apo bukas ng tanghali aalis tayong dalawa. May okasyon akong dadaluhan ay ikaw ang nais ko na kasama.” Tila pagsuko na pagsang-ayon sa akin ni Abuela. Sa sinabi naman n’yang may pupuntahan kami na isang okasyon ay tipid lan

