MINASDAN ko lang si Abuela habang may kausap na dalawang lalaki. Medyo naging matagal iyon, bago ako mabilis na napaatras at tago ng bigla silang tumingin sa aking direksyon. Lumayo ako sa bintana at pumunta sa may pang isahan na upuan. Kabado ako sa hindi malamang dahilan. Gulat na gulat pa nga ako ng may isang kasambahay ang bumulaga sa aking harapan. “Miss Ivelyn, ipinapatawag na po kayo ni Señiora sa labas.” Magalang na ani ng babae. Ako naman ay umayos ng upo bago tumango sa babae, na nawala rin agad sa aking harapan. Sunod-sunod muna akong nagpakawala ng buntong hininga bago tumayo at gumayak ng palabas ng mansyon. “Miss Ivelyn ihahatid ko po kayo sa chopper.” Bungad na ani ng isa sa mga lalaking kausap kanina ni Abuela. Dito sa mansyon ay may mga electric bike na gamit ang Ab

