BAGO AKO tuluyang makatulog tila naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan mula sa sahig na aking kinauupuan. Hindi nagtagal ay lumapat ang aking katawan sa malambot na kama siyang dahilan ng aking tuluyang paghimbing. Mula sa mahimbing na pagtulog ay nagising ako dahil sa mahina pero may panenermon na tono ng boses lalaki. “Matagal na kayo sa akin, pero hanggang ngayon hindi pa rin nin’yo tanda at kabisado ang mga bilin ko tungkol sa rules ng bahay na ito. Wag na sanang maulit ito. Wag rin sanang asawa ko ang makaranas ng kapabayaan n’yo. Nagmukhang basang sisiw ang asawa ko sa harapan mismo ng kanyang silid sa unang araw n’ya sa pamamahay na ito. Now, do you task and leave us alone!” May awtoridad at diretsong sabi ng lalaki, na ngayon ay kilala ko na kung sino. Sa kanyang mga sina

