THIRD POV
MULA sa payapang pagkakaupo ay mabilis na napatayo ang isang lalaki ng matanaw nito ang kanyang inaasahan o hinihintay na panauhin. Hinintay ng lalaki na makalapit ang bisita bago ito magsalita.
“Paumanhin kung ikaw pa ang pinapunta ko sa aking tahanan? Welcome sa aking munting tahanan.” Bungad ng lalaki sa babaeng may ngiti man sa labi pero halata na may angking tapang at malawak na koneksyon. Tipid na tumango ang babae kaya muling nagsalita ang lalaki.
“Maupo kaya tayo at ng makapag-usap naman tayo ng maige. Alam mo naman na hanggang wala pa ang tamang oras, ay nag-iingat ako na wag munang makita ng pinili. Hindi mo naman siguro ito mamasamain? Ang bumisita sa bahay ng isang Ginoo.” Muling sabi at tanong ng lalaking mabilis, sa kanyang ubod ng supistikada na bisita.
Sa kabuuan ng bahay ay kitang kita na agad sa bawat muwebles kung gaano kayaman ang taong nakatira, na tunay na bagay na bagay naman sa pisikal na sa anyo ng nakatira. Mukhang mamahalin lahat kasama ang may ari ng tahanan.
Kung sa normal na mga mamamayan o mga tao at makikita ang dalawang tao na magkaharap ngayon. Tiyak na isang maharlikang mga tao ang makikita nila sa pigura ng dalawang taong formal na nag-uusap, habang may nag-su-sukatan na mga tingin at tipid na ngiti sa kanilang mga labi na alay para sa isa’t isa. Bahagyang tumahimik ang paligid, bago tila mayuming dalaga na tumawa ang babaeng bisita tsaka nagsalita.
“Paumanhin din! Alam mo naman hindi ba na nauunawaan kita. Tayong dalawa ang lubos na nakakaunawa sa isa’t isa. Hindi rin naman ako maselan na tao sa mga ganitong bagay, lalo na’t mahal ko ang pag-uusapan at pakay ng aking pagbisita sa bahay o teritoryo ng ibang tao.” Mabini na tugon naman ng babae sa lalaki, na tunay na nakakuha ng paghanga ng lalaki.
Kung sabagay noon pa naman ay hinahangaan na ng Señior ang ang Ginang. Nawalan man kasi ito ng kabiyak ay tumayo itong Ama’t Ina at Head of their clan.
Ngumiti ng malawak ang lalaki bilang tugon sa naging sagot sa kanya ng babae.
“Better na umupo na muna tayo bago magpatuloy sa pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.” Ani naman ng Ginoo sa Ginang.
Agad na rin na naglahad ng kamay na ang Ginoo bilang imbitasyon, na sa una ay tiningnan muna ng kaharap Ginang bago tanggapin ang alok ng lalaking kaharap para siya’y alalayan.
Nang nakaupo na ang dalawa ay may dumating na kasambahay para maghatid ng tsaa. Advance ng nagsabi ng Ginoo ang kailangan na pagkain at inumin para sa kanila ng kanyang espesyal na bisita. Mabilis lang din naman ay umalis na ito.
Agad na gumulong ang usapan ng dalawang head of the clan. Kanya kanyang bigay ng punto tungkol sa sensitibong tapiko na kanilang hihimay na pag-usapan.
“Hindi kaya mas lalo lang mabigla ang mga bata? Ayokong lumayo muli sa akin ang naiwan na kaisa isa kong apo.” Tila biglang nawala ang tatag ng Ginang ng sabihin iyon.
“Hindi naman ngayon na agad mismo. Ang akin lang imbis na umabot pa ng pito o limang taong ay gawin nating mas maaga. Notify her early, so she'll get prepared. Kapag ganun ay mabilis at mas madali na lang pabilisin ang lahat. Sa aking parte naman ay madali lang, believe me kayang kaya ko ang akin.” Kumpyansa na tugon naman ng Ginoo, na tila nagpa-gising sa Ginang.
“Still manipulative! Ganun ka pa rin tulad ng dati. Pareho kayo ng aking asawa, ngunit mas malala ka.” Untag ng Ginang na waring pilit inaalis ang hesitation na nararamdaman.
“I still believe in my instinct. Tama ang ginawa ko noon sa aking anak, dangan lang na naging kampante ako kaya nawala sila ng maaga ng kanyang asawa. Ngayon alam ko na tama pa rin ako pero mas magiging mataas lang ang seguridad ko para wala ng umalis na aking mahal sa buhay.” May kasiguraduhan na sabi ng Ginoo kahit na mababakas ang lumbay sa kanyang mga mata.
“So what's the plan?” Tanong ng Ginang.
“After graduation, sisimulan na natin ang pagtatagpo nila.” Magilas na tugon ng Ginoo.
Tanging tango lang naman ang naging tugon ng Ginang sa sinabi ng lalaki. Nanatiling magkaharap ang dalawa pero ang isip ng Ginang malayo na ang nararating.
Ngunit ng maalala ng Ginang ang kanyang apo ay mabilis nitong nilapag ang tasa ng tsaa.
“I need to go. Baka magising na ang aking apo. I need to spend more time with her.”
“Just be with her, soon ako naman ang bahala sa kanya. Pangako hindi ko pababayaan ang ating apo. Salamat sa pakikipag-ugnayan sa aming kasunduan ng iyong yumaong asawa. Mag ingat ka Cilla.” Seryosong sabi ng lalaki sa babae na agad na ring umalis.
*********************
MAGAAN at masayang mukha ni Lola ang bumungad sa akin kanina ng makarating kami ni Kuya Allan sa Quezon. Masaya naman akong lumapit at yumakap sa kanya. Pasado alas tres na ng hapon kami makarating sa ancestral mansion ng aming pamilya. Konting kwentuhan lang ang ginawa namin ni Abuela ay nagpaalam na ako na kung pwede ay umidlip muna.
Kahit na nakaidlip ako sa biyahe ay iba pa rin ang epekto ng malamig na klima sa akin. Parang dinuduyan ako sa antok. Pumayag naman si Abuela at hinatid pa ako sa aking silid dito sa mansion.
Nagising lang ako dahil sa isang panaginip. Ikakasal na raw ako sa lalaking nakatakda sa akin, and it turns out na lalaking iyon ay ang lalaki na nasa park noon.
Natigilan ako pero kalaunan ay natawa na rin.
“Crush mo talaga siya Ivelyn.” Tatawa tawa nasabi k0 sa akinh sarili.
Alam ko medyo inappropriate sa tulad ko na halos lampas na sa teens ang salitang crush, pero bakit ba? Pwede pa ‘yun sa'kin lalo't wala pa naman akong nagiging nobyo.
Meron sanang mga nanliligaw at aaminin ko may mga natipuhan ako pero bigla silang nawawala o umiiwas na lang.
Marahan akong bumagon mula sa pagkakahiga. Kanina pa naman ako gising pero nagmuni-muni lang muna ako sa higaan. Mabilis akong naghubad para maligo. Na-excite ako bigla ng maalala ang sinabi ni Abuela na may mga goods pa na for repacking. Almsot 10 minutes ako sa loob ng banyo bago na tapos.
Simpleng damit lang at cotton pants ang aking sinuot. Tahimik ang buong mansion dahil wala ang ibang mga kabahay ni Abuela. Napabaling ang aking tingin sa pintuan ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Imbis na lumabas sy sa bintana ako sumilip. Nakita ko ang nagmamadali na si Abuela. Narinig ko rin ng tanungin niya ang isa sa mga kawaksi.
“Gising na ba ang aking apo? Alam niya ba na umalis ako?” Tanong ni Abuela. Napaisip tuloy ako. Bawal ko bang malaman na umalis siya? Hindi kasi normal ang pagkatanong niya noon sa kawaksi, para bang dapat wala akong alam.
“Tingin ko po ay hindi naman niya alam. Nang lumabas po ako ay nasa kanyang silid pa si Miss Ivelyn.” Magalang naman na tugon ng kawaksi.
Nang kumilos na si Abuela papasok ay umalis ako sa bintana at nagtungo sa hagdan. Umakto ako na kababa lang. Tila nakalma nama ito. Inaya rin ako ng aking Abuela na magmerienda muna. Sumama naman ako pero ang daming tanong sa aking isip.
“Anong lihim kaya ang meron siya ngayon?” Piping ko tanong sa aking isip kasabay ng pagkalabog ng ubod bilis ng aking dibdib.
Sa mga oras na ito para akong nasasakal o nahihirapan na huminga. Later on I managed to reagin my senses. Ibang iba na ako ngayon when it comes sa pagkontrol sa aking sarili lalo na sa aking maligalig na emosyon. Huminga lang muna ako ng ilang beses tsaka nakipagkulitan na sa akinv Abuela.