NAGISING ako na kakaiba ang aking nararamdaman. Para bang nilalagnat ako na hindi ko maintindihan. Init na init ako na parang uhaw na uhaw rin sa hindi ko malaman dahilan. Kakaibang uhaw ito na ngayon ko lang naramdaman. Dahil sa aking pakiramdam hindi ko agad napansin na nasa isang may kadiliman pala akong silid dahil ang aking pakiramdam lang muna ang pinagtuunan ko ng pansin. Maingat kong iginala ang aking mga mata sa paligid, parang kulabo pa ang aking paningin. Ngunit mali pala ako ng akala. Hindi ako mag isa sa loob ng silid na ito. Mayroon kasing lalaki sa isang bahagi ng silid sa parte ng sulok ang tila katulad ko ay ngayon lang rin nagising mula sa pagtulog. Dahil medyo madilim ang paligid ay hindi ko pa ito makilala, kung kilala ko man siya o nakilala ko na. Hindi ko maint

